CHAPTER 15

755 10 2
                                    


"Okay lang ba ang kapatid mo?"tanong ni Xavier ng makabalik kami ng sasakyan.

"Ewan ko dun."kibit balikat ko.

"He looks hopeless."he comment.

"Bahala siya."napangiti ako."Iuuwi mo na ako?"tanong ko sa kanya.

"Gusto mo nang umuwi?"
nakasimangot niyang tanong.

"Ayaw ko pa."

"Yun naman pala."agad na napalitan ng ngiti ang simangot niya.

"Saan mo ako dadalhin?"pangungulit ko.

"Sa magandang lugar."he winked making my heart tremble in an unknown feeling.Too unknown that I cant control and name.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana.Namangha ako sa dinadaanan namin.Sa gilid ay may mga nagagandahang mga bulaklak at sari sari ang kulay ng mga yun.Hindi ko maiwasang buksan ang bintana para mas lalong makita ito.

"You like it?"rinig kong tanong ni Xavier.

"Ang ganda."sagot ko.

"Very..."

Nahigit ang hininga ko ng tumigil ang sasakyan sa isang napakalawak na flower field.Kung maganda ang nakikita ko kanina ay mas lalong gumanda ngayon.Mas lalong gumanda ang tingkad ng kulay nito dahil sa sikat ng araw.Narinig kong bumukas at sumara ang pinto sa drivers seat at hindi na ako nagulat ng pinagbuksan ako ng pinto ni Xavier.

Naglahad siya ng kamay sa akin at parang may sariling isip ang aking kamay para hawakan ang kamay niya.

"Perfect."he then entertwined our hands.

"Ang ganda dito."manghang sabi ko habang iginigiya niya ako sa kung saan.

"Alagang alaga to ni lola kaya naman."anito.

"Lola?"namilog ang mga mata ko."Sa inyo ang mga to?"

Tumango ito."Yung mga bulaklak na nakikita mo kanina pa,amin rin yun."He don't sound like bluffing.

Ang ganda!hindi ko naiwasang haplusin ang isang bulaklak na malapit sa dinaraanan namin.
Napatigil ako sa paghaplos ng may marinig na pagclick na tunog.
Napasimangot ako ng makita si Xavier na kumukuha ng litrato gamit ang isang kamay dahil ang isang kamay nito ay hawak ko.

"Smile."he cheer up.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko at agad kong narinig ang ilang click ng camera.ibinalik ko ang atensyon sa mga bulaklak na aking hinahawakan.They look very beautiful and in peace.

"Sir,Xavier!"isang boses ang nagpatigil sa akin.

"Mang Elias."bati niya sa lalaking medyo may edad na.

"Napadalaw kayo,"lumapit siya sa amin.

"Pinapasyal ko lang po siya."tinuro niya ako.

"Ay,kay gandang dalaga naman.galing mong pumili sir,ah."ani ng matanda na nagpatawa kay Xavier ng malakas.

Umalis na ang matanda at pumunta sa ibang parte ng field.

"Anong tinatawa mo."kinurot ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Hindi ko alam na magaling palang manghula si mang Elias."tumawa tawa nitong sabi kaya binitiwan ko ang kamay niya.

"Bahala ka sa buhay mo."nauna na akong maglakad kahit hindi ko alam ang dereksyon basta sinundan ko lang ang straight line.Bahala na!

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong payag o kubo pero may style siya hindi yung simpling kubo na makikita mo lang basta basta.Medyo may kalakihan ito at tumitingkad ang mga kahoy nito.Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang klaseng kubo kaya naglakad ako papunta doon.its more like a villa than a kubo.Maganda siya.Napatingin ako sa maliit na hagdan ng kubo na parang krystal kung tumingkad.Wow!just wow!

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon