Chapter 5

1.4K 40 0
                                    

"I didn't know that you were dating Pol, Madi," untag ulit ni Phil kay Madi.

Hindi ko rin alam!

Pero siyempre, hindi makapagsalita si Madi. Ang sakit na ng dila niya sa matinding pagkakagat niya doon para lang pigilan ang sariling humiyaw. The guy that she had shared a great kiss with was practically her brother.

Patawarin siya ng Maykapal!

"Kailan pa 'to, Pol?" ani Phil na kay Pol na nakatingin. Kasing-lalim siguro ng kunot sa noo ni Madi ang kunot sa noo ni Phil. "Wala kang sinabi sa'kin."

Iwinasiwas ni Pol ang kamay, na para bang hindi big deal ang nangyari at naabutan ni Phil.

"Just recently, Kuya," he said smoothly, cheekily. "Sasabihin sana namin ni Adeng sa'yo ngayon. Kaya lang ay busy ka. At hindi na nakapaghintay si Adeng." He followed it up with a chuckle. "Na-miss siguro ako nito nang sobra."

Hindi pa nakakahuma si Madi sa mga pangyayari ay hinaklit ulit siya ni Pol at inakbayan. Pagkatapos ay mabilis siya nitong ginawaran ng halik sa noo. Reflexively ay siniko niya ang tagiliran ni Pol at nakapagpauklo dito.

"Don't touch me," she hissed under her breath.

Obviously, simula pa lang noong pumasok pa lang siya ng Mela's ay kilala na siya ni Pol. Ibig sabihin ay alam din nito ang balak niya nang halikan niya ito. At hindi man lang ito nagpakilala sa kanya! Hah. He must be making a fool out of her.

At bakit ba naman kasi hindi niya nakilala si Pol kaagad?

Eh hindi naman ganyan hitsura niyan ng umalis 'yan seven years ago, depensa ng utak niya.

The little adolescent boy who left the country years ago was thin and a little bit on the short side. Mahaba din ang buhok noon ni Pol at laging naka-takip ng emo-bangs ang kalahati ng mukha. May goat beard pa nga ito noon. Mukhang ligawing artist din ang mga litrato ni Pol apat na taon na ang nakalipas.

And then after that, Pol had stopped appearing in social media sites altogether. Nabanggit minsan ni Phil kay Madi na literal na namundok daw si Pol. Something about rediscovering the artist in him. Hanggang sa wala na nga siyang naging balita tungkol sa bunsong kapatid ni Phil dahil sa demands ng trabaho niya.

Who knew that the lanky and awkward teenager would turn out to be this confident and gorgeous right under her nose?

Ngumiwi man si Pol ay mabilis naman itong nakarecover sa pag-ngiti kay Phil. "Ganito talaga magmahal ang isang 'to. Cariño brutal."

The bewildered look on Phil's face must have mirrored her own. Sa puntong iyon ay tumingin naman si Phil sa kanya. Matagal na itong kilala ni Madi para hindi malaman na nanghihingi ito ng paliwanag sa kanya.

Magsasalita sana siya. Pero sa puntong iyon ay lumapit na si Ilea. Agad nitong ikinawit ang braso sa braso ni Phil.

"Nandito na pala ang kapatid mo, hon," ani Ilea. Matamis at malambing na ulit ang boses nito. Palihim na inirolyo ni Madi ang mata. "You haven't introduced us yet."

Noon pa lang tila nakabawi sa pagkabigla si Phil. Bahagya nitong tinapik ang braso ni Ilea.

"Ah, yes, sweetie. This is my younger brother, Pol."

"The runaway in the family," nakangiting sabi ni Pol. Pagkatapos ay humalik sa pisngi ni Ilea. "My brother has great taste. Congratulations."

"Aww..." Malapad ang ngiti ni Ilea nang tumingala kay Phil. "Your brother is quite the charmer."

Hindi alam ni Madi kung saan siya mas naiinis - sa pagpapa-cute ni Ilea kay Pol o sa papuri ni Pol dito. Wala dapat pinupuri si Pol na ibang babae para sa kuya nito kundi siya lang!

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon