𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 33

780 195 37
                                    

Aya's pov.

"Zeyan?" Taka kung tanong ng tila sa aking pagbukas ng gate ay may nakatalikod na batang babaeng bumungad sakin– agaran itong humarap sakin kaya mas lalo ko ngang nakomperma kung sino sya.

Bumungad agad sakin ang tila kay lapad nyang ngiti bago agarang lumapit at yumakap sa akin. "Moome!"

"Anong ginagawa mo dito?" taka kung tanong sa kanya ng bigla syang umagwat mula sa pagkakayakap nya sa akin.

"My mom left me here, she told me to stay and wait for you" pagpaliwanag nito sakin na ikinatango ko naman bago bahagyang napalingon sa paligid.

Iniwan nya agad ang kanyang anak dito sa labas ng bahay? Hindi nya man lang siniguro na nakapasok ito sa loob or kinita na kunin ko ng ayos ang kanyang anak.

Anong klase syang ina, pinabayaan nya agad ang kanyang anak ng hindi sinisiguro ang sitwasyon nito, pano kung wala palang tao sa bahay nato? Like wala kami.

Parang hinayaan nya na agad ang anak nya sa kapahamakan.

"Uhm bakit naman daw?"

"She can't spend her time playing with me, that's why she bring me here" she said, bago ngumuso sakin na tila nalulungkot din dahil sa binitawang salita.

"Ganon ba, don't worry baby I can play with you– tara pasok tayo" wika ko sa kanya, bago agarang nilandas na sana yung daan papasok ng bigla nya kung pigilan bago iniangat sakin yung dalawa nyang kamay kaya naman napakunot noo ako sa kanya.

"May problema ba baby?"

"Karga mo ko moome" saad nya sakin, kaya naman wala sa wisyong napangiti na lamang ako habang tinitingnan sya.

Agaran akung yumuko upang maabot sya ng ayos at kinarga ding agad ako na rin nag dala ng bag nya, since baka mahirapan lang sya.

Isasara ko na sana ulit yung gate ng tila matigilan rin, it's kinda weird why do I've this kind of feeling na parang may nakamasid sa akin? – crazy aya, nabubuang ka nanaman.

Isinara ko na agad ng ayos ang gate bago tinahak na ang daan papasok ng bahay kung saan bumungad naman sa amin si Eaze na tila nagtataka rin ng dahil sa biglaang presensya nitong aking kasama.

"What is she doing here?" Agaran nyang tanong na halos hindi ko na rin nagawa pang sagutin ng biglang bumaba si Zeyan mula saking pagkakakarga at agarang gumawi at tumakbo palapit sa pwesto ni Eaze.

"Daade!" Natutuwang pagtawag sa kanya ng bata bago agaran ding nagpakarga.

"What are you doing here?"

"My mom is busy, that's why she left me here– you guys I mean moome and daade will be my bantay" she said na tila natutuwa pa.

Bumaling ng tingin si Eaze sakin kaya naman napaayos ako ng tayo, binigyang tingin nya ko na tila nagtatanong tungkol sa presensya ngayon ni Zeyan sa bahay nya.

Tanong na halos wala rin akung maisagot kung bakit nga ba– bukod sa hindi ko alam kung pano sya nagawi dito, ay wala rin naman talaga akung kaide-ideya kung pano sya nakapunta dito lalo na't hindi ko naman ata binigay sa mama nya yung address ng bahay ni Eaze.

"Ang ibig sabihin ng daade mo baby, pano kayo nakapunta dito ng mom mo? Saan nyo nakuha ang address namin ng daade mo?" Takang tanong ko kay Zeyan na ultimo si Eaze ay nacu-curious na rin sa magiging sagot nitong bata and then suddenly she point me.

Gumilid pa ko para lumihis doon sa pag turo ng kanyang daliri sakin dahil sa isipin na baka may tinutukoy sya mula saking likuran pero agad din namang natigilan ng bigla syang magsalita. "Moome, gave it to me."

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon