Chapter 38

962 34 3
                                    

Sa hallway kung saan nanggaling si Madi ay nakakita siya ng utility man. Mabilis niyang isinilid sa malaking plastic bag ang damit ni Direk Joey.

"Madeline, hija!"

Pag-angat ni Madi ng ulo ay nakita niya si Tito Do Ha na nagmamadaling lumapit sa kanya.

"How did the interview go? Nakuha mo ba ang lead?"

Kaagad na hinablot ni Madi ang bag mula kay Tito Do Ha. Her eyes in slits.

"Ibinebenta mo ba talaga ako, Tito Do Ha?"

"Aba, Madeline, huwag mong gamitin 'yang tono na 'yan sakin."

Lalong naningkit ang mga mata ni Madi. "Totoo ba na inaalok mo ang katawan ko para makakuha ng trabaho?"

Mukhang na-a-alibadbaran na sa kanya si Tito Do Ha. Nagbuga ito ng naiiritang paghinga.

"Oh, don't be such a prude, Madeline. Ano bang ipinagmamalaki mo? Wala na namang mawawala sa'yo."

"What about my pride, Tito? What about my dignity?" She didn't want to sound so overdramatic, but it was a shame that that was what came out. "Matagal mo na bang ginagawa 'to? Ng walang permiso ko? Daig ko pa ang walang puri."

"Eh, wala naman talaga!" Tumaas na ang presyon ni Tito Do Ha. "Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa ko para sa'yo. Ako ang nag-angat sa'yo sa putik. Dahil sa akin ay may pinanggagamot ka diyan sa nanay mong hindi mo nga alam kung magigising pa."

Madi gritted her teeth. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan tungkol kay Nanay."

"Ano pa bang gusto mo, Madeline?" Pumadyak na si Tito Do Ha sa inis sa kanya. "Ako na nga ang nalulugi dahil wala akong nahihita sa'yo. Ito, sinasabi ko sa'yo, ha. Kung hindi dahil sa mga eskandalo mo ay matagal ka nang nabura sa mapa. Alam mo ba kung magkano ang ginastos ko para lang maipalathala ang mga litrato niyo ng batang jowa mo—"

"Ikaw ang may kagagawan no'n?!"

"— dahil ayaw tanggapin sa imprenta dahil hindi ka na daw sikat? Alam mo ba kung gaano kahirap kumbinsihin si Tita Babes na bigyan ka ng segment sa Buzz of the Stars sa tuwing ipinapasa ko ang mga sex videos mo na ayaw nilang tanggapin dahil hindi naman talaga legit na sex videos ang mga 'yon? It was hard work just getting those videos to look real. Halos ibenta ko na ang katawan ko pansinin ka lang ng tao, Madeline! Kaya kung isusumbat mo sa'kin ang kakapiranggot na bagay na 'yan... Aba, Madeline, nasaan na ang utang na loob mo?"

Kung "utang-na-loob" lang ay nakahanda iyong ibalik ni Madi. Kahit kailan pa. Pero kahit na isang "sorry" ay wala man lang siyang matatanggap. Kahit ata isang maliit at walang damdamin na "sorry."

"At kahit magalit ka pa dyan at sumbat-sumbatan ako sa ginawa ko, paulit-ulit ko pa ring gagawin 'yon kung ikakaganda ng career mo. Sexual favors are no big deal nowadays, Madeline. You have to do whatever you can. However you can if you want to reach the top."

Habang nakikinig kay Tito Do Ha, hindi alam ni Madi kung anong nag-iba dahil hindi na niya nakikita ang kinabukasan na nakahain sa harap niya. Hindi na niya ma-imagine kung ano ang makikita niyang habang nakatayo sa tuktok na sinasabi ni Tito Do Ha. It doesn't mean that she was giving up on her dream. It's just that she wanted to take control of her life this time.

"Mararating ko ang tuktok, Tito Do Ha." Matamis ang iginawad niyang ngiti. Inside, she was dying in tiny little pieces. The pain of betrayal was too much to bear. "But this time, I don't think I want to do it with you."

"Ano'ng sinasabi mo—-"

"Tatapusin ko na ang kontrata ko. I'm leaving you."

Naghamunan lang sila ni Tito Do Ha ng tingin. Halatang iyon ang huling bagay na iniisip nitong sasabihin niya.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon