𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 37

636 162 25
                                    

Aya's pov.

I don't think naiintindihan ko na ang takbo ng pag-iisip ng lalaking ito– ano na naman bang pakulo ang naiisip nya? I told him na gusto ko ng umuwi pero hindi sya pumayag sa halip ay nagtungo pa kami dito sa isang House of mirrors, hindi ko sya niyaya, nag desisyon sya ng kusa.

"Trust me" wika nya na sa tingin ko ay halos hindi ko na rin magawang paniwalaan pa, bakit? Dahil sya rin naman yung dahilan kung bakit mas napapahamak pa ko lalo na kanina sa ferris wheel

"Uwi nalang tayo, yang 'trust me' mo delikado– nagkaka trust issue na ko" wika ko bago agaran na hinigit ang aking kamay mula sa pagkakahawak nya, balak ko sana'ng tanggalin nalang yung tali bago iwan sya.

Ang kaso pinangunahan nya kung tanggalin yun kaya napakunot-noo nalang ako sa ginawa nya.

"Anong ginagawa mo?" Taka kung tanong sa kanya, habang nakatuon parin ang titig sa kamay nyang tinatanggal ang taling nakatali saming dalawa.

"Binalak mo ring tanggalin diba? Pinangunahan ko nga lang. Anyway let's direct to your point, Do you really want to go home?" Seryoso nyang tanong sa akin na ikinatango ko naman.

"Then find your way" wika nya, kasunod non ang tila pitik nya naman sa aking noo, sa sobrang sakit non napakurap pa ko't napahawak don.

Agaran ko syang binalingan ng isang masamang tingin, ng tila mawala na ang sakit sa aking noo ng dahil sa pagpitik ng hinayupak na toh.

"Sira ka ba? You know I can't– hindi ko kaya kung ako lang magisa, lalo na ngayon na nasa loob parin tayo ng amusement park"

"Don't lock yourself, go find way out– in this matter you cannot rely on me, because I won't help you."

"As if, hindi mo gagawiin yung daan palabas, all I need to do is sundan ka– pinasok mo ko dito kaya dapat lang na ilabas mo ko"

"Your right but the problem is I'm not by your side anymore" napakunot-noo ako ng dahil sa sinabi nya, wala daw sya sa tabi ko– hibang ba sya? Nakatayo sya sa harap ko.

"Naka drugs ka ba? Anong tingin mo sa sarili mo multo?" Naiirita kung wika sa kanya, kung ano-ano nalang kasi ang sinasabi– nabubulok na ata yung utak nya kaya hindi na makapagisip pa ng tama.

"I'm not, why don't you just ask that girl standing behind you?" he said bago sumilay ang tila pilyong ngiti sa kanyang labi.

Wait is he talking about ghost?

Sa sobrang takot ko ng dahil sa kanyang sinabi agaran akung tumakbo tungo sa kanya ngunit tila hindi ko ata inasahan yung ngyare, dahil bumangga ako sa isang salamin na may figure nya lamang.

He was right, wala na nga sya sa tabi ko. 

I heard his chuckled about what happened. "Now, you do believe me– I want you to find your way out, you can't rely for someone forever."  Huli nyang wika sakin, bago ko unti-unting nakita ang tila dumami nyang repleka't tuluyan na ngang nawala.

Wala sa wisyong napabaling naman ako ng tingin sa aking paligid, wala kung nakita or nasilayang iba bukod sa sarili ko lamang.

Nagsimula na kung makaramdam ng takot lalo na ng aking mapagtanto, na bukod sa akin ay wala ng iba pang naririto.

"E-Eaze? A-asan ka?" Halos mautal-utal kung wika habang napapabaling-baling ng tingin kung saan-saan para hanapin lang sya.

Sa bawat hakbang ko't paghanap ng daan tila mga salaming pader lamang ang bumubungad sakin, walang oras na hindi ako natumba or nauntog ng dahil don.

Hanggang sa tuluyan na nga kung natauhan ng dahil din sa mga salitang binitawan nya kanina sakin.

Face you fear, iniwan nya ko't hinayaang mag isa dahil alam nya na ang mas kinatatakutan ko ay ang maging mag-isa lalo na dito sa lugar ng pinangyarihan ng aksidenting yun.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon