CHAPTER 66

462 7 1
                                    

"Bakit ka pa kasi umiwi dito?" mataray na tanong ni Stefi.

Nandito kami sa kusina. I'm washing the dishes habang siya ay umiinom ng tubig. At syempre, para narin siguro inisin ako.

"Maganda na sana buhay namin dito, eh. Nagpakita ka pa."

"Please lang... Kung walang magandang salita na lalabas sa bibig mo. Umalis kana..." I lazily said.

Maaga akong nagising ngayon. Tapos na kaming kumain ng umagahan kaya ako ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Nagdadabog siyang umalis. Hindu ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Sabi ko naman sayo ako nalang ang maghuhugas, eh. Naku bata ka." ani Nanay Emma.

Kakapasok niya lang sa kusina.

"Ang simple simple lang naman to nay. Hindi naman mabigat ma gawain. Wala rin naman akong ginagawa." paliwanag ko.

Nagpasya akong mamasyal sa dagat. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw. Isa pa baka maabutan ako sa bahay ni Rico. Problema pa yun.

Simple lang ang buhay namin dito. Yung walang prinoproblema basta makakain lang kami ng tatlong beses sa isang araw. Walang Orgues na kalaban. Walang mga taong pumapatay. Yung feeling na normal. Dito sa lugar nato naranasan kong maging normal kahit panandalian. Wala mang naglalakihang mga gusali. Wala mang limpak limpak nang pera. Kahit may Stefi na laging bumubunganga. At least walang patayan. Walang buhay na nasasayang.

Umupo ako sa tumbang kahoy. Minsan iniisip ko kung ano ba ang magiging buhay ko kung sakaling hindi naman si Mama at papa. Kung nandito pa ang mga kapatid ko. Kung hindi kami umalis sa totoo naming bahay. Magiging maayos rin ba ang lahat? Magkakaroon ba kami ng maayos ng buhay? Makikilala ko kaya si Xavier?

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon