𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 58

343 143 11
                                    

Aya's pov.

"Anong ginagawa mo dito?" Sarkastiko kung wika sa kanya ng tila biglang pasupresang bumungad ngayon sakin ang kanyang presensya dito mismo sa opisina ni Director Chang.

I'm talking about Eaze, kasi Normal lang naman na narito si Tris pero si Eaze? Abnormal yun.

"Sorry for not telling you this Ms. Fenchen– may kaunting pagbabago sa set up ng story character, which is si Mr. Eaze na ang gaganap as leading instead of Mr. Vegou" pagpapaliwanag sakin ni Ms. Cha ngunit tila hindi yun tinangap ng sistema ng sarili kung utak.

"Siya?!" Wala sa wisyo kung tugon na tila may diin sa pasigaw na tono– nakatitig ngayon sila sakin ng husto at tila hindi makapaniwala saking inasal, miske ako– hindi rin makapaniwala sa ginawi ko.

Pilit akung natawa bago marahan na napakamot saking ulo, to change the awkward feeling of atmosphere in each of us– bumaling ako ng tingin kay Ms. Cha bago bahagyang ngumiti ng sapilitan. "Paano po si Tris? I mean Mr. Vegou?"

"Now, you care about me" singit ni Tris pero hindi ko sya binigyang pansin kasi mukha syang singit.

"Since nagkaroon ng pagbabago sa mga gaganap dahil biglang pumayag si Mr. Eaze, ginawa nalang namin na Second leading man si Mr. Vegou para hindi rin masayang yung pag accept nya sa invitation natin."

"Hindi pwede yun– I mean.. mas nauna po si Mr. Vegou kaya dapat nating bigyang halaga yun aside from that mas nababagay rin sa kanya yung role"

"Don't you think Mr. Eaze is more suitable? I'm so sorry Ms. Fenchen– pero ang desisyon ukol sa mga artista na gaganap as character ng story mo ay ng galing mismo sa head office of directors kaya wala na tayo dong magagawa pa– just be thankful na tinutulungan ka nila para mas makilala pa ang gawa mo with the help of Mr. Eaze and Mr. Vegou"

Yun na nga yung ayaw ko, yung makilala ako ng tao because of him (talking about Eaze only) if ever na makilala ang librong ginawa ko ng dahil sa kanya ang pagiging misteryosong manunulat ko'y tuluyan ng masisira bukod don? baka mahalungkat na naman yung nakaraan sa pagitan naming dalawa at maging sanhi pa ng issue.

Napabaling ako ng tingin sa gawi ni Eaze, ganon na lamang yung kunot-noo ko ng masilayan ang tila pilyong ngiting nakaukit sa kanyang labi, mukhang inasahan nya talaga tong mangyare.

"Wala na po bang ibang choice? Parang gusto ko na pong magback-out"

"B-Back out?!.." gulat na tugon ni Ms. Cha don sa joke kung hindi nya naman alam, nilingon ko sya bago binigyan ng isang bahagyang ngiti upang inisin yung isa.

"You can't, because we signed already" singit ni Eaze, na halos inasahan ko naman– seeing him like this? Parang gusto kung manakal ng hayop.

"It's my decision, you should respect it" pinanindigan ko na talaga yung joke sanang banat ko kanina– why? Para mas lalo syang pikunin.

"Before saying it out loud why don't you apply it on yourself first– you didn't even respect us either, we signed that contract of yours because your seem sure enough and back out in the middle of deal with us? If your talking about us respecting you– fine, but you should know this, kapag pumayag kami sa gusto mong mangyare then pay the consequence, pay us." Wika nito bago agarang tumayo mula sa pagkakaupo nya.

Napabaling tuloy ako ng hustong tingin sa kanya habang inaayos nya ang kanyang black suit, mukhang ako pa yung mapipikon saming dalawa.

Habang sila Ms. Cha and Tris nanatili lamang na tahimik dahil sa sagutang nagaganap sa pagitan namin ni Eaze.

Pinanindigan ko ang tila maangas na pagtitig sa kanya, wala na tong atrasan– ang pusa'y lalaban na rin sa aso.

Napasinghap ako ng malalim bago bahagyang napapikit ng mata, humuhugot ng lakas sa sarili kung kahibangan. "How much? Name it and I'll price it" pagsampal ko sa kanya ng tila mapera kung salita, pero sa totoo lang yung wallet ko pisong duling lang ang laman.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon