Halos kalalabas pa lang ni Pol sa NAIA nang mag-ring ang cellphone niya. Bago ang roaming number na iyon at kapatid pa lang niya ang may alam. For a second, he almost thought that the number on his screen was the call he had been looking forward to the whole time he was on the plane.
"Nah. Mangarap, Antipolo," napapailing pero nakangiti niyang sabi sa sarili. Sinagot niya ang tawag habang pumapara ng taxi. "Hello?"
"Welcome home, my prodigal friend!"
Natawa si Pol sa boses ng kaibigang si Micky. "How did you get this number?"
"The likes of you staying here for a while? Malamang, nagkakagulo na ang ating mga amigos."
"As if I have many 'amigos.'"
"Eh 'di amigas." Tumawa pa si Micky sa kabilang linya, aliw na aliw ata sa sarili. Ito ang numero unong nagpapakilala sa kanya ng mga babae simula pa noong mga high school pa lang sila. "Seriously, though, there's an event later at Lodge. Kaya kinuha ko ang numero mo sa kapatid mo. There's a filmmaker I would like you to meet. Narinig niya ang score na ginawa mo dun sa Peasants. He was really impressed."
Ang Peasants ay isang Irish indie film na siyang latest na project niya.
"Binibigyan mo na ako kaagad ng trabaho? Pakainin mo muna ako," pagbibiro ni Pol sa kaibigan.
"Pasalamat ka pa at concerned ako sa'yo. Though hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka na lang pumirmi sa kumpanya niyo katulad ni Phil."
Kinamot ni Pol ang batok habang ngumingiwi. "I'm still too young to be boring and predictable. Isa pa, alam mo namang si Phil ang henyo sa aming dalawa. Magkakagulo lang do'n kapag sumali pa ako."
"Spoken like a true struggling artist. Sorry naman sa amin na kailangang kumayod sa apat na sulok ng maliit na opisina."
"C'mon, Micky. I know you enjoy the feeling of superiority," nakakalokong gagad ni Pol.
"True that," walang kiyemeng sagot ng kaibigan na ikinatawa ni Pol.
Si Micky kasi iyong tipo ng taong hindi komportable sa pakiramdam na nauungusan. He was the heir to a conglomerate. Si Pol naman ay ayaw na ayaw ang pakiramdam na pinupuna ang trabaho.
Sa trabaho niya bilang film scorer at record producer, prerogative na lang niya kung ano at kailan niya kukunin ang isang project. For practicality reasons, of course, kapag may dumadating na oportunidad sa kanya ay sinusunggaban niya kaagad. Kailangan din niyang kumain at magbayad ng mga bills. Most of the time, though, he was travelling to different places, discovering new wonders for inspiration, dreaming how he could make the place better with the songs he compiled. At kailangan ng pera para sa luhong iyon.
Hindi madali ang landas na tinahak ni Pol. Lalo na siya na kinailangang may patunayan sa ama na hindi pabor sa pinili niyang landas. At mahirap mang aminin pero kapag walang impluwensya ng mga Gallego ay mas doble ang hirap dahil buong buhay niya ay nasanay siyang nakahain na sa harap niya lahat ng mga kailangan niya. He didn't even had proper training and education. Noong junior year niya kasi sa UC Berkeley ay napa-barkada siya. Lingid sa ama ay imbes na sa eskwelahan ay sa mga gigs na siya dumidiretso. Nakasuhan din ang mga bandmates niya ng possession of illegal drugs. Guilty siya by association kahit na hindi siya gumagamit niyon.
It took his father, Pedro Gallego, a whole year before he found out about his youngest son's misdemeanors. Pagkatapos niyon ay wala nang urungan pa. Naisip niyang nagsimula na siyang tahakin ang gusto niyang landas, mabuti pang ituloy-tuloy na niya.
Hindi nga lang madaling umahon mula sa ilalim. Ang dami niyang kinailangang daanang sakit at sakripisyo para pagbayaran ang tingin ng lahat na pagkukulang niya.
"Ano nga, 'tol?" untag ni Micky kay Pol.
Dahil sa boses ni Micky ay nabalik siya sa kasalukuyan. Pol shook his head and willed the unwanted memory to go away once more.
"Hihintayin ka namin sa Lodge. Huwag kang magpapa-late."
"I'm grateful, pare, really. Pero naunahan ka ni Kuya. Kagabi pa ako kinukulit na dumiretso sa..." Sinikap niyang alalahanin ang lugar kung saan dapat siya makikipagkita sa kapatid. "Some restaurant in Alabang. Kabilin-bilinan niya na doon ako dumiretso pagdating ko. Well, you know how pushy my brother can be."
"Unahin mo muna ako!"
Napangiti siya. "Also, there's someone I'm dying to see again." So the work can wait.
"Chicks?"
Lumapad ang ngisi ni Pol. "Sobrang chicks, pare."
Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya. "Kasasabi mo lang kanina na kadadating mo lang... Magpahinga ka naman!"
"'Wag na. Baka makawala pa. Ikamamatay ko na."
Humagalpak ng tawa si Micky doon. "That bad, huh? Good luck naman."
"Luck?" Naalala niya ang huling beses na nag-usap sila ng babae. Hindi niya tuloy mapigilang matawa. "Higit pa diyan ang kailangan ko pagdating sa babaeng iyon."
"Eh ano?"
"Divine intervention."
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...