"Bella,dito kalang sa bahay?"tanong ni tita na nasa pinto.
"Opo,"sagot ko habang pinipigilang lumabas ang sipon ko.
"Sige,mag-ingat ka dito."bilin nito."uminom ka ng gamot mo sa tamang oras,ha."paalala nito.
Hindi na ako sumagot at tumango nalang nahihilo ako at gusto ko ng magpahinga pero mas maganda magpahinga dito sa sala keysa sa kwarto.
"Babye ate."He looks radiant."
Kinakarma ka yata."tumawa ang lintek kong kapatid.Kinuha ko ang unan at malakas na ibinato sa kaniya."Alis,binubwesit mo ako."tawang tawa siyang umalis ng bahay.
Mag isa lang ako dito ngayon sa bahay.Ganda rin ng timing ng pagkasakit ko e.Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng marinig kong nag ingay ang cellphone ko.Bwesit!Hindi ako makapagpahinga ng maayos.Istorbo.
"Asan ka na?"tanong ni July sa kabilang linya.
"Ha?nandito ako sa bahay bakit?"tanong ko habang pinapahiran ang sipon ko.
"May exam tayo ngayon diba?"
Doble shit!Nice Timing!!!Around of Applause.May exam kami ngayon sa panot naming prof!
"Nandyan na ba siya?"kinakabahan kong tanong habang pinipilit na ibangon ang sarili.Shit!Ang sakit ng ulo ko daig ko pa ang may hangover e.
"Malelate daw siya ng forty minutes dahil may emergency meeting ngayon kaya bilisan mo na dyan."
"Okay,papunta na ako."
Pinatay ko ang tawag at hinawakan ang leeg ko kung mainit pa ba.Gusto kong magmura ng hindi parin humuhupa ang lagnat ko.
Syempre,kakainom ko lang ng gamot hindi naman eepekto yun ng mabilisan.Sinubukan kong tumayo at pumunta ng banyo para makaligo upang mahimasmasan ako.Napahawak ako sa malapit na upuan ng biglang umikot ang paningin ko.Shit!for the past years ngayon lang ulit ako nilagnat.This is what I hate the most.I have a trauma in this situation kahit noon pa man ay simpling lagnat lang ay hindi ko na kinakaya.I think nilagnat ako dahil naiba ang nakasanayan ng katawan ko.Ni hindi na ako naggigym gaya ng dati kaya naninibago ito.
Masakit man ang ulo ko ay ginawa ko ang lahat para gumalaw ng normal.I can kill in the battlefield nonstop but this effing sickness?this suck!
Normal akong pumasok sa school kahit nahihilo ako paminsan minsan.Agad akong pumasok sa classroom namin.Its past forty minutes already pero bahala na.Naabutan ko ang prof namin na nagbibigay na ng testpaper.
"Sir,"kuha ko sa atensyon niya.
"Miss Aleje,your too early for tomorrow."he said in sarcasm.
Masakit na ang ulo ko baka masabunutan pa kita.Ayy shit wala ka na palang buhok.
"May I come in,Sir?"
"Suit yourself."anito bago nagpatuloy sa pagbibigay ng papers.
Nakita kong inalis ni July ang bag niya sa isang upuan at sinenyasan akong umupo doon.Sa unahan ng upuang yun ay si Xavier na agad na ngumiti ng magtama ang mga mata namin.
Umupo ako sa tabi ni July at agad na sinagutan ang mga tanong sa testpaper.Kumportableng nakaupo lang si Xavier sa unahan ko na parang hindi nahirapan sa pagsagot.
Sumulyap ako sa ilang mga kaklase ko na halata ang hirap sa mukha nila.Hindi nga ako nagkamali,Xavier is a clever man.Ginamit ko ang natitirang time para ipagpahinga ang sarili ko kahit ilang minuto lang.
Nang matapos ang exam ay agad na nagsialisan ang ilang estudyante.
Pumikit ako ng mariin para labanan ang pagkahilo ko.Marahan kong binuksan ang mga mata ko ng naging maayos na.Kumalabog ng malakas ang puso ko ng makitang titig na titig sa akin si Xavier na nakatayo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise(Royalty Series 1)
RomanceCOVER BY: @Lyanna_Queen #1 ROYALTY SERIES Princess Ysabella In The House Of Amezquita Trust is something she can't easily give. She possess a beauty that can be compared of a goddess. Her fighting skills can be compared in a speed of lightning and...