Madaling araw na nang makabalik si Pol sa unit nila ni Madi. Masakit na masakit ang leeg at batok niya dahil nangawit sa pag-ta-trabaho. Idagdag pa na lalong napatagal ang pag-ta-trabaho niya dahil paulit-ulit siyang na-di-distract. Needless to say, the encounter with Risha unsettled his peace.
"I made a mistake years ago, Pol," ani Risha habang pahigpit nang pahigpit ang hawak sa kamay niya. "Pinagsisihan ko 'yon ng maraming taon. I thought that leaving you was the best choice I could have for you and for myself. Pero maraming beses na hindi ako nakakatulog sa gabi dahil hinahanap kita. And countless times, I tried contacting you. Lalo na noong mga unang buwan ko sa Spain. Naisip ko na baka sakaling gumalaw nang maayos ang buhay ko kapag nakausap ulit kita. Pero walang may alam kung nasaan ka."
"Kung kapatawaran lang ang kailangan mo ay ibibigay ko sa'yo 'yon, Risha," sagot ni Pol. Surprisingly, he meant every word that he was saying. "Kalimutan na natin ang nangyari noon. Matagal na matagal na 'yon. As you can see, everything turned out for the best and—"
"It's not only forgiveness that I want from you. Ikaw ang gusto ko, Pol. Lahat lahat sa'yo. Gusto kong bumalik tayo sa dati, hmm?"
Sa pagka-alala ni Pol sa naging usapan nila ni Risha ay bigla ulit sumakit ang ulo niya. He shouldn't be surprised at all, given that Risha had always done what she wanted to do on a whim. At aaminin niyang matagal na panahon na ang lumipas ay hinintay niyang sabihin ni Risha ang mga sinabi nito sa kanya kanina.
But things were different now to how they were four years ago. A whole lot different.
Nang masusian ni Pol ang pinto ng unit at makapasok ay nagulat pa siya sa ingay na naririnig niya. Pinilit niyang hanapin kung saan nanggagaling ang tila bulung-bulungan ng maraming mga tao. Saka lang niya napansin ang ilaw sa nakabukas na telebisyon. Kunot ang noo ay naglakad siya sa living room para sana patayin ang TV. Para lang mapatigil nang mapagmasdan kung sino ang pigurang natutulog sa couch. And there she was, the reason why he couldn't get excited at the prospect of getting back together with Risha.
Magdalena Purisima - then and always.
Napuno ang puso ni Pol ng maraming halo-halong mga emosyon nang makita ang natutulog na pigura ni Madi. Sa puntong hindi na niya kayang tukuyin ang isang emosyon na hindi kikilalanin pa ang iba.
Sadness, joy, regret, helplessness, pain, protectiveness, gratefulness, love...
All of these were drowning him until he could no longer remember how to breathe without breathing her in.
Dahan-dahan siyang lumapit at tumalungko para pagmasdan si Madi. Magulo ang buhok nitong laging nakaayos. Bumakat na rin ang unan at sofa sa mukha nito at sa mga braso. Needless to say, she was as unkempt as no one had ever seen before. Kung may ibang makakakita ay iisipin nitong patay na si Madi dahil hindi halos makikita ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Hinawakan ni Pol nang mahigpit ang kamay ni Madi pero hindi pa rin ito nagising.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago," amused na bulong niya. "Tulog-mantika ka pa rin hanggang ngayon."
Bumalik sa alaala ni Pol ang huling beses na nakita niyang ganoon si Madi at halos tumigil ang puso niya. Kailan nga ba 'yon? Lampas apat na taon na nga ba? Ang tagal-tagal na rin pala pero parang sariwa pa sa kanya ang naramdaman niya noong nadatnan niya si Madi na walang malay sa apartment nito.
Gulong-gulo na ang kaisipan niya noong mga panahong iyon. Tinanggal na ni Pedro ang suporta nito sa kanya dahil nakarating sa ama niya ang pagbubulakbol niya. Wala siyang ibang mapuntahan dahil hindi pa niya alam noon ang gustong gawin. Losing Risha was the final straw. Pakiramdam ni Pol noon ay isa siyang patak ng tubig sa napakalaking dagat, at unti-unti niyang nararamdaman ang pagkalunod. Sigurado siya na wala nang makakasagip pa sa kanya sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...