Aya's pov.
Napahawak ako saking ulo ng tila biglang nadama ang sandaling kirot nito, napaka-sakit dala seguro to ng hustong pag-inom ko kagabi.
Napabaling ako ng tingin sa buong paligid at tila wala sa wisyong nangangapa pa ng akin, kung paano ako naka-uwi kagabi? At ano nga ba ang mga katangahang ginawa ko kagabi.
Pagkalabas ko ng aking kwarto agad namang bumungad sakin si maya na tila kakatok palang sa aking pintuan upang gisingin ako.
"Good Morn–" sandali akung natigilan ng akin ng bigla nyang takpan ang aking bibig kaya naman napakunot noo ako ng dahil sa ginawa nya.
"Mag toothbrush ka muna, amoy alak ka pa" wika niya bago agaran na ring umalis, wala sa wisyong inamoy ko naman ang aking hininga at napangiwi nalang ng akin.
Tama nga sya, kailangan ko ng mag toothbrush.
After that, agaran na kung bumaba kung saan bumungad naman sakin si papa na tila busy sa kanyang binabasang diyaryo habang si maya naman ay nagiintindi na ng mga pagkaing kanyang hinain din.
"Gising kana pala anak" wika sakin ni papa ng tila mapansin nya kung nakatayo di kalayuan sa kanya, napatango lamang ako sa kanya bago agaran din silang binating dalawa.
"Good morning!" Wika ko sa kanila bago agarang tumabi sa gilid ni papa, kung saan may bakanting upuan pa.
"Musta ulo? Ano sakit noh?" Panunukso sakin ni maya, kaya naman napabusangot ako sa kanya– knowing na may tama talaga sya.
"Normal lang yan kasi abnormal ka, bangingi kang umuwi kahapon– lasing na lasing, bakit? Anong meron hindi ka naman umiinom ah" hindi ko alam kung dapat ko bang indahin ang sakit sa ulo ko, oh mag-muryot dahil sa sermon agad sakin ni maya ngayong umaga.
"Kailan ka pa natutong uminom na bata ka?" Tanong sakin ni papa kaya napabaling sa kanya ang aking tingin bago alanganin na tumawa.
"Sorry pa, napilitan lang talaga ako since may kasiyahang ganap din po kahapon" pagpapaliwanag ko sa kanya, kinakabahan ako ngayon sa mga titig ni papa na wari mo'y ino-obserbahan ako para sermunan din.
"Sa susunod na iinom ka–" natigilan ako ng akin dahil sa biglaang pagseryoso ni papa sa akin.
Pagagalitan din ata ako.
"–isama mo naman ako, kung libre yan mas ayos." Wika nito sakin bago nag thumbs-up pa, mula sa tila seryoso at kabang nadama ko kanina tila wala sa wisyong alanganin na natawa nalang ako ng dahil sa sinabi niya.
Seryoso?
"Kayong dalawa!" Sabay kaming napabaling ng tingin ni papa kay maya ng bigla itong magtaas ng boses sa amin.
"Mag ama nga talaga kayong dalawa, sa susunod na malaman ko pang nagiinom kayo– yang bote ipalulunok ko talaga sa inyo" singhal samin ni maya kaya naman pareho kaming nagkatitigan ni papa, bago palihim na napabungis-ngis nalang.
"Tama yan anak, pagalitan mo nga ang iyong kapatid pero wag mo na kung idamay– labas na ko jan" wika ni papa bago agarang tumayo at nagtungo sa kusina bago kumuha ng baunan nya't nilagyan yun ng pagkain.
Napakunot noo naman kami ni maya ng dahil don.
"San ka punta pa?" Maya.
"Mangbababae?"
"Or manlalalaki?" Maya.
"Tantanan nyo kung dalawa, walang iba tanging mama nyo lang talaga– babaunin ko nalang to kasi male-late na ko sa trabaho" pareho kaming nagkatinginan ni maya ng dahil sa sinabi ni papa na wari mo'y mga hindi naniwala.
BINABASA MO ANG
The Pretender (Under Revision)
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...