CHAPTER 59

615 14 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" nagugulahan kong sabi.

He heaved a deep sigh. "Ilang beses  nawasak ang system ko dahil dyan. Masyadong malakas ang impormasyong tinatago nila. And you know kung ano yun?"

I rolled my eyes."Hindi kita kakausapin kung alam ko."

"Well. Nagulat ako ng makitang ang dad mo lagi ang end point ng lahat ng nakakalap ko." he said.

"Paano nga nangyari yun. Wala namang connection si dad sa kanilang dalawa." pangatwiran ko.

Pinagloloko ba ako ng isang toh? Mind him na million ang binabayad ko para sa impormasyon na ito. Baka mabasag ko ang ulo niya sa mga pinag sasabi niya. How come na nasali ang ama ko sa usapang ito. Nakadrugs ba siya?

"Yun ang akala mo." aniya na nagpatigil sakin.

Hala siya, seryuso talaga. Akala ko nagbibiro lang kanina eh. Kala ko trip niya lang isali sibdad sa usapan. Eh kung multohin ka kaya nun?

Hinawakan niya ang mouse at iniscroll ito. "You can't imagine this." aniya at pinakita ang laman ng screen. Binasa ko ang unang mga paragraphs sa itaas.

"Inuna ko si Franco. Sa kanilang dalawa. Siya ang sa tingin ko na mas dapat imbestigahan. Ito ang file kung saan nakuha ko ang personal data ni Franco. Which is very difficult to get. ang nakasulat dito. He's adopted from your father's butler which is Felix for all these years." napipilan ako sa sinabi niya.

Adopted? Si Franco? I never imagined that. Buong akala ko talaga mag-ama sila. Yun naman ang sinabi ni dad sakin. Kaya ano itong mga nalalaman ko ngayon? May mga bagay pa pala akong hindi nalalaman sa mga taong nakakasama ko.

"Bakit kailangan nilang itago ang ganitong bagay? Ano naman ang koneksyon ng pagiging adopted ni Franco sa lihim na gusto kong malaman?" naguguluhan kong sabi.

"Dahil may mas malalim pa na dahilan ang simpleng data na ito." seryuso niyang sabi.

"What do you mean?"

"Twelve years ago. Nakuha ko ang isang record kung saan pumunta ng states si Xavier." aniya.

"C-Connected yun? How come?" hindi parin ako makapaniwala.

"He wants to see his dad."

Napatigil ako sa sinabi niya. Ang dating leader ba nang orgues ang tinutukoy niya? Pero patay na siya. Impossibleng mangyari yun. O baka naman yun ang akala ko, na patay na siya pero hindi pa pala...

"Yes, I'm talking about the former leader of Orgues society."

"Buhay siya?" all this time akala ko patay na ang lalaking yun.

"Luckily yes. At kilang kilala mo kung sino siya."

Luckily? Huh?

"After tumalikod ni Mr Velasquez sa grupo at pamilya niya. Lumipad siya papuntang Spain at doon nagsimula ang lahat. Ang pagmamahalan nila ng pangalawang summum. Your father accepted him and even protected them from harm. Hanggang sa isilang ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan. "

"And that is Xavier?" tumango siya sa tanong ko.

Pinagpatuloy niya ang pagkwekwento. "Pero hindi tulad ng inaakala nila ang nangyari. Masyadong lumakas ang pwersa ng Orgues ng maihalal ang kapatid nitong si Felicio. Humina rin ang kapangyarihan ng ama mo dahil ang inaakala niyang mga kakampi ay naging kalaban. You were born that time." suminghap ako. Hindi marehistro sa isip ang mga pinagsasabi niya.

"Starting that day. Nag umpisa ang malaking digmaan laban sa dalawang panig. Ilang taon ang lumipas hanggang sa namatay ang asawa ni Mr Velasquez. Ang nalaman ko nalang ay pinadala ni Mr Velasquez and anak niya papuntang pilipinas dahil hindi niya na kayang mabuhay dahil sa pagkamatay ng asawa niya. He's on the verge of killing himself. But on the other hand your father came and rescued him. Nangako ang ama mo na bibigyang hustisya ang nangyari sa asawa niya. "

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon