𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 66

464 126 3
                                    

Aya's pov.

Para kaming nabuhayan ng loob ng makalabas kami ni Ferrie sa loob ng Play house na yun– idinaan nalang rin namin sa tawa yung mga takot na nadama namin kanina.

I thought we can't make it out, dahil sumasabay pa yung takot ko sa lugar na ito kaya halos hindi ko magawang umayon ng hustong akto sa pagiisip ko– pero nagawa ko rin.

Naharap ko yung sarili kung takot.

Napabaling ako ng agarang tingin sa gawi ni Ferrie ng tila mapansin ang walang kibo nyang presensya. "Ferrie, ok kalang?" Takang tanong ko sa kanya habang sinusuri sya ng taimtim.

"M-May.. may sugat ako" natataranta nitong wika ngunit ang tono ng kanyang pananalita ay binabalot na rin ng takot at pamgamba.

Napababa ang aking tingin kung saan sya nakatoon ng hustong pansin at tumambad sakin ang bente nya– may hiwa ito't dumudugo na rin, seguro nakuha nya yan kanina noong lusubin namin yung daan na pinapalibutan ng nagliliyab na apoy.

"I-It's.. it's b-bleeding.."

"Kumalma ka Ferrie, hindi ka mamamatay" wika ko at agarang inagaw ang kanyang pansin, kailangan nyang kalmahin ang kanyang sarili kasi kung matataranta sya baka mataranta nalang rin ako.

Inalalayan ko sya sa kanyang pag-tindig, para makalakad sana sya ng ayos– kaso mas nahirapan ako dahil hindi ko masyadong tansya ang bigat nya.

"Hindi mo ba talaga kayang maglakad?"

"Can't you see? I'm injured."

"Kita ko– sadyang hindi ko lang kaya yung bigat mo, tinatanong ko lang naman kung kaya mo para mabilis tayong makaalis dito. humakbang ka rin, wag puro pakaladkad sakin" wika ko bago tila napapabaling nalang rin ng tingin sa paligid.

We're not yet sure, na nakaligtas na talaga kami– nakaalis nga naman kami sa panganib pero yung banta ng presensya ng taong gumawa non? Hindi parin, for sure nasa paligid lang sya, tahimik na sinusubaybayan kami.

"I'm trying but I can't, it hurts badly."

Napahinto ako bago gumawi sa isang liblib na bahagi nitong park, inalalayan kung makaupo don si Ferrie bago sya hinarap ng ayos. "Stay here, tatawag ako ng tulong"

"iiwan mo ko? Sira ka ba Aya?"

"Wala tayong choice Ferrie, nahihirapan na kung kaladkarin ka lang, if ever mag papatuloy tayo sa ganong gawi tingin mo hindi tayo maaabutan ng taong may gawa nito?" Sandali syang natigilan bago tumitig sakin ng husto na puno ng pangamba.

"Aya naman, wag mo kung iwan na basta dito"

"Delikado kung magkasama tayo" tugon ko sa kanya.

"Mas delikado, kung hindi tayo mag kasama"

"Alam ko ngunit wala tayong choice, kung isasama kita sakin hindi tayo makakahingi ng tulong agad– baka pareho pa tayong mapahamak, at hindi mag karoon ng pag-asa ang isa sa atin" seryoso kung saad sa kanya, punong-puno ng pakiusap ang kanyang mga mata ng titigan nya ko pero wala din syang nagawa sa huli kundi ang magtiwala nalang rin sakin at pumayag.

"Promise me na babalik ka, babalikan mo ko right?" Seryoso akung napatango sa kanya, bago nangako.

After that? Tuluyan ko na nga syang iniwan at naghanap ng pweding makatulong samin at sa hindi kalayuan lang tumambad sakin ang Telephone site.

Kailangan ko lang gumawa ng paraan upang makalapit don without seeing me ng taong gustong manakit sa amin,  since nasa labas to ng park– mas delikadong magtungo ako don dahil baka don naka focus ngayon ang taong yun.

The Pretender (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon