CHAPTER 45

690 14 2
                                    

He is really familiar.

Junicio/Junjun

May lumapit sa kanyang babae at hinila siya sa braso kaya umalis sila para pumunta sa unahan.

"Hindi mo naman sinabi na may foreigner ka palang kasama..." rinig kong bulong ng isang babae kay Jin.

"Ay, hindi! Kaibigan namin. Bagong nurse ni Senyora. Ganda niya, noh." bulong ni Jin pabalik.

Hindi ako nagpahalatang nakikinig at muling ipinalibot ang tingin. Para isang normal na pagtitipon lang at salo-salo sa lahat.

Isang tingin pa sa unahan at doon ko nakita ang hindi inaasahang tao.

Celine Aguilar?

Standing with a very stunning dress with her boyfriend. Siya nga! Hindi ko maiwasang titigan ang boyfriend niya. Wala pang mask.

I must say it. He deserves my praises. Ang gwapo! Pero mukhang mas bata pa ito sakin.

Gusto ko nalang mapairap ng makita ang babaeng kahalikan ni Sir Xavier kanina. Grabe! Akala ko ba mahal na mahal ang girlfriend. E, bakit nagpapahalik?

"The hell, Ano pa pinag iisip ko?" I shook my head.

I should stop this nonsense. Masyadong nakaka-depressed.

"Ganda!" hinila ako ni Jesa palapit sa inuukupa nilang table.

Hindi pa naman lahat nakamask pero kinareer ko na. Bahala na. Mas feel ko e.

"Ganda, Mga kaibigan pala namin. Sina Joy." turo niya sa babaeng sobrang payat. I mean, yun lang talaga ang maidedescribe ko since payat naman talaga ang katawan niya.

"Hi, I'm Essence. Ilan na ang nakain mong stick—este steak?" hilaw akong napangiti.

She doesn't seem offended though. Tumawa lang siya na nagpagaan ng loob ko.

"Nice to meet you," aniya sabay lahad ng kamay.

"Same here." tanggap ko.

I roamed my eyes. Nangunot ang nuo ko ng makita ang ilang kababaihan sa table nato. I'm not sure but they look really familiar.

I'm being weird again.

Naupo na ako sa tabi nina Jesa habang sa kabila naman ay si Jin. So. Ang nasa harap ko ay Si Lyka.

Titig na titig siya sakin kaya umiiwas nalang ako. I'm uncomfortable.

Bigla nalang humina ang background music at nagsalita ang emcee sa harap ng stage.

"Good evening everyone, Ladies and Gentlemen. I hope you're all enjoying the party..."

Marami pa siyang sinasabi sa harap pero ang ginawa ko ay ang paglaruan ang basong may lamang alak sa harapan ko.

Kinalabit ko si Jesa ng makaramdam ng tawag ng kalikasan.

"Psst!"

" Ano?" tanong niya.

"Asan ang C. R dito? I really need to pee."

Tumayo siya kaya tumayo rin ako. "Halika samahan na kita."

Hindi na ako umangal since puputok na ang pantog ko.

Hindi ko napansin kung sino ang mga tao sa cr dahil deretso agad ako sa cubicle.

"He's really handsome." anang maarte babae.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko para hindi sila pansinin ng magsalita naman ang isa.

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon