Aya's pov.
After what happened kahapon– spending time with those people na sumasang-ayon na rin sakin, nakikisama't nakikikaibigan na rin sakin.
It make's me feel glad– except sa taong kasama ko ngayon na bukod sa hindi na nga marunong makisama ayaw pang sumang-ayon.
"Bitawan mo ko!" Singhal ko sa kanya bago pilit na pinipigilan sya sa paghila sakin papasok ng amusement park.
I told him before na ayoko sa lugar nato– pero bakit parang wala lang sa kanya, yung mga salitang binitawan ko parang hangin lang rin sa kanya, na tila pumapasok sa kanyang tainga tapos tumatagos naman sa kabila.
"Please Eaze, wag mo kung pilitin dito" wika ko sa kanya habang patuloy parin syang pinipigilan sa paghatak sakin tungo sa entrance.
Nakinig naman sya sakin, huminto din sya. hindi ko nga lang inasahan na sa mismong entrance na kami nakatayong dalawa, don sya huminto– doon nya ko pinahinto.
Tila nakaramdam ako ng lamig at kilabot na dumaloy mula saking kamay na biglang bumalot ngayon saking buong katawaan, ng pagmasdan ko ang loob ng amusement park.
Mula dito'y tila may kung anong mga alaalang biglang Lumutang saking isipan, alaalang gusto ko nalang kalimutan, ngunit hindi ko rin halos magawa.
That day, of our incident na tila nagbigay bangungot ng takot at sugat ng nakaraan nga sa akin– ang naiwang piklat saking kabilang braso, ang tanda ng alaalang hindi na mabubura.
That day I thought it will ended up as our happiest moment together ng kapatid ko, pero tulad ng inaasahan ibang pangyayare yung ngyare.
Kung tutuusin unang sakay sana namin yun, nasa entrance na kami ng pila, ngunit hindi rin natuloy ng dahil sa biglang sunog na ngyare– sunog na lumamon sa buong amusement park.
January 1, 2009 ang araw ng aksidente, bagong taon– ngunit nag bigay trauma din sa akin, I'm so scared that time, nilalamon ako ng takot na baka– oras ko na.
Nagkahiwalay kami ni maya ng dahil sa sobrang pagkakagulo ng lahat makalabas lang.
Binabalot na ng makapal na usok ang bawat paligid ko, nahihirapan na kung huminga– nakakaramdam na ko ng init at paso saking balat, gusto ko ng makalabas, makaalis ngunit patuloy parin akung itinutulak paloob ng mga taong Nakakasalubong ko.
Wala kung nagawa, hindi ako maka lakad paunahan dahil pilit parin akung bumabangga sa kanila't napapaatras nalang, hanggang sa gumawi ako sa isang area na kung saan nilalamon na rin ng sunog.
Nalaglagan ako ng isang matigas na bagay na syang nagdulot upang maipit pa kung lalo– hingalo na ko noong humihingi parin ng tulong may nakapansin, pero mas pinili nilang deadmahin, noong mga oras na yun nilamon ako ng takot dahil alam kung wala ng pag-asa na may tutulong pa sa akin.
Na kung tutuusin nasa labas na ko ng area pero mas pinili kung bumalik para lang hanapin ang kapatid ko, humingi ako ng tulong pero walang tumulong.
I've no choice that time, So I tried to find her with my own ways– pero nag failed din, nilalamon na ko ng takot noon lalo na ng maipit ako, they didn't help me out, no one bother to save me that time.
Mas inuna nila yung malapit sa kanila, kisa don sa batang nangangailangan talaga ng tulong, they leave me behind.
I thought it will be my end of story, pero sa pagmulat ng aking mga mata bumungad sakin ang puting paligid– nasa hospital na pala ko.
Ang sabi nila ang swerte ko daw dahil may nakapansin sakin at tinulungan agad ako bago pa gumawi yung apoy don sa pwesto ko, masyado daw kasing malaki ang pinsalang ngyare kaya halos abala din ang lahat sa pagtulong.
BINABASA MO ANG
The Pretender (Under Revision)
Romans- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...