Chapter 20

1.2K 33 1
                                    

"Sabihin mo nga ulit sa'kin kung bakit naglalakad tayo?"

"Eh kasi po, iniwan mo ang sasakyan mo sa ABE." Kumindat si Pol sa kanya. "Sana, lagi-lagi mo na lang palang naiiwan ang sasakyan mo."

Hatinggabi na pero parang katanghalian pa lang kung magdatingan ang mga tao sa Lodge. Dahil nasa isang exclusive subdivision ang lugar ay bibihira ang mga dumadaang taxi doon. Iyong iba naman na dumadaan ay may mga sakay na. So Pol and Madi had no choice but to walk under the coldness of the metro sky.

Kumpara sa loob ng Lodge, parang ang laki-laki ng mundo sa ilalim ng bukas na langit. At parang ang liit-liit din ng pakiramdam ni Madi. Bumabalik sa kanya ang nangyari sa Studio 17. And she didn't want to, but she felt so insignificant.

Napakislot pa siya nang ipalupot ni Pol ang kamay nito sa balikat niya. Hinila pa siya nito palapit dito.

"Paano kung may magnanakaw? Kailangan na lagi kang safe."

Umingos si Madi. Pero bahagya niyang isinandig ang balikat niya sa dibdib ni Pol habang naglalakad.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong nito.

"Halata bang may iniisip ako?"

"Palagi ka namang nag-iisip. Sa totoo lang, ang kumplikado mo nga masyadong mag-isip. Feeling ko, kapag pumasok ako sa utak mo, hindi na ako makakalabas pa. Well, not that I would want to. Kung pwede lang na habambuhay na lang ako sa isip mo." Sinabayan pa iyon ni Pol ng hagikhik.

Napangiti si Madi. Gabing-gabi na ay bumabanat pa rin ito. "How I wish ganyan din ang iniisip ng mga tao patungkol sa'kin."

"Why do you say that?"

"Well, minsan kasi, pakiramdam ko, masyadong mataas ang gusto kong abutin. To the point that I'm wondering if I'm just wasting my time."

Niyakap niya nag sarili. Mas higit niyang nararamdaman ang lamig sa puso niya kaysa iyong sa balat niya.

"Pitoy, what's your ultimate dream?"

"Nakainom ka 'no?"

"A little. But humor me."

Pinagmasdan ni Madi ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Pol. Nagsasalubong ang kilay nito at bahagyang tumitigas ang panga.

She liked the Pol that was carefree. But she liked this side of Pol even more. Mukha lang talagang hindi seryosong tao si Pol dahil laging nakangiti. Pero isa ito sa mga malalalim na taong kilala niya. He may not be aware of it, but she had always valued his insights and opinions despite their age gap.

"'Yung magising ako araw-araw na nakangiti pa rin ako," sa wakas ay sagot nito. "That I would always find something to smile about everyday."

Napangiti si Madi doon. "A typical Antipolo Gallego answer."

Pol chuckled at that. "Ikaw?"

"Yung maging proud si Becca sa'kin. Yung maging proud ako sa sarili ko."

"What's wrong, Adeng?"

Ngumiti si Madi nang mapakla dahil sa tono ng boses ni Pol.

"Alam mo bang bihira na lang akong dumalaw sa Medical City ngayon? Alam ko na dapat ay lagi akong nandoon, sinasamahan si Becca dahil mag-isa lang siya. But with everything that's happening in life... with the person I am right now, I can't seem to face her anymore. I'm a little ashamed, I guess."

"Why would you be?"

"Just is." Nagkibit-balikat siya. "Alam mo ba yung pakiramdam na parang nag-ko-conspire ang universe laban sa'yo? Na parang lahat ng lang ng pwedeng mangyari sa'yo, siguradong hindi maganda? Tapos, wala ka namang magawa dahil wala namang ibang sisisihin kundi ikaw. And then you start thinking that you deserve all the bad things that are happening in your life."

Yumuko si Madi para tingnan ang mga paa. Sa maluwag at magaspang na kalsada ay tila ang liit-liit ng mga paa niya.

