Nakarating si Madi sa isang Thai restaurant na pag-aari ng kaibigan ni Phil. It was located in an exclusive subdivision in Quezon City. Sa labas ng restaurant ay nakita niya kaagad na kumakaway si Phil. Nang makapasok siya ay kaagad siyang sinalubong nito.
"Did you find a hard time locating this place?" tanong kaagad ni Phil.
Umiling si Madi at nakangiting sinipat ang loob ng restaurant. "This looks nice. Bakit hindi pa tayo kumain dito noon?"
Phil wrinkled his nose. "Bihira kasing mabakante 'tong lugar." And then he added in a teasing tone, "And you're famous lately. Baka hindi kita masolo kapag na-spot-an ka ng mga diners dito."
Natawa si Madi doon. "Sikat na pag-tsismisan, sabihin mo." Umupo siya sa silya na hinila ni Phil para sa kanya. "Mabuti at bakante ngayon."
Ikiniling ni Phil ang ulo. "Bill, the owner of this place, owes me a huge favor. Now, we're even."
"You're such a brat," kunwa ay napapantastikuhang sabi niya.
"Anything for you, Madi."
Just like the old times.
Para ngang katulad ito ng mga panahon sa buhay nilang dalawang magkaibigan. Palagi siyang pino-protektahan ni Phil kahit kadalasan ay hindi naman niya iyon kailangan. Katulad noong na-aksidente si Becca. Wala siyang kahit sino mang makakapitan noong mga panahong iyon. In fact, nag-collapse pa siya noon sa bahay nila nang mabalitaan niyang na-hit-and-run si Becca at malala ang kalagayan. Nang magising siya kinabukasan ay nasa ospital na siya at namulatan niya ang mukha ni Phil na alalang-alala sa kanya.
Phil had already arranged everything - Becca's hospital admission, hospital bills, etc. - when she was busy crying and feeling sorry for herself. Hindi biro ang bayad sa intensive care unit kung saan naka-confine si Becca. Pero dahil sa impluwensya ng mga Gallego ay lumiit nang lumiit ang bayarin ni Madi. Si Phil din ang kasa-kasama niyang nagbantay kay Becca kahit na kaka-promote pa lang nito bilang presidente ng Inland Steels, at natambakan ito ng napakaraming trabaho. Kagaya noong una niya itong makilala, wala nang ginawa si Phil kundi iligtas siya at tulungang mawala kahit kaunti ang mga nagpapasakit sa buhay niya.
And for that, she would always be grateful to Phil. Palagi niya itong ipagtatabi ng malaking espasyo sa puso niya.
"Thank you, Phil," she said sincerely. For today and for everything else.
Isang magandang ngiti ang isinagot ni Phil sa kanya. Kinuha nito ang atensyon ng waiter para ibigay ang order nila. Ilang minuto pa ay nilalantakan na nilang dalawa ang mga pagkain. Nasa kalagitnaan na si Madi nang pagkain sa chili prawn niya nang magsalita ulit si Phil.
"So," anito habang sumisimsim ng lemon juice. "Care to explain what happened last night?"
Sinasabi na nga ba niya. Pero nagkunwa pa rin siyang hindi naiintindihan kung ano'ng gustong tukuyin ni Phil. "Madaming nangyari kagabi Phil. Alin doon?" Yung kagagahan ko, o yung kagaguhan ng kapatid mo?
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Phil, wari ay tinatantiya siya. "Hindi mo sinabi sa'kin na kayo na ni Pol."
"Do we really have to talk about it over dinner?"
"I rather think that this is the best time to talk about it."
Sinadya ni Madi na hindi muna sumagot at patuloy lang na nginuya ang pagkain. Pero si Phil ay tuluyan na ngang tumigil sa pagkain.
"What do you want me to say?" patanong na sagot ni Madi. Hindi niya alam kung bakit hindi na lang niya sabihin kay Phil ang buong istorya.
And what? Mag-hysterical na naman ang Ilea Valencia na 'yon?
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomansaMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...