Interlude I

2.2K 35 0
                                    

Buzz of the Stars, Sunday, 4PM

"Sino itong sexy starlet na napapabalitang may - ipagpaumanhin sa mga batang manonood, sensitibo ang susunod na paksa at kailangan ng pagsubaybay ng nakatatanda - sex scandal daw sa isang matanda at mayamang businessman? Kamakailan lang ay ibinaba na ang divorce papers ng naturang businessman sa pangatlong asawa nito na ex-beauty queen," ani Tita Babes, ang sikat na sikat na host ng naturang show. "Ayon sa naglalabasang video ay may nagaganap daw na role-playing sa naturang video na tumagal na lampas limampung segundo bago naputol. Panoorin po natin ang video."

On cue ay lumabas sa screen ang isang video ng sinasabing sex scandal ng naturang sexy starlet. Nakikita sa screen ang Elektra costume ng isang babae na may hawak na whip. Blurred ang mukha nito. Maririnig sa video ang pag-cheer ng isang matandang lalaki na mukhang siyang may hawak ng camera. Sa background ay tumutugtog ang Sway, Dean Martin version.

"Ano'ng mase-say mo, Kris?" ani Tita Babes.

"Nakakaloka, Tita Babes! A-ha-ha," ani naman ni Kris, ang baklang co-host ni Tita Babes. "Hindi ba at kamakailan lang ay lumabas ang sex video ng sexy starlet na iyan kasama ang isang sikat na sikat na leading man ng primetime soap? Iba na talaga ang malandi - ay maganda pala! A-ha-ha."

"Blind item ito, Kris," saway ni Tita Babes na kunwa pa ay na-e-eskandalo pero tumatawa naman. "Pero siguro naman ay sobra-sobra na ang mga clues natin para hindi pa mahulaan ng ating mga minamahal na viewers."

"Tama ka diyan, Tita Babes. Ang tanong: ano naman kaya ang susunod na eskandalong kakasangkutan ng sexy starlet?" Ngumiti ang bakla sa camera. "Parang sumosobra na ang pagpapansin niya, agree? A-ha-ha."

"Ang tanging masasabi ko lang, Kris, hindi ka habambuhay na dadalhin ng mga eskandalo para sa iyong kasikatan."

"Agree, Tita Babes. A-ha-ha."

"Para naman sa susunod na showbiz balita..."

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon