𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 24

406 179 52
                                    

Aya's pov.

Yung totoo, Ano ba ko dito? Girlfriend ba? o katulong?– wala naman sa contract yung salitang katulong hindi ba.

Kaya bakit feeling ko nadagdagan sakit ng ulo ko, hindi dahil kay baby zeyan ah, Kundi dahil sa isa– kung maka utos akala mo hinired nya ko para maging personal maid nya.

"I'm  thirsty, you buy us two mineral water"

Napakunot noo ako ng dahil sa sinabi nya, kung makautos kala mo pera nya yung gagamitin, hindi eh– yung pera ko.

But anyway kung kanina naisahan nya ko pwes ngayon hindi na– agaran kung inilahad sa kanya ang aking kamay, syempre matik na yun na ng hihingi ako ng pera nya.

Tibong tibong nya ngayon si baby zeyan, kaya naman napababa sa kamay ko yung tingin nya bago napataas ng isang kilay.

"What?"

"Pera mo, nasaan?" Agaran kung tanong sa kanya, tila natigilan pa yung isa na sa isang iglap ay napangisi rin– tila may kapilyuhan atang naiisip.

Ngumuso ito sa tagilirang baba nya kaya naman napadako ang tingin ko dito, sa bulsa nya. "Nasa bulsa mo?"

"Nasa kotse, ngayon kunin mo yung susi" utos nito sakin, bago ko muling nasilayan ang tila ngisi nya sa kanyang labi.

Is he teasing me?

Wala sa wisyong agad akung napatango sa kanya at lumapit bago pumwesto sa side nya para kapain sana yung susi, ng mapagtanto ko na para akung manyakis dito na kinakapkapan sya ng kung ano.

Napaayos ako ng tindig bago napatikhim sa kanya, at sinalubong ang tila nagtataka nyang titig. "Si baby zeyan"

"What about her?"

"Akin na muna si baby zeyan, ikaw na ang kumuha ng susi mo para mas madali" wika ko sa kanya bago umakma na tila kukunin at bubuhatin na sana si zeyan palayo sa kanya ngunit pinigilan nya rin ako ng biglaan.

"Why Bothered? Kukunin mo lang yung susi." Patay malisya nitong pagkakasabi sakin, kung hindi ako nag kakamali– mukhang may kapilyuhan talaga itong iniisip.

"Gamitin mo nalang muna yung pera mo– may dala ka diba?" Pagklaro nito sa sinabi nya, kaya naman nanliliit ang mga mata ko ng titigan sya.

"Anong feeling mo? May patago ka sakin?"

"I feel like, you been bothered with some sort of silly thoughts in your mind. Pinapakuha ko lang yung susi, para makuha mo yung pera ko sa kotse but since it's look like you can't get it, we have no choice kundi yung pera mo yung gamitn." Kagat labi akung napalihis ng tingin, bago nag simula ng maglakad papalayo sa kanila.

I can't stand him anymore, feeling ko kasi tuwing ginagawa ko yun hindi susi yung kinkapa ko kundi yung– ehem. Jusko, patawarim nyo po ang aking mga kamay dahil hindi nila alam ang kinakapa nila.

Since I've no choice– kaya in the end ako na rin yung bumili at nag kusang magbayad na puno pa ng hinanakit sa bulsa.

Pag kabalik ko sa play ground naabutan ko pa yung dalawa na masayang nag lalaro,  habang palapit ng palapit sa kanila? Mas lalo ko naririnig yung masayang tawa ni baby zeyan, dinuduyan kasi sya ni  Eaze.

Sandali akung natigilan, bago sila pinagmasdan ng maigi. They remind me my moment with my sister back then, tanda ko pa na sya lagi yung taga-duyan ko noon tapos noong sya na yung iduduyan ko? Bigla naman bumuhos ang isang napakalakas na ulan– ang malas lang kasi imbes na mas lalo kami mag saya? Mas pinili namin tumakbo at humanap ng masisilungan.

Mahirap kasing magkasakit noon– bukod sa isiping walang mag aalaga samin ay hindi rin talaga namin alam yung mga dapat gawin.

"Aya?" Nabalik ako saking ulirat ng tila tawagin ako ni Eaze, they were looking at me kaya bahagya akung napangiti bago tuluyan ng gumawi sa kanila.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon