CHAPTER 30

934 16 9
                                    

"Ehem," pukaw sa akin ng nakabusangot na si Franco.

Agad akong tumingin sa kanya at ibinigay ang buo kong atensyon. Kanina pa ako na sp-space out sa usapan namin.

Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari ng mga nagdaang araw na kasama ko si Xavier. Parang walang may pinagbago ngunit ramdam kong may itinatago siya sa akin batay sa kilatis ko sa kanya.

"This is the file that you ask me to investigate." aniya.

Binasa ko ang nakasulat at agad na kumunot ang nuo ko ng makita ang pamilyar na mukha ng isang babae. She's foreign. Ang ganda ng features niya. Tulad ni...

"She's the former second summum."

Napatango-tango nalang ako. Second summum?I'm sure tulad ko ay nanggaling rin siya sa isang mayaman at masaganang pamilya. I can't help but to look at her very beautiful eyes.

So familiar...

Bumilis ang tibok ng puso ko dahilan para mag-isip ako ng mga imposibling sitwasyon ngunit agad kong winaksi.

"So..."I trailed the picture with my fingers." She's the former,who's next?"If she's the former, edi dapat may susunod sa yapak niya?

"Thats the problem. This is the end of our investigation."

Agad na tumaas ang kilay ko sa narinig.

How can I rule the organization if the  second summum is not in his presence?

I don't even know who he is!

"ICE CREAM?" nakangiting sinusubuan ako ni Xavier ng ice cream.

Bigla akong natigilan sa ngiti niya. Parang may alaalang kumudlit sa isipan ko ng makita ng maigi ang mukha niya.

Kanina... Ang babae...

I smiled at him and ate the spoon of ice cream.

"whats gotten to you?" I asked. Bigla nalang niya kasi akong inayang lumabas.

Panatag naman ang loob ko na walang mangyayaring masama sa amin dahil nasa paligid lang si Franco at binabantayan kami.

He smiled. "I'm just happy..."aniya habang nilalaro ang dulo ng hibla ng aking buhok.

Ilang sandali ko siyang tinitigan bago isinubo ang ice cream na hawak niya.

" Uhuh, "

May bago talaga. Parang may kinikimkim siyang sama ng loob na hindi niya maipalabas. Matagal kona siyang kilala at napag aralan ko na ang mga pinapahiwatig ng mga galawan niya pati narin pag-uugali.

"Is something wrong?" Tanong ko ulit.

Nang araw na nalaman kong kilala niya ako ay nagulat talaga ako ng sobra pero pagkalipas ng mga araw ay bumalik na sa normal ang dati at ayoko namang iungkat pa ang nangyari.

"May problema lang sa bahay." kalmado niyang sagot pero randam ko ang panggigigil niya sa sinabi.  Lalo na't hindi siya makatingin ng deritso sakin.

"Okay..."

Humilig siya sa balikat ko at marahan akong niyakap.

Napailing nalang ako. Mukhang gustong magpalambing ng isang toh.

"hmmm..." niyakap ko siya pabalik at nilugay ang buhok niya para laruin.

"Sabihin mo sakin kung magsasawa ka na..." bulong niya.

Natigil ako sa paghagod ng kanyang buhok at naguguluhang tumingin sa kanya.

"What are you talking about?" I shrieked but half of me is guilty.

Princess In Disguise(Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon