Chapter 19

1.1K 33 0
                                    

"Nakita mo 'yung lalaking 'yon? He's most definitely acting. Hah! Dinaig si Leonardo di Caprio."

Nanliliit ang mga matang tiningnan ni Madi si Jonson sa tabi niya. Hindi niya alam kung nang-iinsulto ito o naaaliw.

Nang sabihin ni Jonson na tuturuan siya nito sa acting, hindi niya inisip na dadalhin siya nito sa Lodge. Ang tagal na nung huli siyang nagpunta sa Lodge. Noong huling beses siyang nandoon ay hinarang siya ng isang barkadahan ng mga yuppies pagkagaling niya sa restroom.

"This makes me feel like a pervert or something," she said with a hint of sarcasm. Lahat na lang kasi ng mga nag-p-PDA doon ay tinititigan ni Jonson.

Jonson sniggered. "Perversion is a part of acting, Madeline. Loosen up, will you? Para kang matandang dalagang hindi pa nakakatikim."

"Oh, well, excuse me for refusing to condone voyeurism."

"Just focus on the act," naiiritang utos ni Jonson. "Tulad no'n. Observe that guy. He's a natural. Walang effort ang flirting. He didn't even have to do anything. Women just flock to him like a 70% off shoe sale."

Totoo nga. Nang mag-focus siya sa pag-arte, nagsimula niyang makita ang mga nakikita ni Jonson.

"Definitely playing," ani Madi sa isang lalaking lumapit sa babae at basta na lang ito nilingkis. Kanina lang ay ibang babae ang kaharutan nito. "Why do these women fall for this act?"

"It's not just the men, Madeline. Nasaan ang gender equality?" Hinawakan ni Jonson ang pisngi niya at ipinihit. "Pati na rin ang mga babaeng iyon. They are laying traps all over the room. Tingnan mo din ang pareha na iyon sa isang tabi. Everyone seemed to think that they're perfect. Must be high school sweethearts. Pero tingnan mo kung gaano kalamig ang tinginan nilang dalawa kahit na nakangiti sila sa isa't-isa."

Madi felt like someone just sold her an expired $200 chocolate while observing how the people move inside the room. Umaarte ang mga iyon sa iba't-ibang paraan. Sa harap ng minamahal, sa harap ng mga kaibigan, sa harap ng mga estranghero...

Kung susuriing maigi ay para iyong mga dulaan sa mga teatro. Para lang siyang na-transport pabalik sa Studio 17. Kanya-kanyang panloloko para matakasan kahit isang gabi lang ang lungkot ng pag-iisa.

"So, this must be what being in a crossroad means. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang kainisan o hangaan."

Si Jonson ay ikinampay ang kamay sa ere habang aliw na aliw na tumatawa pa. Naalala ni Madi dito ang pekeng espiritista na pagala-gala noong araw sa Quiapo.

"Feel it, Madeline. Singhutin mo ang hangin sa loob ng silid na 'to. Unlearn, and then learn everything from these people. Hindi 'yung napapanood mo lang sa mga telebisyon at pelikula. Masyado ng rehearsed ang mga 'yon. Mga bunga ng maghapon na ensayo kasama ng mga itinuturing na mga guro. Nothing beats experience as a teacher."

Naisip ni Madi na kapag nagdudumikit-dikit pa siya sa weirdo na Jonson na ito ay hindi malayong madala rin siya sa isang mental institution. Pero hindi naman din niya masasabing normal si Nora Aunor. Isa pa, mukha talagang may alam si Jonson patungkol sa acting world.

"Uh oh," ani Jonson. Nakatingin ito sa may likuran niya. He snorted. "May paparating dito at nakakatakot ang tingin sa'kin. Probably an admirer of your billboard. The one I find to be socially irrelevant."

"Wow. Thank you ha."

Paglingon ni Madi ay sinalubong na kaagad siya ng paparating na si Pol. Dahil sa gulat sa presensiya nito ay wala na siyang nagawa kundi panoorin si Pol na makalapit sa kanya. Nagtaka pa siya kung bakit maputla si Pol. Baka sa kakapuyat nito sa trabaho ay nagpapalipas ito ng gutom.

Magkokomento pa sana si Madi doon. Pero nang tumabi si Pol sa kanya ay bahagya siyang na-distract ng aftershave nito. It was the same aftershave that was starting to fill every corner of her house. Minsan, sa tuwing gumigising siya ay ang amoy ni Pol ang nalalanghap niya. Nag-komento pa nga siya dito minsan na baka naman malason siya kakalanghap niya ng mga chemicals.

Pero ngayon, kahit saan man siya magpunta ay hinahanap niya ang kaparehong amoy. Kumakalma ang pakiramdam niya kapag naaamoy niya iyon. Napaisip tuloy siya, kapag ba umalis si Pol ulit, makakasanayan niya kaya ulit ang mag-isa?

"Nandito ka na pala, Adeng," ani Pol.

Dahil sa boses ni Pol ay saka pa lang tila bumalik ang katinuan niya. Ano na nga ulit sana ang itatanong niya? Ah.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

Imbes na sumagot ay hinarap ni Pol si Jonson. "Pol, pare. You are?"

"Jonson, 'tol."

Tila robot na mabilis na inilahad ni Pol ang kamay kay Jonson. Jonson The Grouchy smirked at Pol's hands. Pero kumamay naman ito kay Pol sa habag ng langit. Hindi nga lang alam ni Madi kung anong nangyari sa dalawa at ang tagal nagtititigan habang hawak ang kamay ng isa't-isa.

Nairolyo na lang ni Madi ang mga mata.

"Kids," untag ni Madi sa dalawa. "Umaandar ang oras. Kailangan ko pa ng beauty rest." Hinarap niya si Pol. "May pinag-a-aralan lang kami ni Jonson. Mauna ka na sa bahay—"

"Dito lang ako."

"Fine." Si Jonson naman ang hinarap ni Madi. "Ituro mo naman sa'kin kung paano yung nagpapanggap na ayaw pero gusto talaga."

Hinawakan naman siya ni Jonson sa balikat at ipinihit pakaliwa. "The two men over there? One of them's gay."

Pinagmasdang maigi ni Madi ang itinuturo ni Jonson. Malakas na ang radar niya sa mga bakla. Pero hindi niya ma-spot-an kung saang banda nasabi ni Jonson na bading ang lalaking itinuturo nito.

"The push and pull," ani Jonson. Tila nabasa nito ang isip niya. "Gasgas na masyado 'yan. Pero regretfully ay effective pa sa iba. Plus, it's the easiest to do with the fastest processing time."

Tumatango-tango na lang si Madi. Tama si Jonson. She could really learn a lot just from watching these people try to outwit each other's heart—

Napatingin si Madi kay Pol nang masira ang train of thought niya. Halos kasi maipit na siya sa mesa dahil kay lapit-lapit nito sa kanya.

"Pol, ang init init," reklamo niya. "Huwag ka ngang masyadong sumiksik sa'kin."

Inginuso lang nito si Jonson. Alam na ni Madi na aburido na ito. "Sino ba 'yan?"

Hay naku. "Just someone."

"Tutulungan ka niya sa career mo?"

"Err... I think so?"

Medyo matagal na nagisip si Pol. Pakiwari niya pa ay nagkaroon ng mini-war sa utak nito. Sa huli ay nagpahinuhod ito.

"Okay. Pagbutihin mo ha. Hintayin kita dito."

Ayaw na ayaw ni Madi sa lahat na may naghihintay sa kanya dahil mas nape-pressure siya doon. But this time, she didn't mind. Masaya siya na uuwi siya kasama si Pol pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw.

Sumaludo siya dito. Bago binalingan ulit si Jonson na nakataas ang mga kilay sa kanya.

"What?"

Nagkibit-balikat si Jonson. "Mabigat ang kamay ng admirer mo. Gusto ko siya."

"As if I even need your validation."

But she still found herself smiling at the unsolicited opinion of this unexpected teacher.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon