Kanina pa masama ang tingin sakin ng lalaking katabi ko pero pinanatili kong inosente ang mukha na parang walang ginagawa. Mas lalong bumusangot ang isa. Haha. Magdiwang anghel ka mag isa mo.
Lihim nalang akong napapangiti. Ano ba naman kasi ang sumanib sakin para gawin ang nakakarinding bagay nayun? The thought of it makes my cheeks red kaya tinungo ko nalang ang mukha ko para hindi niya makita.
Nasa kamay niya ang envelope na nakuha ko kanina. Nang makita niyang sinisilip ko sa pagkakahawak niya. Agad niya iyung mas pinalayo sakin paea hindi ko makita.
"Patingin!"I whinned. Suko na ako. Curious talaga ako kung anong laman nun.
Baka mamaya may pregnancy test tapos nagsasabing may anak na pala tong mokong. Mahal na mahal ko to kaya kahit kailan hindi ako susuko kahit may anak na siya. At sa oras na mangyari yun hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan siya. Ang gago niya kapag nagkataon. Malaking gago. Anong akala niya. Martyr ako? Huh!
Pero bago ko syempre iwanan. Magpapatulong muna akong mag ayos ng damit para hindi hectic at ayun gora na. Bahala siya sa buhay niya.
Pero sa totoo lang alam ko namang hindi mangyayari yun. Ako lang mahal nito e. Sa akin lang ang lahat lahat niya. Malaki man o mahaba. Malaking katawan at syempre mahabang pasensya. Pasensyuso kaya to.
"Sorry na."May pahimas himas pa ako sa brasong nalalaman pero okay lang sarap naman sa kamay.
Pasensyuso to si mahal e.
Pero nakailang himas na ako. Napataas ang kilay ko nang hindi niya ako pinapansin.
Mali. Binabawi ko na. Hindi pala pasensyuso tong isang to.
Nang hindi niya parin ako pinapansin. Hinampas hampas ko na ang braso niya na kanina langvay hinihimas himas ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko bago ako niyakap sa likuran at hinalikan ang buhok.
"Ang iksi talaga ng pasensya mo." aniya na tuwang tuwa.
Humalik pa siya sa pisngi ko.
Umismid nalang ako at hindi na nagsalita. Nagsimula kaming maglakad ng marahan habang ang kanyang kamayvay nakapalupot parin sakin.
Kusang nakaramdam ng matibding kasiyahan ang puso ko sa ginagawa namin. Natatawa nalang ako sahil naapakan ko ang paa niya. Hindi man lang siya nagrereklamo imbes ay natatawa sa katangan naming pareho.
Nakaupo ako sa kadungan niya dito sa sofa. Panay tawanan at asaran bago ko kinuha ang envelope sa kanya.
Katulad ko ay naghihintay rin ang isang to. Ang baba niya sa aking balikat habang naka palibot ang buo kong braso sa leeg niya.
Nang mabuksan ko. Agad kong kinapa ang sa loob at bumungad sakin ang pamilyar na pangalan.
Its a wedding invitation.
Jerome and Lena nuptial.
Jerome?
May kumudlit na alaala at doon ko lang nakurpirma na isa siya sa kaibigan ni Xavier.
"Ikakasal na sila." pahayag sakin ni Xavier kahiy kitang kita ko naman.
Tumango tango lang ako habang mariin na tinititigan ang invitation. Kunwari kong binabasa ang laman nito kahit sa totoo lang alam kong halos matunaw ako sa riin ng titig saakin ni Xavier.
Kumakalabog ng malakas ang puso ko.
Hindi na ako mapakali ng niyakap niya ang buong katawan ko at naglalambing na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Princess In Disguise(Royalty Series 1)
RomanceCOVER BY: @Lyanna_Queen #1 ROYALTY SERIES Princess Ysabella In The House Of Amezquita Trust is something she can't easily give. She possess a beauty that can be compared of a goddess. Her fighting skills can be compared in a speed of lightning and...