Sinisikap ni Madi na maging kaswal habang nakatayo sa harap ni Risha. As usual, Risha looked very fragile and very princess-y. Natatandaan pa niya ang maamo nitong mukha ang dahilan kung bakit naisip niyang pasayahin ito gamit ang love letter na ipinasulat niya kay Pol.
Nang hindi mag-initiate ng usapan si Risha ay si Madi na ang bumasag ng katahimikan.
"Ano'ng gusto mong pag-usapan, Risha?"
Sa halip na sumagot ay lumapit si Risha sa kanya. Sa pagkagulat ni Madi ay itinaas nito ang kaliwang braso niya at sinipat-sipat. Napuno ng pag-aalala ang mukha nito.
"Oh, this must really hurt."
Tiningnan ni Madi ang tinitingnan ni Risha. Nagulat pa siya nang makita ang mahabang gasgas na namumula na malapit sa may siko niya. Una niyang naisip ay "Shit! Peklat!" But even her vanity seemed to matter less at that moment.
"Nakuha ko siguro 'yan kanina bago kami nahuli ng pulis," Madi replied cautiously. Hindi pa rin niya alam kung bakit gusto siyang makausap ni Risha na wala sa paligid si Pol.
Tumango lang si Risha. Magaang-magaang hinawakan ni Risha ang sugat sa kanyang mga braso. Hindi alam ni Madi kung anong iniisip ni Risha habang nakayuko at nakatitig sa braso niya. Mahabang segundo din itong hindi umimik.
Nakayuko pa rin si Risha nang magsalita ulit. "Thank you for taking care of Pol while I was away, Ate."
Mahina at kaswal lang naman ang pagsasabi ni Risha. Kaya hindi alam ni Madi kung bakit na-offend siya sa simpleng pangugusap na iyon.
"It's not a bother," halos-sarkastiko nang balik niya.
Ano ba ang tingin ni Risha sa kanya? Tagapagbantay ni Pol at kailangan nitong magpasalamat sa kanya? At aso ba si Pol para ihabilin sa kung kani-kanino? Malakas ang pakiramdam ni Madi na tatanda siyang hindi nalalayo ang kasungitan kay Jonson Filemon.
Thankfully, hindi napansin ni Risha ang mabilis na pagpapalit niya ng mood. Tumayo ito nang tuwid at binigyan siya ng alanganing ngiti.
"Sorry dahil hindi kita nabati last time. I've been meaning to, but I chickened out the last minute. I guess I'm still embarrassed, considering what happened between Pol and I."
Saglit na lumingon si Risha sa pintuan ng presinto, marahil ay hinahanap kahit anino ni Pol na nasa loob pa. It struck Madi to see how forlorn Risha looked. Lahat tuloy ng gusto niyang itanong ay naipit sa lalamunan niya.
"Alam kong tinulungan mo ako noon kay Pol, Ate. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na 'yon na inabot mo sa'kin ang sulat ni Pol. I had always considered myself indebted to you because of that. But I guess as the years went by, I forgot how much I wanted him back then. When things got tough, nanakbo ako palayo at iniwan ko siya. I left behind the most precious thing in this world for me."
Doon ulit humarap si Risha kay Madi. Bahagyang nagtutubig ang mga mata nito.
"I can only imagine how much I hurt him when I left. Lalo na nang mabalitaan ko na hindi niya natapos ang degree niya at kung saan-saan siya nagtago pagkatapos no'n. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong pinagsisihan na iniwan ko si Pol sa ere. I hate to think that he became that way because of me. Everyday, until now, I still regret it. Kung maiibalik ko lang sana ang panahon..."
Tumikhim si Madi dahil biglang nanuyo ang lalamunan niya. So that was what happened... Hindi na sana niya talaga gustong magtanong. Pero as usual, nanaig na naman sa kanya ang kyuryosidad.
"I-ibig mong sabihin, isa ka sa mga dahilan kung bakit nawawala si Pitoy... si Pol nang mahabang panahon?"
"I guess he told you already, huh?"
Actually, walang sinabi si Pitoy. At hindi ko alam kung anong dapat kong isipin tungkol don.
Hindi ugali ni Madi na manahimik na lang basta-basta. Hindi bagay sa kanyang maging masokista. Pero ito siya, walang magawa kundi tanggapin lahat ng mga sinasabi ni Risha nang walang panlalaban.
Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ni Risha. She smiled again - that small, tight smile that was heartbreaking in itself. Because that smile marred what was otherwise a perfect face.
"Kaya nga nandito ako ngayon, Ate. I want to make it up to him. Ipinapangako ko'ng sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya papakawalan. I swear on everything that's good in this world, I won't let him go again."
Hindi na pwede, gustong sabihin ni Madi. Nagkaro'n ka na ng tsansa sa kanya noon, and you blew it big time. You don't have the right anymore.
What about you? balik ng isip niya. Ano'ng karapatan mong sabihin 'yan kay Risha? Ano ba si Pol sa'yo?
Dahil hindi masagot nang maayos ni Madi ang tanong na iyon sa sarili ay humigpit ang pagkakakuyom niya. Noon ay mabilis sagutin kung ano si Pol sa buhay niya. A childhood friend, a younger brother, her one and only ego booster...
Not after today, paalala ng maliit na boses sa utak niya. Not after that kiss...
Pero mas nangingibabaw kaysa sa munting tinig na iyon ang sinabi ni Risha sa kanya kani-kanina lang: "...he became that way because of me."
Kasabay niyon ay sumingit sa isip niya ang naging usapan nila ni Pol noong unang gabing natulog ito sa unit niya. Like pieces of a jigsaw puzzle now starting to be put together.
"Bakit ba ngayon mo lang naisipang bumalik dito sa Pilipinas?"
"Ang tagal ko rin kasing na-stranded sa ere at nahirapan akong bumangon kaagad."
Naalala din niya si Pol na tumatawa sa sinasabi ni Risha noong araw na nakita niyang nakaupo ang huli sa lamesa niya. Pati na rin ang eksena na nadatnan niya kani-kanina lang. Kung saan inaalo ni Pol si Risha habang nakayakap si Risha dito. Naalala ni Madi ang naramdaman niya sa eksenang iyon. Like she was always on the outside, looking in.
Paano pa ang mga nagdaang mga panahon sa buhay ni Pol at Risha na hindi niya alam?
"Ate Adeng?"
Sinalubong ni Madi ang mga mata ni Risha. Nagulat pa siya na nasasalamin sa mga mata nito ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon - pangamba. Pangamba sa isang bagay na hindi din kayang tukuyin ni Madi at bigyan ng pangalan.
"Can you help me again? To win Pol back?" mahinang tanong ni Risha.
Wala sa loob na hinawakan ni Madi ang sugat sa braso niya. Ngayong napansin na niya iyon ay nagsimula na iyong kumirot. Hindi niya maalala kung saang parte ng pag-di-date nila ni Pol niya nakuha iyon.
Paanong ang isang tila perpektong araw ay nagkaroon ng hindi na mabuburang lamat?
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...