CHAPTER 53

656 9 3
                                    

"Are you sure were going?" tanong ni Xavier. Nag aalala.

"Its just an intimate wedding Xav, I don't think may mangyayari pa dun." sagot ko habang chinecheck ang mukha ko sa salamin.

Muntik na naming makalimutan na ngayon ang kasal ng kaibigan niya. Good thing nakaready na ang susuotin namin.

Philip was already discharge from the hospital two days ago.

"You don't need to worry." humarap ako sa kanya at inayos ang neck tie niya kahit maayos naman."Everything is gonna be alright." I smiled.

He heaved a deep sighed. "I hope so."

Agad niya akong hinapit para mahalikan sa labi.

Deretso na kami sa simbahan ni Xavier. He's one of the groomsmen. Nang makapasok kami. Ilan lang na nandoon ay mga sponsors at guest. Mukhang wala pa ang mga groomsmen and bridesmen.

Ilang minuto nang maupo kami sa gilid biglang tumunog ang phone ni Xavier.

"Its Jerome." pakita niya sakin ng phone. Tumango lang ako.

He picked it up and never left my side.

Sumama ang mukha niya pero sumangayon rin.

"I have a date. And yes, okay, okay. Be thankful its your wedding." aniya bago pinatay ang tawag.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya.

He sighed. Problematic.

"I need to go to the hotel. May picturial daw kaming mga groomsmen."simangot niyang sabi.

Napatawa naman ako." Its okay, go."

Kumunot ang nuo niya."Anong go?"

Ha? "Umalis ka na."

Mas lalo siyang napasimangot."You're going with me."

Agad akong umiling at tinuro ang killer heels ko. "You wouldn't like kapag nagkapaltos ang paa ko." I pouted.

He ruined his hair na agad ko namang sinaway. It looks messy now.

"Geez, alam kong gwapo ka in that way pero Xav naman, This is a wedding." mariin kong sabi habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko.

He was about to lean in and give me a peck ng mag ingay ulit ang cp niya.

"Arhggg!" frustrated niyang sabi.

Matalim ko siyang tinignan. "You're hair."

He pouted.

Tinuro ko ang labi niya. "Hindi mo ako madadala sa ganyan." pinitik ko yun kaya napaaray siya.

Masama ang tingin na umalis siya pero tinawanan ko lang. Wala naman akong kilala dito. Mukhang sa side rin ng bride ang karamihan na nandito dahil sure akong taga probinsya si Jerome.

I took myself outside for fresh air. Nasa parking lot ako ng may makitang kakaibang bagay. I almost shrieked in horror when I saw a red dot on my dress.

Hindi ako gumalaw. Takot na bigla nalang niyang kalabitin ang bala.

My phone rang. I slowly took it from my purse. It was Xavier. I was about to answer it when the dot move upward. Where my heart locates.

Sasagutin ko na sana ng magwarning shout siya kaya nabitawan ko ang phone ko. Kitang kita ko ang bala malapit sa paa ko. Ilang inches lang matatamaan ako.

Hinagilap ko ang palapulsuhan ko. I don't know if it will work. The last time was long time ago. I pressed the button.

Isang tao lang ang nagbigay sakin yun and I wish malapit lang siya dito. I need him here now.

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon