Saktong pupungas-pungas pa si Madi nang mag-ring ang cellphone niya nang umagang iyon. Kaagad niyang inabot ang cellphone kasabay nang paghihikab.
"Madam!" tili kaagad ni Janice sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag. "Madam, nasaan ka na ba?"
Napatingin siya sa relo. Alas-diyes pa lang para ma-hyper na kaagad ang PA.
"Nasa bahay. Napasarap ang tulog ko dahil late na natapos kahapon ang shoot. Why?"
"Hinahanap ka ni Tito Do Ha. Urgent. Kanina ka pa niya tinatawagan pero hindi ka ma-kontak. Mukhang may eskandalo na naman, Madam."
Doon na siya tuluyang napabangon. Not again!
"Tungkol na naman saan 'yan? Bakit ba hindi na nawala-wala ang balita sa'kin? Sigurado bang ako 'yan?"
"Hindi ako sigurado, Madam. Nag-uusap pa si Tito Do Ha at Nanay Lily. Pero mukhang seryosong-seryoso sila. Alam mo na ang ibig sabihin no'n."
Ang ibig sabihin no'n ay patay na naman siya.
"Ano'ng oras pa 'yang balitang 'yan?"
"Twenty minutes ago. Kanina ka pa tinatawagan ni Tito Do Ha. Nainis na ata kaya sa'kin na ipinasa."
Shoot! "Got it. I'll be on my way in five minutes."
Dali-dali siyang naligo. Mabuti na lang at naiipit niya kagabi ang buhok kaya hindi masyadong panget ang bagsak niyon ngayong umaga. Paglabas niya ng kwarto ay inaasahan niyang naroon si Pol. Pero nang wala siyang maramdamang presensya ay naisip niyang baka nakaalis na ito.
Kasalukuyan siyang nag-ga-gargle ng mouthwash nang mapatitig siya sa lamesa niya. May maliit na note card doon katabi ng food cover. Inabot niya iyon at binasa.
'To the most beautiful woman in my life'
Nang itaas ni Madi ang food cover ay muntik pa siyang mahindik sa nakahaing pagkain. It was a modified Mutteer Paneer - one of the best tasting veggie dish she had ever tasted - pero may mga korteng puso sa curry. Pati na rin ang veggie side dish niya na may carrots at potatoes ay nakakorteng puso na rin.
"What the heck, Pitoy?!"
High school pa siya nang huli siyang gumawa ng pagkain na naka-korteng puso. At hindi pa umabot sa pagbibigyan niya dapat ang korteng-pusong biskwit na iyon.
Sa katabi ng plato ay may isang vase na puno ng mga bulaklak na gawa sa tissue papers. The flowers were intricately folded like the world's best origami art. Sa gitna ng pagkahindik niya ay napangiti siya. Pol may be childish, but he was most definitely an artist.
"Sayang. Wala akong time kainin kayo ngayon," ani Madi sa mga nakahandang pagkain.
Inilagay niya ang mga pagkain sa refrigerator. Pagkatapos ay kumuha siya ng hair clips at maayos na inilagay ang bulaklak sa gilid ng buhok niya. Nataranta lang siya nang tumunog na naman ang cellphone niya.
"Tsk. Ito na nga, papunta na!"
******
Pero sa lobby ng building ng RS Talents ay tinatantya ni Madi ang sitwasyon. Hindi pa man ay iniisip na niya ang sasabihin sa press kung sakaling sabihin na naman ni Tito Do Ha na publicity na naman iyon. Frankly, nagsasawa na talaga siya.
Siguro nga ay aligaga siya dahil nang mag-vibrate ang cellphone niya sa kamay niya ay napatalon pa siya. Ngunit sa pagkakatong iyon ay kay Phil galing ang text message.
Phil? May problema kaya ito? Sandaling nakalimutan ni Madi ang sariling alalahanin at binasa ang text message.
Sorry about last night. I was acting like a jerk :(
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...