Natigil ang akmang pagkatok ni Pol sa pinto ng Membrants - ang recording studio kung saan niya kasalukuyang ginagawa ang latest project - nang makilala ang boses ng babae na kausap ni Micky.
It really is Risha, pagkompirma ni Pol sa sarili.
Habang papunta siya sa studio ay ilang beses siyang nanalangin na niloloko lang siya ni Micky. Hindi niya inaasahan na nasa Pilipinas na nga si Risha ay nasa recording studio pa na pinag-ta-trabahuhan niya. Pero alam din ni Pol na dadating ang araw na kailangan niyang harapin ang dating kasintahan. It was foolish to try to delay the inevitable.
Isa pa, naku-curious din si Pol. Matagal na matagal na nang huli niyang makita nang harapan si Risha. Ang huli ay lampas apat na taon na ang lumipas - noong gabing hindi siya patuluyin ni Risha sa apartment nito sa California nang palayasin siya ng landlady dahil hindi siya nakakabayad ng renta. Kakaputol lang ni Pedro ng allowance sa kanya noon at kakatanggal lang niya sa part-time job niya bilang delivery boy. Needless to say, he needed Risha during that precise moment. And she let him down.
Para lang malaman na may kasama si Risha na ibang lalaki noong gabing iyon. Bago pa siya makahingi ng paliwanag ay nagpakalayo-layo na si Risha. Nalaman na lang ni Pol ilang buwan pagkatapos niyang magsawang hanapin si Risha na nag-apply ito para sa Masters in Social Policy, Employment and Welfare sa Barcelona. Pagkatapos noon ay nawalan na nga si Pol ng balita dito dahil abala naman siya sa pagpulot ng mga piraso ng sarili niya.
Talk about a series of unfortunate events.
"Oh, there he is, Risha."
Nagulat pa si Pol nang biglang bumukas ang pinto at sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Micky. Tiningnan niya nang masama ang kaibigan.
You're such an asshole, pag-me-mental telepathy niya.
Alam na ni Micky ang tinging iyon dahil dagli itong nag-iwas ng mata sa kanya. Pagkatapos ay, "Maiwan ko muna kayong dalawa."
Nang sumara ulit ang pinto ay saka pa lang nilingon ni Pol si Risha. Nakatayo ito sa gitna ng silid na may maliit na ngiti sa mga labi. And he must admit, the past years that he hadn't seen her only added to the beauty of the woman. Objectively, Risha was one of the most beautiful women that he would ever set his eyes on. Iyong klase ng ganda na makapigil-hininga.
Funny how his heart couldn't see the beauty that his mind was fast to appreciate.
"Hello, Pol," ani Risha gamit ang magandang boses na tila palaging kumakanta.
Noon, kapag binabanggit ni Risha ang pangalan niya ay kusang lumalabas ang ngiti sa mga labi niya. Now, that voice was as hollow as her beauty. Still, right conducts dictated that he paid his proper greetings. Kaya lumapit siya dito at hinalikan ang pisngi nito.
"Hello, Risha. It's been a long time." Too long, in fact, that her scent was as unfamiliar as the memories they had shared together. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"I came here to see you, Pol."
Dahil sa tono ng boses nito ay humakbang patalikod si Pol. Pero maagap na hinawakan ni Risha ang braso niya. Pagkatapos ay inihilig nito ang ulo sa balikat niya katulad ng malimit nitong gawin noong magkasintahan pa sila. Dahil mabilis at hindi inaasahan ay hindi nagkaroon si Pol ng tsansa na mag-react.
"Nabalitaan ko kay Micky na nandito ka raw sa Pilipinas," anito sa mahinang tinig."Oh, Pol. I've been searching for you for so long. Nawawalan na ako ng pag-asa na makikita pa ulit kita." Naramdaman ni Pol na ipinaikot ni Risha ang kamay nito sa bewang niya. "You don't know how I missed you... how I missed this. Ang tagal-tagal ko nang ipinagdadasal ang sandaling ito."
Dahil sa bilis ng pangyayari ay tila na-freeze ang mga kamay ni Pol sa balikat ni Risha. Years ago, Risha's words would have made a big difference. Ngayon ay tila nagsalita ng Latin si Risha dahil wala siyang maintindihan. Pero gusto niyang sipain ang sarili dahil hindi naman niya malaman ang dapat sabihin. Ilang taon na pero nagagawa pa rin ni Risha na nakawan siya ng mga salita.
"R-risha..." Sa natitirang tamang kaisipan ay nagawa ni Pol na bahagyang itulak si Risha. "Sorry, but I'm not... this is not..."
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumingkayad si Risha. She put one determined finger on his lips and kissed the side of his mouth.
"I will make up for all of those times that I wasn't by your side, Pol," nakangiting sabi nito.
Now, when did he first hear that?
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...