𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 26

398 177 68
                                    

Aya's pov.

"Aya!"

"Ano?!" pabalik kung sigaw kay ferrie na tila papalapit na sa akin, wala sa wisyong bigla kung naramdaman ang kamay nyang humawak sa akin.

hinihigit nya pala  ako tungo isa sa mga bench dito, sabay baba ng kanyang sun glass bago taimtim akung tinitigan mula ulo hanggang paa.

Here comes her judgmental look.

"Wala ka talagang kataste-taste."

As I expected, napuri na naman ako ng kanyang pambihirang panlalait. "Ano na naman ba'ng problema mo?"

"Were having a pool party, tapos nakaganyan ka?" Like seriously, ang laki talaga ng problema ng isang ito pagdating sa akin. "Wala ka talagang kataste-taste. Like duh! you should wear swimsuit or kahit ano na pang-ligo"

Napatingin ako ng seryosong tingin mula saking suot, naka over size t-shirt ako tapos match sa jogging pants ko pa, but wait may mali ba sa suot ko?

Ang pagkakaalam ko, walang code ng damit pag dating sa pagligo. As long kung saan ka mas comportable yun ang susuotin mo– at kahit short, jogging pants, T'shirt or Jacket ay pareho din namang tela na nababasa.

Kaya bakit ko pipilitin ang aking sarili na sumuot ng mga ganong bagay, ano ako tanga? kapag naman pinilit ko ang sarili kung sumuot ng mga ganong pormahan damit in the end wala akung gagawin kundi ang punahin ang aking sarili't mailang nalang.

Seryoso naman akung napatitig kay Ferrie, mula ulo hanggang paa– nakasuot sya ng swimwear nya which is black na panty at bra, medyo tinatabunan lang ito ng manipis nyang damit ngunit showy parin.

Mula sa kanyang itsura hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil bigla nalang akung napanganga– ngangang sakto lang kung baga.

Jusko, kinulang ata ang babaeng ito sa tela, wala sa wisyong napalandas ang aking kamay mula sa kanyang kanang balikat bago sya marahang tinapik. "Na wa'y patawarin ka ng panginoon sa iyong kabalastugang ginagawa, patawarin nyo po sya dahil hindi nya rin alam ang kanyang ginagawa"

Tila napakunot noo ako ng dahil sa taka ng magbago ang expression nya sa kanyang mukha. "Bakit?"

"Siraulo ka ba?"

"Hindi, bakit?"

"What are you talking about?"

"Kailangan ko pa bang ulitin?"

"No need– nakakairita, What I mean is anong ibig mong sabihin sa mga binitawan mong salita? Hibang ka ba" wika nito sakin bago marahan na tinabig ang aking kamay na nakapatong mula sa kanyang balikat, kaya naman napa-ayos ako ng tayo.

"hindi mo ba nakikita ang iyong sarili? Nakasuot ka ng damit na kinulang sa tela na kung tutuusin parang hubad na" tugon ko sa kanya, na halos ikinairita nya lang ata dahil hindi na rin maitsurahan pa ang expression na kanyang pinapakita.

"It's a swimwear style, or should I say a new style pagdating sayo– since wala ka naman talagang alam sa social thing na ngyayare sa paligid mo at anong gusto mong sabihin? Na gayahin ko yang style mo? Maging mukhang manang sa harap ng maraming tao, ha manang."

Nasobrahan na ata ito sa pagpuna sa akin, grabe na kung makapag-insulto eh puring-puri talaga sa panlalait. "Anong manang ka jan?!"

"Totoo naman talaga, your wearing that outfit na mas dinaig pa yung suman sa sobrang balot." Mula sa kanyang binitawan na salita, Pinanliitan ko sya ng mata bago napairap.

She had enough, sumusobra na sya.

"Wala ka rin palang matinong sasabihin, makaalis na nga." I said, bago agarang gumawi sa kabilang banda upang umalis na sana kaso agaran nya rin akung pinigilan.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon