Prologue

1.5K 22 2
                                    

Ako si Jerusha Lopez

Simple lamang akong babae.

Iyon ang akala ko...

Kasi simple lang ang buhay ko...

Magtinda sa palengke para sa araw-araw.

Maging mabuti at masunuring anak sa aking Inay na sa di ko malamang kadahilanan ay palaging galit sa akin.

Pero hindi ko akalaing magbabago ang buhay ko ng dahil sa isang lalaking muntik ng makabangga sa akin sa tapat ng simbahan.

Isang lalaking tagos-tagusan kung makatingin...

Isang lalaking may magagandang mga mata... Na tila ba hindi pangkaraniwan...

Isang lalaking may mapupula bagamat hindi pala-ngiting mga labi.

Isang misteryoso at guwapong lalaki na akala ko noong una ay isang demigod! Ang guwapo naman kasi talaga!

At sa kahit anong anggulo ko siya tingnan ay alam kong mayaman ang lalaking ito.

At base sa pagtibok ng puso ko habang tinititigan ko siya ay nabatid kong

SIYA na nga ang lalaking para sa akin!

Siya ang lalaking makakapagbigay ng mga pangangailangan ko!

Ang lalaking mag-aahon sa akin sa kahirapan!

At ang lalaking... Magliligtas sa akin kay Diego. Ang may ari ng bar na gustong pagbentahan sa akin ng nanay ko.

SI EOS.

Siya ang lalaking karugtong nang aking hininga.

Another not so ordinary love story...

For The Love of EosWhere stories live. Discover now