(3 years later)
Buzz of the Stars, Sunday, 4pm.
Exclusive full-interview with Madeline Puerto.
"So, how are you, Madi?"
Tumingin si Madi sa camera. Ang cameraman ay agad na hinanap ang magandang anggulo kung saan kikinang ang suot ni Madi na hikaw na siyang nag-iisang alahas na suot nito.
"I'm fine, Tita Babes. In fact, I've never been better."
"I can see that. And I'm glad. Kailan nga ba 'yung huli nating pagkikita?"
"That was three years ago, Tita. Before I went to Singapore, nagpunta pa ako sa studio—"
"Right, right. Nakasalubong kita sa hallway. I believe that that was the first time Mr. Jonson Filemon approached you. Am I right?"
"Not really, Tita. Bago pa nung araw na 'yon ay nagkakilala na kami ni Jonson."
Tumaas ang kilay ni Tita Babes. Iyon ang cue nito para mag-zoom-in ang camera sa mukha nito na halos kita na ang pores. Hinarap nito ang imaginary audience.
"Matatandaan niyo na si Jonson Filemon ang direktor ng pelikulang may international title na Full Disclosure na pinagbidahan ni Madeline Puerto. The film got nominated in several international independent film festivals. And, just a couple of months ago, inanunsyo na magkakaroon ng national release ang naturang pelikula dito sa bansa for the first time."
Sa bandang 'first time' ay may twang pa ang pagkakasabi ni Tita Babes. Aliw na aliw naman si Madi. Humarap ulit ito sa kanya.
"So, Madi, care to elaborate your first meeting with the acclaimed Jonson Filemon? I'm sure a lot of our viewers are curious about the two of you."
Napailing si Madi. Hindi talaga siya tatanungin tungkol sa pelikula. Some things just don't change.
"There's nothing much to tell, Tita Babes. Nagkausap lang kami ng isang beses noon."
The understatement was funny in itself that Madi wasn't able to suppress a grin. Mukhang hinihintay pa ni Tita Babes ang sagot niya dahil alam nito na kasama sa script ni Madi ang ibinigay na tanong. Not to be childish, but she enjoyed making Tita Babes sweat a little. Sa una pa lang ay sinabi na ng manager niya na hindi lahat ng mga tanong ay sasagutin ni Madi nang buo.
Sumenyas na ang direktor kay Tita Babes nang mapagtanto na wala talagang balak magdagdag pa ng impormasyon si Madi. Ngumiti ito on-cue.
"And while we're at it, Madi, hindi naman bago sa'yo na may kumakalat na balita sa totoong namamagitan sa inyo ni Mr. Jonson."
"Hindi, Tita Babes."
"I guess it's time to say it once and for all: kayo ba ni Jonson Filemon?"
Humarap si Tita Babes sa camera. Halos matawa na si Madi. Tumawa din siya noong binasa niya iyon sa script.
"Jonson and I are good friends, Tita Babes."
"Nothing more, nothing less?"
Sinadya ni Madi na asarin si Jonson. Kumindat pa siya sa camera. "We'll see what tomorrow will bring."
Mukhang nasiyahan sa paglalandi niya si Tita Babes dahil totoo na ang kislap sa mata nito. Pero dahil aware si Tita Babes sa camera ay pinipilit nitong panatilihing kalma lang ang facial muscles.
"Madi, mapunta naman tayo sa isa pang balitang kumakalat patungkol sa'yo. Totoo ba na nag-pa-plano ka nang mag-retiro sa industriya matapos kang ma-nomina bilang Best Actress para sa paparating na Cinemalaya?"
"No such thing, Tita Babes. Na-e-excite pa rin ako kung ano'ng nakalaan sa hinaharap ko pa dito sa industriya. I've long recognized that the road is never easy. Pero sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa akin sa nakalipas na mga taon, masaya man o masakit, I can say without the slightest doubt that everything was worth it."
Sandaling tumigil si Madi, hinahabol ang paghinga dahil sa samu't-saring damdamin na dagling lumukob sa kanya. Nanumbalik kasi sa kanya ang mga panahong nagtatanong siya kung bakit ba siya nagtitiis sa industriya gayong wala namang magandang balik sa kanya ang mga iyon. Now, she finally found the answer why it was necessary that she didn't give up.
She was finally standing on the answer.
Nang mapansin ni Madi na sa kanya na naka-zoom-in ang camera ay ngumiti siya.
"Yes. I can say now that everything was worth this moment."
Nakita ni Madi na napakurap si Tita Babes, mukhang pinigilan din na tumulo ang luha. No doubt, even the shrewd, almost-heartless showbiz correspondent felt the vindication she was feeling.
"So, Madi, what are your immediate plans for the future? I heard that you got two offers from two international independent filmmakers."
Magalang na tumawa si Madi. "Yes, Tita Babes. Pero wala pa namang final."
"Why?"
"It still depends on what will happen during my stay here."
Mukhang nakakita si Tita Babes ng butas dahil mabilis nitong sinunggaban iyon.
"At dahil nariyan na rin tayo, Madi, huling katanungan: Totoo ba na kaya ka bumalik dito sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon na pag-po-promote ng pelikula ay dahil sa businessman na si Philip Gallego? You two were rumored to be a couple back then. Well, frankly, hindi pa rin tumitigil ang balita tungkol sa inyo. Philip Gallego was believed to be the reason why you were denying the rumors between you and Mr. Filemon."
Gustong matawa ni Madi. Totoo ngang hindi pa rin nagbabago ang nakasanayan ng lahat na palaging may ikakabit na lalaki sa pangalan niya. Pero ang mas nakakatawa ay dahil may isa sanang blockbuster-material na balita na siguradong pagpipiyestahan ng media noon kung nakarating lang sana sa Buzz of the Stars. It was almost a shame, if Madi didn't love the two people involved in that supposed scandal.
"I couldn't help that, Tita Babes," was all Madi could say.
Syempre, hindi pa rin bibitiwan ng matandang host ang topic.
"Ayon sa isang source namin ay nag-check-in daw si Philip Gallego sa isang hotel sa Madrid kung saan ginanap din sa lobby ng naturang hotel ang presscon ng Full Disclosure no'ng mismong araw na iyon. I think that was half a year ago."
Madi just nodded, showing a hint of a smile.
"Madi, ano ba talagang estado ng relasyon niyo ni Philip Gallego?"
Lumapad ang ngiti ni Madi. May nakahanda na siyang sagot para doon.
"Pareho kaming masaya ngayon ni Phil, Tita Babes."
Nag-zoom-in ang camera sa ngiti ni Madi bago sumigaw ang direktor ng "Cut!"
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomansaMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...