Chapter 27

1.1K 30 0
                                    

"Galing ni Apo Dalisay, 'no? Wala pa ring kupas," ani Pol.

Kilala ba ng lahat ng taong nakasalamuha mo sa ibang bansa si Risha?

"Nakilala ko siya sa may Rio de Janeiro noong nagtitipid ako at nagpalipas ako ng magdamag sa tulay. Nagulat ako na may matandang tsekwang nagma-magic para may pambili ng makakain," natatawa pang pagku-kwento ni Pol.

Bumili din ba si Risha ng trinkets? Kumain rin ba siya ng fusion ng Italian gelato at Korean ice-cream?

"I was so amazed at his performance that I gave him the money I was saving for a proper lodging. It was so worth it."

Ilang kanta ang ginawa mo para kay Risha

"Okay ka lang ba, Adeng? Nakaka-drain talaga sa kwartong iyon 'pag sunod-sunod na magic tricks ang pinanood mo."

Napakurap-kurap pa si Madi nang maramdaman ang mga kamay ni Pol na hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Hindi niya napansin na tumigil na ito sa paglalakad at hinarangan ang dinadaanan niya. Sa paligid nila ay patuloy na umaandar ang mundo, walang kamalay-malay sa giyerang nagaganap sa loob ng utak at puso niya.

"You don't look alright," nakakunot ang noong sabi ni Pol. Sinalat nito ang noo niya. "Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang umuwi?"

"No!"

Sa sobrang gulat ni Madi sa kuryenteng tila dumaloy mula sa dulo ng mga daliri ni Pol patungo sa noo niya pababa sa mga braso niya ay malakas niyang tinabig ang kamay ni Pol. Napangiwi siya nang sa ginawa niya ay napahakbang si Pol patalikod.

I'm an idiot!

"Ang ibig kong sabihin, okay lang ako," ani Madi nang makabawi. "Maglakad-lakad pa tayo. Tagal ko na ring hindi ginagawa ito."

Sandaling tinantya siya ni Pol. She tried to smile to show him that she meant it. Makalipas ang ilang segundo ay nagpahinuhod si Pol.

"Pero 'pag may naramdaman kang hindi maganda, sabihin mo kaagad sa'kin. Para makabili tayo kaagad ng gamot."

Gusto sanang itanong ni Madi kung ano'ng gamot ang magpapagaling sa nararamdaman niya at bibili siya ng tatlong banig. Katulad noong gabing tinanong siya ni Pol kung bakit ba ayaw niya dito, nararamdaman ni Madi ang bigat sa dibdib at tiyan niya. Mas malala pa iyon sa gastricitis.

Napakislot pa siya nang maramdaman ang kamay ni Pol na kinuha ang kamay niya. Kaswal na ipinagsalikop nito ang mga kamay sa kanya. Pero mabilis ulit na binawi ni Madi ang kamay na tila napaso.

"I-I'm alright," mabilis niyang sabi nang salubungin ang nagtatanong na mata ni Pol. She placed her hand close to her chest. Nararamdaman niya ang mabilis na pagpintig ng puso niya. "Hindi mo na ako kailangang alalayan."

Mukhang may sasabihin pa si Pol, pero nagkibit-balikat lang ito. Pagkatapos ay nauna itong maglakad sa kanya ng ilang pulgada. His hands dangled awkwardly on his sides, until he decided to put it inside the pockets of his jeans.

Makalipas ang ilang segundo ay naglakad na rin si Madi. Napako ang mga mata niya sa braso ni Pol. Hindi iyon ma-muscle, pero alam niya kung gaano iyon kalakas. Nangangati siyang ikawit ang kamay niya sa braso ni Pol, pero alam din niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Nang alisin niya ang mga mata sa braso ni Pol ay dumako naman iyon sa likod nito.

Had he always had such a large back? Just how much did Pol grow when she wasn't looking?

And the fact that she was feeling all these things... this heavy feeling on her chest... this sudden desire to be near Pol - to feel his body beside her, for her to walk under his shadow as they amble along old metro streets - was driving her crazy.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon