Chapter 4

1.5K 48 2
                                    

"May hidden camera ba dito? "Wow! Mali" ba ito?"

Sinipat-sipat ni Madi ang bawat sulok ng restroom sa Mela's. She was half-sure that this was all a big joke meant to rattle her. Kung sino man ang may pakulo ng lahat ng ito ay nagtagumpay iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon ay gusto niyang umiyak. Ang problema, walang lumalabas na luha sa mga mata niya.

Tinitigan niya ang repleksiyon niya sa salamin. Gusto niyang matawa dahil ang galing ng nag-make-up sa kanya. She was dying inside, and still, she looked like a winner.

"Relax, Madi. Magigising ka rin. This is all a nightmare."

Pero si Ilea? Kailan at saang parte ng timeline ng buhay nilang dalawa ni Phil nakapasok si Ilea? Hinalughog niya sa isip ang mga naging usapan nila ni Phil nitong mga nakaraang buwan.

And then it finally dawned on her.

"Shit! I'm a total idiot!"

Dalawang buwan na ang nakalipas ay um-attend si Madi ng car show event kung saan kasama rin si Phil para i-showcase ang dalawang sports car na pag-aari ng mga Gallego. Ilea Valencia was the host of the event. Naalala pa niyang ipinakilala niya pa si Phil kay Ilea na kahit hindi naman niya ka-close ay maiituring na rin na kasamahan niya sa RS. Kailangan kasing mag-coordinate ni Phil at Ilea. Samantalang si Madi naman ay sobrang busy dahil isa siya sa mga rumampa sa stage para sa opening ng event.

She cursed again.

Nanlulumong isinandal ni Madi ang noo sa salamin. Alam niyang open naman si Phil na makipag-date sa kahit na sino. Kahit na hindi naman nito ipinapakilala sa kanya ang mga nagiging girlfriends nito ay hindi naman naging threat ang mga iyon sa kanya. Because she knew Phil would always prioritize his work and his family over romantic entanglements. Naisip pa nga niyang katulad niya ay naghihintay rin lang si Phil ng pagkakataon para sabihin sa kanya na silang dalawa rin pala pagdating ng araw.

Obviously, she thought wrong again.

"Nakakainis ka, Phil," nanghihinang sabi ni Madi. "Si Ilea Valencia pa talaga? Ang galing mo ring pumili."

"Ilea is flawless," ani nga ni Janice. And whether Madi admits it or not, as an actress, Ilea was everything she had aspired to be.

"Okay na siguro 'yan, Madi," pagkonsola niya sa sarili. "At least, si Ilea Valencia 'yon. Hindi kung sino-sinong babae."

Yes. Perhaps she could take comfort in that.

Kinalma niya ang sarili, pagkatapos ay taas-noo na ulit lumabas ng restroom. Saka na niya iintindihin ang nararamdaman niya. This was Phil's - her best friend in the world - special night. Priority niya ang kaligayahan ng kaibigan.

Nang makita ni Madi si Phil kabig-kabig sa baywang si Ilea ay inihanda na niya ang ngiti sa mga labi kahit na parang may kumukudlit sa puso niya sa eksena.

"Phil," she called out and congratulated herself for not shaking.

Doon lumingon si Phil. Malapad ang ngiti nito. "Madi! Kanina pa kita hinahanap. I saw you earlier, but I thought I already lost you."

Why do you still think that you will lose me, Phil? After all these years?

"Sorry," nakangiti pa ring sabi niya. "Ang dami kasing tao kanina. I just needed... I needed some air."

Thankfully, masyadong abala si Phil kay Ilea para maramdaman nito ang pagod sa tinig niya. Napansin ni Madi na kinabig nito si Ilea kahit na kausap siya. Kahit kailan ay hindi pa iyon ginawa ni Phil kapag kaharap siya.

"Well, I guess you both don't need my introductions anymore. I mean, ikaw naman ang instrumento kung bakit kami nagkakilala ni Ilea. 'Di ba, sweet?"

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon