Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis habag kinakausap ng isang bakla si Xavier.he looks so irritated.
Maiinis ba ako o matatawa?"Ay,hijo ang gwapo mo naman huwag kang sumimangot dyan."anito at hinimas himas ang matipunong braso ni Xavier.
Hindi ko alam kung manhid ba ito at hindi niya makita na nandidiri ang tao.Well,sorry Xavier but im enjoying the scene.Mas gwapo ka kapag nagsusuplado.
"Okay,give me your best move girl."anang isang bakla at tinapik ang pisngi ko.
Halos kasing tangkad ko na si Xavier dahil sa five inches high heels na suot ko.Matangkad naman akong babae sadyang matangkad lang ng sobra ang lalaking kasama ko.
"Si girl muna ang unang rarampa."ani ng isang bakla na nagngangalang riky not her true name kay Reese.Sila kasi ang candidate no.1.
Halatang kinakabahan si Junjun sa tabi nito.Napabaling ako sa katabi ko na nahuli kong titig na titig sa akin.
"Bakit?"
"Ako ang partner mo sa iba ka naman tumitingin."
Gusto kong matawa sa pagtatampo niya kaya kinurot ko ang ilong niya."Bakit ang drama mo,ha."
"Paano ba naman sa iba ka tumitingin."
Naku Xavier!hindi mo alam kung anong epekto mo sa akin kaya umiiwas akong tignan ka.Mamaya at mabasa mo pa sa mga mata kong may gusto ako sayo,mahirap na.
"Huwag ka ng magdrama hindi bagay sayo."tinapik ko ang pisngi niya.
Sabay kaming napatingin ng may matinig na parang may natumba.Napatingin ako kay Reese na iikot na sana pero hindi niya nabalanse ang katawan niya kaya humagalpak sa sahig.Agad namang umalalay ang hero niya.
"AYOS KA LANG?"he looks so worried.feeling naman niya e nabalian na ng buto.
"INDAY MALI NAMAN KASI ANG PAGLAKAD MO."Napakamot ang bakla sa ulo nito."Mamaya ka na muna at magpahinga ka sandali.
Okay!"pumalakpak ito."Lets continue!"Hindi ako kinakabahan na matapilok or something dahil may experience na ako sa ramp.I already experience modeling in manila kaya easy lang sakin to.
"Hindi ka naman mukhang kinakabahan."sabi ni Xavier.
"Bakit naman ako kakabahan?"
"Tignan mo ang iba."ginala niya ang paningin niya."halatang kinakabahan."
"Tapos?"
"Hindi ka manlang ba natatakot na matapilok ka or something like that?"
"Hindi naman ako matatapilok,Xavier."
"Paanong hindi,e kay taas ng suot mong heels."nakapameywang na ito.
"Bakit gusto mo akong kabahan?"tanong ko na nakataas ang kilay.
"Hindi."agad niyang sagot.
"Yun naman pala."Ngumiti ako sa kaniya."Trust me in this one,okay?"
"I'm just worried."
"Don't be,I'm just fine."tinapik ko ang pisngi niya.
"Mamayo na kayo maglandian."hinigit ng bading ang braso ni Xavier at inilagay sa gilid.
Kami munang mga babae ang magrarampa at mamaya pa ang mga lalaki.Napatanga ako ng makitang ako na pala ang susunod sa linya.Napatingin ako sa isang bading sa unahan na parang dissapointed.
"Wala ba kayong experience sa pagmomodeling at hindi niyo kaya ekembot yang mga bewang niyo?!"umalingawngaw ang boses niya sa buong room.
"Chill lang,girl."anang isang katabi niya."Sure namang may magaling dyan."tumingin siya sa akin at kumindat.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise(Royalty Series 1)
RomanceCOVER BY: @Lyanna_Queen #1 ROYALTY SERIES Princess Ysabella In The House Of Amezquita Trust is something she can't easily give. She possess a beauty that can be compared of a goddess. Her fighting skills can be compared in a speed of lightning and...