CHAPTER 41

724 12 2
                                    

"Alam mo kaninang hapon may gwapong lalaki akong nakita."

Nagkwekwentuhan kami ni Elis.

"Ganun ba, O, anong nangyari? Nagpacute ka?" binuntutan ko pa nang tawa sa huli.

"Kaloka. Nihindi man lang nga ako tinignan e."

"Wala ka pala e." pang aasar ko.

"Pero naweirduhan lang ako sa kanya kanina." bigla siyang nag astang nag iisip.

"Weirdo? Sigurado ka bang gwapo yan? Baka naman namamalikmata ka."

"Hindi gurl e. Nakatitig siya dun sa kinanvas mong painting last year. Actually titig na titig talaga siya dun."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Baka nagandahan lang." baka nga ganun lang.

"Baka nga, kaso sayang!"

"Ano naman ang sayang dun?" nagsasalita ako habang di siya tinitignan. Inaayos ang mga chart na kailangan.

"E, mukha namang mas gusto niya pang titigan ang frame na yun kesa sakin."

"Mas maganda naman talaga yun sayo." bulong bulong ko.

"Ang sama mo!"

Napabungisngis ako."Bilib din ako sa pandinig mo e."

"Heh!"

Naging normal ang takbo ng araw ko. Nang maghapon ay sinabihan na akong kailangan ko na daw mag prepare kaya mas lalong pinaaga ang pag uwi ko.

Napagkaalaman ko ring sa probinsya pala ang pasyenteng aalagaan ko. Medyo matanda narin daw ayun sa pagkakabasa ko ng details na ibinigay ni director.

"Meron kang service na magdadala sayo sa pupuntahan mo. Velasquez corporation already ready everything kaya wala ka nang pro-problemahin basta gawin mo lang ang trabaho mo."

Yan ang huling sinabi sa akin bago ako pumasok sa nakaantay na van para makaalis.

"Sigurado ka ba talaga?"

Nagpho-phone call kami ni Elis habang nasa likod ako ng van papuntang probinsya.

"Elis naman. Kung hindi pa ako sigurado edi dapat hindi na ako sumakay pa dito."

"Bakit mo naman ako iniwan dito?!"

"Kung magsalita ka naman parang taon akong mawawala ah." nakahilig ang mukha ko sa bintana. Nasa labas ang tingin ng mga mata ko havabg nakikipag usap sa kanya.

Nahsasalita si Elis sa kabilang linya ng biglang mahagip ng mga mata ko ang isang bagay sa itaas ng van.

Itinuon ko doon ang buo kong atensyon. Nihindi ko na marinig ang pinagsasabi ni Elis sa kabilang linya.

My heart pounded so fast when I saw the flower that looks very simikar with my canvas. May nakaguhit na dalawang letra sa itaas parang initial?

I.X

May mga parang linya-linya itong desenyo sa bawat gilid.

"Its out company's personal logo." ang nakangiting driver ang sumagot sa bumabagabag na tanong sa isip ko.

"Hindi naman po ako interesado." pagdedeny ko.

Napangisi siya dahil sa sinabi ko. "Kaya pala kanina ka pa tulala dyan. Nihindi mo na pansin na himinto tayo para magpa-gas."

Dahil sa sinabi niya agad akong luminga para makitang nasa isa kaming gasoline station. Hindi na ako nakipag argumento pa pero nagsalita na naman siya muli.

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon