𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 75

498 127 8
                                    

Aya's pov.

"Pinaraya ko, but still I haven't yet get over" Saad sakin ni Ferrie– nasa bahay nya ko ngayon sa hindi malamang dahilan kung bakit, she just invited me.

Napabaling ako ng tingin sa kanya na tila nagtataka don sa sinabi nya, habang busy sya kalalagay ng pipino don sa mukha nya.

Hindi ko alam kung bakit nya yun ginagawa, balak nya na bang gawing salad yung mukha nya?

"Get over saan?" Takang tanong ko sa kanya kaya naman napatigil sya ng paglalagay ng mga pipino sa mukha nya at napa-ayos ng upo– nalaglag tuloy yung ibang pipino sa mukha nya.

Dapat nilagyan nya ng mighty bond para kapit na kapit.

"Naive, I don't want to offend you but I'm being honest here, kanino pa ba? kay Eaze." Wika nito bago agarang pinagdadampot yung nalaglag na pipino sa mukha nya at binalik sa mangkok.

Don't tell me, isasama nya yun sa kakainin namin mamaya?

Anyway about what she said, I don't take it as a treat– normal lang na mahirapan sya sa pag move on kay Eaze, since minahal nya rin ng sobra yung isa kaya hindi ko sya masisisi.

Napaayos ako ng upo after kung tumango sa kanya bago inabot na rin yung Nachos chips para naman meron ding akung makotkot ng akin habang nakikipag-usap sa kanya.

Mahirap kayang maki-chismiss ng walang salpak-salpak na nginunguya sa bunganga– busog yung utak sa balita pero yung tyan kumakalam.

"Then what's up with the both of you?

"Nanliligaw parin sya" tugon ko naman bago agaran ng binuksan yung Nachos.

Muli syang bumaling sakin ng tingin at sinalubong ko naman yun ng bahagya kung saan bumungad sakin yung nakakunot na noo nya. "Nanliligaw?.."

"Uhm"

"For how long?" She ask me again, being curious herself.

"2? Or 3 months na din ata" mas lalong nilamon ng kuryusidad si Ferrie, kasi kung maka-tingin to sakin ngayon para bang mag gusto syang malaman na iba pa sakin.

"You know what? I've this side of thoughts, na para kang isang Maria Clara sa panahon ngayon– tanga nga lang. Anyway, curiosity is killing me. Tell me may balak ka bang sagutin sya?"

"May balak"

"Eh bakit pinapatagal mo pa?" Ferrie ask me again, why do I feel na para akung sumabak sa Q and A na wala man lang kaalam-alam?

"Kasi don mo masusukat kung seryoso ba sayo yung tao o pinagtri-tripan ka lang ba–" saad ko sa kanya, bago inilapag yung chips sa mesa upang hindi lang ako yung makakuha, pati na din sya. "–I want to know him better as well" muli kung tugon bago agarang kumuha ng chips ngunit hindi rin natuloy ng biglang tapikin ni Ferrie yung kamay ko.

Kaya mula sa pagkakabaling ko sa kanya, bumaba naman yung tingin ko sa kamay kung hinampas nya ng marahan– ano to? May cheese trap? or chips trap.

"Alam mong pwede nyong kilalanin yung isa't-isa kapag kayo na diba?" May point naman sya don pero ayukong mag-madali, kasi baka madala na naman ako sa huli.

Katulad ng sitwasyon ko kay Zhenan noon, pinagkatiwalaan ko agad sya at nagpadalos-dalos ako kaya nauwi din sa pagsisisi yung ginawa kung pabigla-bigla.

"Sinusubukan ko lamang sya, sasagutin ko na rin naman sya sa tamang panahon." Wika ko sa kanya bago nagtangka ulit na kumuha ng chips pero nabigo rin ng tapikin nyang muli ang aking kamay.

"So kailan yang tamang panahon na yan?" She ask me seriously while wonder portrayed at her own reaction and same thing about me, nagwa-wonder ako kung hanggang kailan nya ba balak tapik-tapikin lang yung kamay ko.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon