Chapter 34

1K 28 2
                                    

Nakahilata ang mga braso ni Pol sa mesa sa studio nang maramdaman niya ang mainit na tasang dumikit sa balat niya. Patamad niyang inangat ang ulo. Si Lemuel ay nakatunghay sa kanya at mas lalo pang idinikit ang mainit na tasa sa pisngi niya.

"You look like crap," anito.

Pol could only sigh with Lemuel. Kinuha niya ang tasa ng kape na iniaalok nito at sumimsim. Ilang araw na siyang napapagod. Pero hindi iyon dahil sa trabaho.

"Your life sucks, huh," komento ulit nito.

"Yeah. I'm a total idiot."

Binuksan ni Lemuel ang TV bago tumabi sa kanya at itinaas ang mga paa sa lamesa. Umiiling itong tumingin sa kanya, hanggang sa mukhang hindi na nakatiis at bahagya siyang kinutusan.

"Aru, aru," may punto nang sabi ni Lemuel. "Ano namang masamang ginawa mo, aber? Sinabi mo lang ang nararamdaman mo. Huwag mo ngang masyadong pagsisihin 'yon."

Nang maalala ni Pol ang mukha ni Madi matapos iyong makasaysayang pag-de-date nilang dalawa ay gusto na naman niyang i-umpog ang ulo sa lamesa. Hindi naman niya talaga pinlano na sabihin lahat ng mga iyon kay Madi. Nevertheless, he knew he meant every word of it, and that made him feel bad about everything.

Ipinangako niya kay Madi noon na lagi na ay iintindihin niya ito. Higit sa lahat ay siya ang dapat na nakakaalam ng mga frustrations at insecurities ni Madi. He promised not to demand anything. Pero ano'ng ginawa niya? He let his selfishness get the best of himself.

"There's no such thing as an unselfish love, Pol," patamad na sabi ni Lemuel na wari ay nabasa ang isip niya.

Nang dumating kasi siya doon sa studio ilang araw na ang nakalipas dala-dala ang gitara niya at ang isang maliit na bagahe ng damit ay alam na nito na may nangyaring hindi maganda.

"Stop deluding yourself. You're not that great."

"Thanks for the boost of confidence."

"I mean, it's perfectly normal that you will lose your calm one of these days. Of course, gusto mong maging masaya si Madi kahit nakanino pa siya. Pero gusto mo rin siyang maging masaya kasama mo. You see the problem here, my friend? Hindi mo kayang gawin lahat ng bagay para sa kanya. Hindi ikaw si Superman."

Humugot ulit si Pol nang malalim na paghinga. "Yeah." I still have a long way to go.

Pero hanggang kailan ba niya kayang maghintay kay Madi bago nito mapagtanto na nararapat sila para sa isa't-isa?

"Uh-oh, Pol." Siniko siya ni Lemuel nang akmang sisimsim ulit siya sa tasa. "This is not good news."

Saka pa lang naintindihan ni Pol ang sinabi ni Lemuel nang makita ang balita sa TV screen. Muntik pang sumirit palabas sa ilong niya lahat ng kapeng nainom niya.

"Huy, ikaw ba 'yan?" ani Lemuel. Inusog nito palapit sa unahan ang bangko at walang pakundangan na tumitig sa screen. "Goddamn! Man, that looks so hot."

Napanganga na lang si Pol nang makita sa screen ang litratong alam niyang itinago ni Madi sa bag nito. At nang tuluyan ngang mag-sink-in sa kanya na nababalita na naman si Madi sa TV na may kahalikang lalaki ay agad niyang hinanap ang cellphone niya. Gabundok na mga papel pa ang hinukay niya sa taas ng lamesa bago nakita ang cellphone niya. He looked with horror when he saw a couple of missed calls from Madi. Sinubukan niyang ibalik ang tawag, pero si Madi naman ang hindi sumasagot sa pagkakataong ito.

Tuluyan na ngang inumpog ni Pol ang ulo sa lamesa.

"I'm really an idiot I deserve to be skinned alive." Kinuha niya ang bag sa lamesa at dali-daling nanakbo. "Lemuel, lalabas lang ako sandali."

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon