Kumakalabog ang puso ko sa kaba.
bakit naman ako kakabahan?nung ipinakita ko nga kay Junjun na may boyfriend ako e nasiyahan pa ako pero bakit ngayong makikita nang buong barkada niya ay parang tinatambol ang puso ko sa kaba?Feeling ko nga e mahaheart attack ako!!!help!ang sama kasi ng titig ni Jessie tapos parang tumatagos ang titig na Xavier sa akin.Tagos hanggang kaluluwa kaya hindi ako tumitingin sa kaniya.Talak ng talak si July sa tabi ko habang ako'y kunware na nakikinig.nadagdagan ang kaba ko nang marinig ang tunog nang papalapit na kabayo.They're here now!Naaninaw ko na ang mukha ni Junjun sa isang kabayo at sa likod nito ay si Jerome but as far as I know tigiisang kabayo sila kanina.Anyare?And to answer my question.Elliot is here riding one of the horse at sa likod nito ay si Draius?Really?andito siya!
"BELLA NANDITO BOYFRIEND MO!"sigaw ni Junjun.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang pag igting nang panga ni Xavier.Ang pagningning ng mga mata ni July.Sino ba naman ang hindi magniningning ang mata e mukhang diyos yata si Elliot at Draius.
"O my..."rinig kong bulong ni July sa tabi ko.
Tumayo ako para puntahan sina Elliot at Draius ng naramdaman kong tumayo rin si Xavier.
"Sino ang boyfriend mo sa dalawa,bella?"nakangising tanong ni Jessie.Wala na ang talim sa mga mata nito.It looks like she win over something.
"Boyfriend?"gagad ni Draius.Shit!wala siyang alam!!!
"Si bella may boyfriend?"
natatawang tanong ni Draius."Really?"nanunudyo ang mga mata ni Draius nang bumaling sa akin.Bukingan na!"Di mo alam?na sila nang lalaking kasama mo?"kunot nuong tanong ni Junjun.
Humagalpak ng tawa si Draius.Siya lang ang tumatawa kaya para siyang baliw.
"Seriously?"hindi ito makapaniwalang tumitig sa amin ni Elliot na pareho lang tahimik.
"Kailan?akala ko ba magkamag-anak kayo?diba?""What?"laglag ang panga ni Jun.Alam niya nang nagsinungaling ako.
"Bella you lied?"tanong ni Jun.
Hindi ba obvious?
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Elliot.
"Ako ang nagsabi sa kaniya na kapag may lalaking umaaligid sa kaniya e sabihin niyang may boyfriend na siya.She's too young.Gusto kong makapagtapos muna nang pag aaral ang kinakapatid ko bago ang mga bagay na yan."
I bit my lower lip.Napaka understanding kasi niya.Kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
"Siya nga pala.I'm here to give you the laptop,baka kasi wala kang dala."anito at may ibinigay sa aking bag.
"No need.Dala ko."I said while giving it back to him.
"So,you're saying na walang kwentang bumalik kami all the way dito?"It was draius,he sounds irritated.
I smiled.Kasalanan ko bang di kayo tumawag!Walang kumikibo sa kanila.
"So,wala kang boyfriend?"
"Wala pero hindi nga siya pwede magkaroon."sabad ni Elliot.
"Jun,kakasabi lang ni kuya diba?study first!"
Now I know na hindi niya talaga ako titigilan.He'll chase me for sure!Sumama nalang ako kina Elliot sa pagbalik sa bahay.Dahil nasa labasan lang pala ang ducati niya at trip niya lang mangabayo.dikit nang dikit sa akin si Junjun pero lumalayo ako at tumatabi kay July.Bigla nalang nagwalk out ang gwapo kanina—I mean Xavier.Nagwalk out siya bigla.Ewan ko dun.parang pipi nga e.hindi nagsasalita.Hindi ko pa nga nakikita ng maigi ang mukha niya.Umiiwas akong mag eye to eye sa kaniya e.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise(Royalty Series 1)
RomanceCOVER BY: @Lyanna_Queen #1 ROYALTY SERIES Princess Ysabella In The House Of Amezquita Trust is something she can't easily give. She possess a beauty that can be compared of a goddess. Her fighting skills can be compared in a speed of lightning and...