𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 84 - 𝖲𝗉𝖾𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖴𝗉𝖽𝖺𝗍𝖾²

696 146 17
                                    

Aya's pov.

"Are you sure about this?" Takang tanong sakin ni Maya habang seryosong sinusuri ako— ano bang tingin nya? May mali sakin?

Hindi naman baliko yung ulo ko.

"She's fine" dagdag naman ni Kian doon sa sinaad ni Maya, kaya gumawi sa kanya yung tingin ko, kung saan bumungad naman sya sakin na tila kampante lang habang nakapamulsa.

"Do you think this thing will work?" Mataray na tanong sakin ni Ferrie habang busy kaka-retouch ng kanyang mukha doon sa salamin nyang dala.

"Moome's plan will always work," said baby Zeyan, making her effort to comfort me as well at palakasin yung tiwala ko sa sarili, but the thing is, my plan always ended in failure.

"Tutula ba sya?" Zhe is confused. Sasagutin ko na sana yung katanungan nya ang kaso naunahan naman ako ni Ferrie.

"Tanga, may nagtutula ba with instruments such as guitar, drums, etc.?" Sarcastic na pagkakasabi sa kanya ni Ferrie na tila ikina-inis naman ng bahagya ni Zhe, as always, hindi talaga sila nagkasundo sa ano mang bagay kaya normal nalang rin samin yung bangayan nila.

Anyway, kahapon? Isa na namang palpak ang ngyare between me and Eaze— halos hindi ko nasabi sa kanya yung mga salitang gusto kung sabihin kaya ngayong araw itutuloy ko na ng may plano.

"Wait, ano bang plano mo?" Takang tanong sakin ni Ferrie, kaya naman dumako sa kanya yung tingin ko, pero hindi ko rin sya halos nagawang sagutin ng magsalita si Maya as sagot ko na rin.

"She wanted to court Eaze," said Maya.

Ferrie throws her glance at me. Na tila hindi makapaniwala, "Seryoso ka?" Tanong nya na ikina-tango ko naman.

"Para tayong mga nanga-ngarolling with the band," tatawa-tawang sabat ni Kian, kaya bumaling sa kanya yung tingin ng lahat.

Mga bwesit to ng hingi ako ng tulong sa kanila para tulungan nila ko hindi pagkantiyawan.

"Tulungan nyo nalang ako pwede? I just want to give him a present," saad ko sa kanila bago ngumuso ng akin.

"For what? Hindi nya naman birthday," Ferrie said before she rolled her eyes at me. Kung may dugong bughaw meron ding dugong bruha, at yung dugong yun? Dumadaloy sa lahat ng ugat nitong halimaw na nakatayo saking harapan ngayon (talking about Ferrie).

Like seriously, sumama lang ba sila para maka-paglive comment ng katatawanan sakin?

"Yung totoo, naka-ninong side kayo?"

"Well, Aya, your ideas are so lame," Ferrie said once. Bago nag-apply na naman ng blush on sa kanyang pagmumukha, kung sampalin ko kaya sya ngayon? Tiyak hindi nya na yan kailangan dahil natural sa blush on ang ilalagay ko sa kanya na tumatagal ng kalahating oras.

Pero depende rin seguro sa lakas ng sampal ko.

"Is that a compliment? Thank you, ah?" sarcastic ko namang pagkakasabi sa kanya na ikina-tawa naman ng iba.

"Haharanahin mo ba sya? Seriously, tingin mo ba maririnig nya tayo mula dito hanggang doon sa loob?" Actually, I knew that already; hindi naman ako sasabak agad dito ng walang plano— magmumukha akung tanga kung kakanta ako magisa dito tiyak hanggang gate lang ang aabutin ng boses ko since malayo yung bahay nya sa gate.

"Kaya ko nga kayo sinama," saad ko bago pinag-aabot sa kanila yung mga instrumentong nahiram ko lamang kay aling Merna.

"Just play it loud, kahit sabog ang mahalaga makuha ko yung atensyon nya tapos ako na yung kusang kakanta," saad ko bago ngumuso ng tudo sa kanila— tamang paawa lang, para maawa sila.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon