"Well?" untag ni Madi kay Pol. Nang makita niya si Pol na simot-sarap pang kinakain ang pagkaing niluto nito para sa kanya ay niyugyog niya ang mangkok na hawak nito. "Makinig ka!"
Muntik pang matapon ang kanin sa mangkok ni Pol sa ginawa niya. Nakakunot na tuloy ang noo nito sa kanya. Kapag pagkain talaga ay ayaw na ayaw nitong pinapakialaman.
"Nakikinig ako. Ayaw ko lang mabilaukan sa mga pinagsasasabi mo."
Kasalukuyan silang nakaupo sa sahig ng unit niya. Madi was slightly aware of Pol's arms brushing her shoulders. Gusto niya sanang dumistansya dahil parang nasisikipan siya bigla. Pero alam din niyang suicidal lang ang peg niya kung maglalagay siya ng malisya sa pagitan nilang dalawa.
This was just little Pitoy, for crying out loud!
Kaya naman nag-concentrate siya sa problemang kinakaharap. At jusmio, isa iyong malaking problema.
"May naaamoy talaga akong hindi maganda sa Ilea na 'yan. Imposible namang perpekto 'yan. Ano sa tingin mo?"
Ngumiwi si Pol. "Hindi ko alam kung bakit mo pa ako tinatanong. Para namang mapipigilan kita sa gusto mo."
"Hindi ka ba concerned sa kapatid mo? Okay lang sa'yo na magkaroon ng sister-in-law na masama ang ugali?"
"Matanda na si Kuya, Adeng. Alam na niya ang ginagawa niya. Besides, I don't really think I'm in a position to tell him whom he should marry."
Naningkit ang mga mata niya dito. Sinuntok niya ito sa braso. "That's irresponsible and you know it."
Rumolyo lang ang mga mata ni Pol. "Ano bang gusto mong sabihin ko? Na huwag sanang magkatuluyan si Kuya at si Ilea? Sa totoo lang ay wala akong pakialam kung sino ang gustong pakasalan ng kapatid ko. As long as it's not you."
Sumimsim si Madi sa kape. Hindi niya alam kung bakit nang marinig niya kay Pol iyon ay nanikip ang dibdib niya.
"Ah. Ito na naman po tayo."
"Ano'ng ito na naman?"
"Wala." Humigop ulit siya ng kape. Pilit ibinabalik ang focus sa kung anong gagawin niya para kay Phil. "Anyway, we are talking about forever here. Hindi ko ata mapapayagang mapakasal lang si Phil sa babaeng hindi siya deserve."
"And who do you think deserves Phil?" pabagot na tanong ni Pol.
"Kahit sino. Basta lang huwag ang Ilea na 'yan."
"What about you?"
Humigpit ang hawak ni Madi sa tasa niya. "What about me?"
"May papakasalang iba si kuya at hindi ikaw 'yon. Before concerning yourself with Phil's well-being, hindi ba dapat na unahin mo muna ang sarili mo?"
Nagkibit si Madi ng balikat. "But what can I do? I don't deserve him, either."
"Bullshit."
"Hoy, bata, 'wag kang mag-mura sa harap ko."
"Rubbing it in my face again..." Pol smirked. "Hindi ko alam kung saan niyo pinagpupupulot-pulot 'yang termino na 'yan. 'Deserve'? What a bullshit word. Hindi dapat ikinakabit ang salitang 'deserve' sa tabi ng 'pagmamahal,' Adeng. You don't love someone because he or she deserves it. Nagmamahal ka kasi binigyan ka ng kalayaan na magmahal."
"Alright, love genius. Whatever you say." Napailing na lang si Madi. "Anyway, hindi naman ito patungkol sa akin. I just want... I don't know. I guess gusto ko lang na ilagak si Phil sa mabuting kamay. Doon lang mapapanatag ang loob ko."
"Paano naman ang loob ko?"
Kakatwa ang tinging iginawad ni Madi kay Pol. "Seryoso? Si Phil ang pinag-uusapan natin. Paano ka na naman napasok dito?"
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...