"Minsan, okay lang naman sa'kin 'yung ganoong pakiramdam. It's just that, sometimes, you know, even just waking up is hard to do. Naiisip ko, 'Ito na naman po tayo.' Minsan nga, inaasahan ko na na may mangyayari na kaagad na hindi maganda kaya hindi na ako nagugulat kapag meron nga. Sometimes, when good things start to happen, natatakot ako. Kasi alam ko na may kasunod kaagad 'yon na hindi maganda."

Sumagap si Madi ng hangin para punuin ang naninikip na dibdib. Tiningala niya ulit si Pol na matamang nakatingin sa langit.

"Ang super ampalaya ko 'no?"

Makalipas ang ilang sandali ay pinisil ni Pol ang balikat niya. He pulled her even closer.

"Don't worry, Adeng. Parang tsunami lang 'yan. Minsan, kailangan talagang sirain lahat ng mga magagandang bagay na nasa harap mo. At kadalasan, masakit yung proseso, lalo kapag nakikita mo na giniba na lahat ng mga bagay na meron ka. Wala kasing matitira sa'yo. But you are also left with a big, open space. So big that you couldn't help dreaming again of a million possibilities on how to fill all the spaces. I want to believe that it is God's way of allowing us to experience life again in a different way."

Bahagyang yumuko si Pol at naramdaman ni Madi ang mainit na hininga nito na dumadampi sa noo niya.

"And I'm proud of you, Miss Purisima. Of whatever you became and whatever you will be," bulong ni Pol sa may punong tenga niya. A little smile hovered on his lips. "So, you just hang in there. Kahit gaano pa 'yan katagal, just hang in there tight. I got you, do you hear me? I got you."

Matanda na siya para maging iyakin sa mga simpleng bagay, pero sa sinabi ni Pol ay agad ang pag-iinit ng mga mata niya. She wanted to say, 'Thank you.' Pero para kulang pa iyon para sabihin ang nararamdaman niya. Kaya tumikdi siya at magaang hinalikan sa pisngi si Pol. Gusto niyang magpasalamat kay Pol kasama ng lahat-lahat sa kanya.

Lalong lumapad ang ngiti ni Pol. Napalitan na naman ng kapilyuhan ang kaseryosohan sa mata nito.

"Okay na ako, Adeng. Okay na okay na."

Doon natawa nang malakas si Madi. Ang sarap-sarap tumawa nang ganito pagkatapos ng mga hindi magagandang nangyari sa kanya ng araw na iyon.

Nagulat pa siya nang hawakan ni Pol ang kamay niya nang mahigpit.

"Tara, Adeng. Lipad tayo."

"Lipad?"

"One... two... three!"

"Wait!"

Bago pa nag-sink-in ang sinasabi ni Pol ay naramdaman na lang ni Madi ang hangin sa mukha niya. Ang bilis-bilis ng takbo ni Pol kaya wala nang choice si Madi kundi mapatakbo na rin kasama nito. Ang nakakapagtaka ay hindi niya nararamdaman ang semento sa paa niya dahil mabilis ang takbo ni Pol at natatangay siya. Si Pol naman ay tawa nang tawa.

"Fly, Adeng!" His voice - loud and clear - echoed through the night. "Don't hesitate! The world is yours tonight for the taking!"

Indeed. Madi felt like she could fly to the top of the world. Kasama ng buhok niya ay kasabay na natatangay ng malamig na hangin ang mga agam-agam niya.

"Pitoy!"

"Hmm?"

Thank you for coming back. "Is this already 'fast' for you? Really?"

"Ah... mabilis pala ang gusto ng prinsesa ko, ha!"

Nahawa ng tawa si Madi nang bilisan pa lalo ni Pol ang takbo. Mukha lang talaga siguro silang mga pakawalang bata. Pero sinabayan pa rin ni Madi ang takbo si Pol, sinasambot ang hamog sa mukha habang mahigpit na kapit ang mainit na kamay nito tangan-tangan siya sa dako pa roon. Umaasang sa dulo ng madilim na daan ay masusumpungan niya sa wakas ang liwanag.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon