Chapter 41

1K 28 0
                                    

"Wala ka bang trabaho, Adeng?" untag ni Becca kay Madi sa pagitan ng pagbabalat niya ng ponkan. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Ilang araw na tayong maghapong magkasama, ah."

Ngumunguya pa si Madi ng ponkan nang magsalita. "Okay na ako dito, 'Nay. Walang pressure. Saka libre pa ang pagkain."

And indeed, she had never felt so contented in her life. Hindi niya nararamdaman na may kulang sa kanya ngayon na hindi siya nagtatrabaho. Bukod pa doon ay nagagawa niya ang mga hindi niya nagagawa sa ilalim ng limelight. Tulad ng manatili lang sa pyjamas niya buong maghapon at walang magbabawal sa kanya. Mas mahaba na rin ang oras na iginugugol niya sa hospital. Wala rin namang silbi na umuwi sa bakante at malamig na tahanan.

Nakakapagkwentuhan sila ni Becca kapag nagigising si Becca, pero madalang lang iyon dahil mas malimit itong natutulog. Kapag gano'n ay tumatambay siya sa guest lounge ng hospital, humahabol sa kanyang mga babasahin at sa musika ni Pol. Ang tagal niyang kilala si Pol pero kahit kailan ay hindi man lang niya pinakinggan ang mga musical scores at arrangements na ginagawa nito. She just found out that Pol was scattered all over the country, his musical arrangements being played in movies and by people from different walks of life.

Listening to Pol's music was like getting to now him over and over again. That even without the Gallego name to back him up, he was still amazing. Iyong tao na alam ni Madi na 'di siya mangingiming sundan buong buhay niya kung papahintulutan ng panahon.

Gaya ng inaasahan, wala siyang narinig na balita mula kay Direk Joey at Tito Do Ha. Hindi naman lumabas sa kahit ano'ng balita o artikulo ang tungkol sa ginawa niya. Hindi alam ni Madi kung maganda bang senyales iyon para sa career niya. Lalo at hindi naman talaga maiikaila ang impluwensya ng dalawa pagdating sa industriya.

Pero hindi siya nag-aalala o natatakot. Naipag-dasal na niya iyon at alam niya na isa-isang inaayos ng Diyos ang mga bagay sa buhay niya. And maybe the first time was when she decided to take the first step. Parang simula nang mag-desisyon siya na ayaw na niya kung saan siya naroon ay nagsimulang mabago ang ikot ng kapalaran.

Dahil dito ay hindi mapigilan ni Madi ang umasang muli. Hindi na siya makapaghintay na salubungin ang mga nakahanda sa kanyang hinaharap.

"Hindi mo ba na-mi-miss ang showbiz, hija?"

Mula sa pagbabalat ng ponkan ay nilingon ni Madi ang ina. Hawak ni Becca ang isang entertainment magazine na naitabi ni Madi noong mga panahong naguumpisa pa lang siya sa karera. May isang maliit na artikulo doon na na-feature ang Sexy and Trending.

Ikinwento ni Madi kay Becca ang puno't-dulo ng pagkakasangkot niya sa mundo ng showbiz. Hindi hinusgahan ni Becca ang mga desisyon niya at mga pagkakamali niya. Kagaya ng laging sinasabi ng ina niya noong bata pa siya, lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. And everything works out for the good eventually.

"Na-mi-miss," sagot Madi. Her face suddenly became thoughtful. "Nakakamiss din 'yung hype, 'yung busy na schedule, 'yung pakiramdam na halos hindi na ako makahinga sa dami ng gagawin at pupuntahan..."

"Ano'ng problema? Bakit hindi ka pa bumalik?"

Nagkibit-balikat siya. "Naghihintay ako, 'Nay."

"Ng ano?"

"Ewan ko din." Isinubo niya ulit ang binabalatang ponkan. "Hindi ko rin alam kung ano'ng dadating. Basta alam ko lang na meron."

Totoo ngang hindi niya masyadong pinag-iisipan iyon. Maaaring naging padalos-dalos siya kay Tito Do Ha. At maaaring talagang sa kangkungan na nga pulutin ang mga labi niya sa mga susunod na araw. Pero ayaw na niyang masyadong pag-isipan ang mga bagay. Hindi naman talaga niya binitiwan ang pag-asa. On the contrary, it was because she wanted to hope that's why she could afford to be still and wait. Wait for Life to surprise her yet again.

Ganoon nga yata kapag tumatanda na, napapailing si Madi sa isip. But if with age comes wisdom, she was willing to trade her age anytime.

"Ang sexy mo dito, Magdalena. Pero mas sexy pa ako sa'yo noong araw," komento ni Becca, ang lapad ng pagkakangisi. Natawa na rin si Madi nang makita ang tinutukoy ni Becca na litrato na halos wala na ring tinakpan ang chiffon mini-dress. "Hmm... pero wala kang balak umalis? Parang ang gulo-gulo naman kasi niyang pinasok mo na 'yan."

"Parang ayoko, 'Nay. 'Di ba, ikaw na rin ang nagsabi, kung saan tayo nadapa..."

"Doon tayo babangon." Umiling-iling si Becca pero may ngiti sa labi. Bahagyang lumambot ang mata nito. "Proud ako sa'yo, Magdalena."

Iyon ang matagal nang gustong marinig ni Madi. Sumampa siya sa kama sa kabila ng pagpo-protesta ni Becca at mahigpit na niyakap ang ina. Pagkatapos ay pinaulanan niya ito ng halik sa mukha.

"I love you talaga, 'nay!"

"Mako-comatose ako ulit sa'yong bata ka." Pero hinaplos naman nito ang buhok niya kagaya ng malimit nitong gawin noong araw. "Nga pala, 'nak, may problema ba kayong dalawa ni Pitoy?"

Bahagya siyang natigilan sa pagbanggit ng pangalan ni Pol.

"Wala naman. Bakit mo natanong, 'nay?"

"Dumadalaw siya sa'kin dito pero hindi rin siya nagtatagal. Kapag nakikipagkwentuhan naman ang batang 'yon ay tinatawagan lang ako sa telepono. Samantalang noong maliit pa 'yon ay dikit nang dikit kahit saan ka man magpunta."

"Eh, syempre, matanda na si Pitoy 'nay. Alangan namang dumikit pa rin sa'kin 'yon ngayon."

Bahagyang lumayo si Becca at tinitigan siya na parang isang presong nakatakas sa bilibid. "Ano na namang ginawa mo kay Pitoy, bata ka?"

"Ay grabe ka, 'nay. Ako talaga lagi ang may kasalanan?"

"Eh, ano pa nga ba? Alam mo namang mahal na mahal ka ng batang 'yon. Kung pwede nga lang 'di ka padapuan no'n sa lamok, eh, matagal na niyang ginawa."

Napaisip si Madi sa sinabi ni Becca. "Naniniwala kang mahal ako no'n?"

Kung panlisikan siya ng mata ni Becca ay parang bata lang siya na nahuli nitong nang-u-umit ng barya.

"Hindi kita pinalaking tanga, Magdalena. Head-over-heels in love na sa'yo ang batang iyon walong taong gulang pa lang ata 'yon. Hindi ko nga alam kung anong nakita no'n sa'yo, eh."

Doon naman niya nilingon si Becca na may nakakatawang eskpresyon.

"Seryoso ba 'yan, 'nay? Gusto mo si Pitoy para sa'kin?"

Pumalatak si Becca. Pero isinubo din nito ang ilan sa mga ponkan na nabalatan niya. "Kung mahal mo siya, bakit naman hindi? Gusto ko din naman si Phil eh. Kahit sinong piliin mo, keribels lang. Choosy pa ba ako, eh, gusto ko na ng apo."

"Apo ka diyan." She nuzzled her face on her mother's neck. "Do you still think I deserve it, 'nay? 'Yung mahalin ako kahit ganito lang ako?"

Napaigik si Madi nang magsalita si Becca ay tumalsik pa sa mukha niya ang katas ng ponkan.

"Ano'ng deserve-deserve ang pinagsasasabi mo diyang bata ka? Masyado ka atang nalulong diyan sa mundo ng showbiz na 'yan kaya kung makapag-drama ka, tingin mo ata ay ikaw si Ate V sa Palimos ng Pag-ibig. Ang pag-ibig, walang kinikilalang paano at bakit. Walang deserve-deserve dahil hindi naman ruler ang pag-ibig. Hindi nagsusukat."

"High-blood ka na naman niyan, 'Nay." Pero napangiti si Madi doon. "Pero pareho kayo ng sinabi ng taong 'yon."

"Sino?"

Imbes na sumagot ay isinubo na lang ni Madi ang ponkan sa bibig ni Becca na bagama't nagtataka ay nginuya pa rin iyon.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon