Three days after that, Madi encountered the biggest surprise of her life yet.
Papunta na siya sa lounge area gaya ng nakaugalian na niyang gawin. Pero sa paglalakad niya sa hallway ay 'di sinasadyang napasilip siya sa kwarto ng isang matandang pasyente na nagngangalang Jim na notorious sa pagiging masungit.
Wala naman sanang bago dahil sanay na si Madi kay Jim. Sa natatandaan niya ay matagal nang labas-masok ito sa ospital. Pero napahinto si Madi nang may makitang sobrang pamilyar na pigura na nakatayo sa loob ng silid. A sorta-kinda nightmare she hadn't experienced for the past several weeks.
"Ilea Valencia..."
Ang tinik sa lalamunan niya, wala ng iba pa.
Kaya nga lang ay parang nagtaka pa si Madi nang mabistuhan si Ilea. Ang kilala niyang Ilea ay glamorosa. Kahit na maganda pa rin naman si Ilea sa casual get-up nito – a plain white shirt and faded jeans - malayo pa rin ang hitsura nito sa Ilea na nakasanayan niyang makita.
At higit sa lahat: Ano naman kayang ginagawa ni Ilea sa kaparehong hospital?
Unang naisip ni Madi ay nalaman ni Ilea na si Phil ay malimit ding dumalaw sa hospital na iyon. Kaya lang ay naalala niya ang usapan nila ni Phil na si Ilea nga daw ang nakipaghiwalay. Kaya malayong hinahanap ni Ilea si Phil liban na nga lang kung talagang desperada na ito. And yet, Ilea may be insufferable, but she was never desperate. Patunay iyon na nakapag-walkout ito kay Direk Joey kahit na maraming mawawala dito.
"So, what's really your deal, Ilea?"
Tsismosa na kung tsismosa, pero napalapit pa rin si Madi sa pintuan ng silid ni Jim na nakabukas naman. Hindi naman siya nanunubok, pagrarason niya. Kung makikita siya ni Ilea ay hindi naman siya tatakbo. At wala naman talaga siyang balak takbuhan si Ilea kahit kailan.
Sumilip siya ulit. Muntik pang lumuwa ang mata niya sa nakita niya. Si Ilea, nakikipagtawanan kay Jim. Hindi tuloy madesisyunan ni Madi kung alin ang mas kagila-gilalas - si Ilea na tumatawang walang kakarampot na pag-arte, o si Jim mismo na marunong palang tumawa.
Just what is happening with the world?!
"Napanood ko nga 'yung isang commercial mo, Ilea," ani Jim.
Nakahiga ito sa kama at may hawak na FHM magazine. Ang magazine na malimit nitong ipuslit sa hospital kahit na bawal dahil tumataas ang BP nito sa tuwing nakakakita ng mga hubad na katawan ng mga babae.
Mukhang wala namang kaso kay Ilea. Nakapatong pa ang mga siko nito sa kama at nakapangalumbaba. May na-a-amuse pa rin na ngiti sa mga labi.
"Mas maganda pa ako diyan sa mga binabasa mo, eh."
"Oo naman, aba. Saka 'yung isa pa... sino nga 'yon?"
"Yung isa mong crush?" Umirap si Ilea. "Si Madeline. Nandiyan siya sa issue na 'yan, ah."
"Talaga?!" Mabilis na inilipat ni Jim ang mga pahina hanggang sa makarating ito sa dulo. "Ayun nga, wala pa ring kupas. Kagandang bata talaga nito."
Nahugot ni Madi ang marahas na paghinga nang marinig ang sariling pangalan. Sanay naman na siyang maging "Object of men's fantasies," ika nga ng isang tabloid patungkol sa kanya. Malamang ay hindi exemption si Jim. Kaya naman inaasahan na niya na lalaitin siya ni Ilea katulad nang malimit nitong ginagawa. That was why what happened next was totally unexpected: Ilea chuckled affectionately.
"Oo naman. Si Madeline nga ang pinaka-maganda diyan sa issue na 'yan, eh. In fact, siya ang pinaka-maganda dun sa dati kong talent agency."
Walang bahid ng malisya at sarkasmo ang tawa ni Ilea. Lalo tuloy naalerto si Madi. Ano ba ang nangyayari kay Ilea? Ito ba talaga ang Ilea na umaaway sa kanya kapag nakakabangga niya sa hallway ng ABE?
Si Jim naman ay ngumisi kay Ilea. "Pero mas maganda ka parin, hija."
"Hmm... Ever my number one fan."
Ilea's smile was illuminating. Iyong klase ng ngiti na mas maganda pa sa ngiti nito sa mga billboards at TV commercials. Because this particular smile was pure, unadulterated bliss. Sa puntong iyon, hindi maiwasang maisip ni Madi na marahil ay iyong ngiti na iyon ang ngiting ibinibigay nito kay Phil. The kind of smile that was the reason why Phil was waiting inside an empty, messy house. The kind of smile that was the reason why Phil wanted to marry her.
Lalo nang hindi maiwasan ni Madi ang mapatitig. Daig pa niya ang na-engkanto. Sino ba talaga ang totoong Ilea Valencia?
"Ilea! Si Madeline 'yon, hindi ba?"
Muntik pang mauntog si Madi sa hamba ng pinto sa tangkang pagpihit nang marinig ang hindi-kahinaan na bulalas. Lalo na nang mandilat ang mga mata ni Ilea habang si Jim naman ay patuloy na nakaturo sa kanya.
"Si Madeline Puerto nga, Ilea!"
Doon nasigurado ni Madi na malamang sa malamang ay hindi nga siya nakakasalubong ni Jim sa hospital. Na hindi na nakakapagtaka dahil matagal mang naka-confine sa Medical City si Becca ay bihira naman siyang pumunta sa lugar na 'yon at dumalaw. Marahil ay nagkakasalisi sila ni Jim.
Si Ilea naman ay walang imik na nakatingin sa kanya. Takot at pangamba ba ang nakikita niyang naka-rehistro sa mukha nito?
It was a very uncomfortable five-second. So to lighten up the situation a bit, Madi waved at the two people gaping at her.
"Hello."
Jim totally lost it. Naglumikot na ito sa gitna ng kama.
"Madeline! Pa-picture!"
Madi awkwardly looked at Ilea, probably expecting the latter to make a bitch move. Pero muli pa ay sinorpresa siya ni Ilea. Tumango at ngumiti lang ito sa kanya. At sa tonong nagpapaumanhin ay, "Pwede ba, Madi?"
Litong-lito man sa takbo ng mga pangyayari ay nagpaunlak si Madi. Agad na kinuha ni Jim ang cellphone at kumuha ng litrato kasama siya at si Ilea. And for the first time in Madi's career, she had her picture taken with one of the country's most sought-after superstar, the one she considered her most ardent love-rival.
And somehow, it just felt so right standing alongside her.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...