The 'worst' started when the ghosts of the past started to appear in front of Madi.
Nasa isang sulok noon ng presinto si Madi, hindi pa rin matanggap na sa dinami-dami ng tao sa Quiapo ay sila pa ni Pol na hindi sinasadyang hawak-hawak ang isang pirated DVD ang nahuli, nang dumating ang panibagong onda ng tsunami sa buhay niya.
Nagmumuni-muni si Madi sa kawalan ng hustisya sa mundo nang dumating ang isang lalaking agad na hinanap si Pol. Nasabi na ni Pol na tinawagan nito si Micky para i-bail out silang dalawa ni Pol. Pero hindi nag-iisa si Micky. Behind him came Risha who was trotting the old, cemented floor with her designer heels.
Any other time - or girl for that matter - and Madi would still be able to hold on to her calm and composure. Pero si Risha Valle ang pinag-uusapan dito. Ang babaeng college pa lang siya ay naisip na niyang perfect match ni Pol.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Risha sa loob ng presinto ay halos madapa na ito dahil sa mabilis na pagdaluhong nito kay Pol. Walang kiyemeng ipinalupot nito ang mga kamay sa leeg ni Pol at niyakap ang huli nang mahigpit. Sa mata ni Madi, at marahil sa mata na rin ng nakararami, para iyong black-and-white na pelikula na hinugot noong dekada sitenta.
"I'm glad you're okay," ani Risha sa garalgal na tinig. Kahit sa pandinig ni Madi ay alam niyang may halong pagkatakot at pangamba ang boses nito. "Akala ko, mauulit na naman ang nangyari noon sa California."
"Walang nangyaring masama, Risha." Hinawakan ni Pol ang balikat ni Risha at bahagya itong inilayo. He offered her a reassuring smile. "Nakalimutan mo na bang sinabi ko noon na hindi na 'yon mauulit kahit kailan?"
Bahagyang natawa si Risha. Pero patuloy pa rin nitong pinupunasan ang matang nagluluha. "How could I forget that you always keep your word?"
Sa eksenang iyon ay nanatiling tahimik lang si Madi. May hindi magandang damdamin ang namuo sa dibdib niya. Nakalimutan na niyang tuluyan ang tungkol sa presensiya ni Risha. Pero ngayong nakapag-analisa na siya, iisang tanong lang ang pumasok sa isip niya: Ano'ng nangyari kay Pol at Risha at nagkahiwalay ang mga ito?
Napagtanto ni Madi na wala pala siya talagang alam. Kay Pol at sa naging buhay nito noong mga panahong hindi niya ito nakita. Pero dahil iyon sa hindi niya pinaglalaanan si Pol ng sapat na atensyon. And the fact that it was true made her sick.
Ngayong nakikita niya si Pol at Risha na magkasama, pakiramdam ni Madi ay nanonood siya ng mga live shooting ng mga primetime dramas kung saan hindi siya kasama sa script at sa eksena. She was the bystander, the irrelevant spectator. Isang extra na hindi na kailangan dahil perpekto na ang eksena.
Kaya katulad noong audition niya sa Studio 17, tahimik siyang tumalikod at naglakad palayo sa eksena.
"Ate Adeng!"
Madi unconsciously stopped in her tracks at the unfamiliar way she was called. Inari na niyang sagrado ang palayaw niyang iyon. She was born petty, so it was only natural that she was disturbed to hear her name being uttered by someone other than Pol.
Si Risha ay kaagad na nakalapit sa kanya. Sa malapitan ay naintindihan na ni Madi kung bakit hindi niya ito nakilala noong una. Kung maganda na si Risha seven years ago, 'di hamak na mas maganda na ito ngayon. In fact, mas maganda pa ito kay Ilea. Sadyang natural na kay Risha ang tindig na animo ito ang sentro kung saan umiikot ang lahat sa mundo. Bata pa lang si Risha ay gano'n na ang aura nito. She was a woman of class, elegance, and substance.
Hindi nga ba at iyon ang dahilan kung bakit naisip niyang bagay na bagay ito kay Pol?
Pero natural ba na ma-insecure siya sa harap ni Risha? Gayong maraming taon na ang nakalipas ay nagpapasalamat siya sa presensiya ni Risha sa buhay ni Pol?
Breathe out, Madi. Hormonal imbalance lang 'yan.
"Hey," kaswal na bati niya nang makarating si Risha sa harap niya.
"Can I talk to you, Ate Adeng?" ani Risha."I mean, can I call you Ate? Just like before?"
Ate talaga. Para bang ang tanda-tanda niya dito.
Pero dahil siya si Madeline Puerto na may imaheng imine-maintain, nagawa pa rin niyang maglabas ng tagilid na ngiti.
"Ano'ng paguusapan natin?" tanong niya sa halip, sadyang iniwasang sagutin ang tanong.
"It's about Pol." Sa pagkabigla ni Madi ay hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Kailangan kitang makausap tungkol kay Pol, Ate Adeng."
May kung ano sa pagkakasabi ni Risha na nagpalabas ng warning signals ni Madi. Lalo na nang tumalikod ito at naglakad palayo na para bang inaasahan na susunod siya. Ano bang pwedeng pag-usapan tungkol kay Pol? At sa kanya pa na hindi naman maiituring na kaibigan si Risha?
"Watch me if I will really follow you," pabulong pang reklamo ni Madi.
Pero tatlong segundo pa lang ang nakakalipas nang hindi tumigil maglakad si Risha ay labag sa loob na sumunod rin siya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...