"Umuwi ka na lang kaya. Kanina ka pa hindi mapakali."
Napalingon pa si Pol kay Lemuel, isang music coordinator at siyang co-owner ng Membrants. Kasama niya itong inaayos ang pre-recording ng mga kantang gagamitin sa Radon.
"What?"
Pinukpok ni Lemuel ng hawak na papel ang mga folder na hawak niya.
"Kanina ka pa bura nang bura ng mga nota tapos isinusulat mo ulit. Lalo tayong walang matatapos na trabaho kapag distracted ka."
Napabuntong-hininga nang malakas si Pol. "You're right and I'm sorry."
"You can take a break. Sa isang araw pa naman dadating 'yung banda na gagawa ng cover. Saka ilang araw ka nang walang tigil sa pagta-trabaho."
Nagmamadaling inayos ni Pol ang mga gamit sa lamesa. Kanina pa nga talaga siya distracted dahil sa tawag ni Madi. Kapag may kinalaman kasi sa trabaho ay emosyonal ito masyado. Hindi man maintindihan ni Pol ang kwento ay alam naman niyang masama ang loob ni Madi. And the fact that she had called him about it and didn't bottle the anger up meant that perhaps, he was starting to get to her.
Maybe...?
Sa isiping iyon ay para na rin siyang nakalunok ng fireworks sa sayang naramdaman. Tinapik-tapik niya ang sariling ulo.
"Well done, Antipolo. Well done."
Mula sa Membrandts ay dumiretso si Pol sa supermarket para mamili ng iluluto. Hindi naman pwedeng hindi niya pagbigyan ang softdrinks ni Madi dahil sadya atang pagdating sa babaeng iyon ay spoiler siya. Kaya lang ay kailangan niyang i-counter iyon ng iba pang pagkain. Bukod pa doon ay kailangan pa niyang kwentahin ang total calories ng lahat ng pagkain dahil hindi kakainin ni Madi ang mga iyon kapag lampas sa allowed calorie diet nito.
"Slim ka nga, malnourished ka naman," sermon ni Pol kay Madi nang makita niyang bukod sa isang saging sa breakfast ay hindi na ito tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa para kumain. "Paano kung magkasakit ka niyan at lalo kang hindi makapagtrabaho?"
Ang babaeng matigas ang ulo ay walang habas lang na kumindat sa kanya. "Alagaan mo na lang ako kapag nagkasakit ako."
It was the lamest and laziest reason he had ever heard in his life. Pero hindi naman niya masupla ang logic ni Madi. After all, he already knew that Madi wasn't perfect.
"You really got a handful here, Pol," napapailing na sabi niya sa sarili habang naglalagay ng mga fresh fruits sa basket.
Pauwi na siya nang mamataan ang isang flower boutique sa tabi ng supermarket. Naalala niyang hindi niya nabigyan ng tunay na bulaklak si Madi noong huli. Pumasok muna siya doon at namili ng mga bulaklak na ilalagay sa bouquet. Umaasa siyang kahit paano ay maibsan noon ang kalungkutan ni Madi.
Pero nang makarating siya sa unit ay nagtaka siya dahil tahimik ang kabahayan. Kumatok siya at tinawag ang pangalan ni Madi pero walang sumagot. Binuksan niya ang unit gamit ang sariling susi. Bukas pa ang lahat ng mga ilaw sa kabahayan.
"Adeng!"
Wala si Madi sa salas at sa kwarto nito. Wala din ito sa kusina. Sa sahig ng salas ay nakakalat pa ang house slippers nito. Nakakalat din sa mesa ang mga balat ng prutas na natatandaan niyang kinakain na ni Madi bago siya umalis. Katabi ng mga iyon ay nakakalat din ang mga notebooks niya ng music notes na marahil ay tinangkang basahin ni Madi out of boredom.
Kinuha ni Pol ang cellphone at tinawagan si Madi. Ring lang nang ring pero walang sumasagot. Sa ibang pagkakataon ay iisipin ni Pol na may nangyaring masama kay Madi dahil wala pang isang oras simula nang tumawag ito sa kanya na masama pa ang loob.
But somehow, seeing the mess in the house and her sudden departure, not to mention that she thought she was safe enough not to answer any calls, only meant one thing.
"Phil."
It was always Phil.
Humugot si Pol nang malalim na hininga para palisin ang dagling paninikip ng dibdib. Pagkatapos ay isa-isa niyang dinampot lahat ng mga kalat ni Madi. Kasalukuyan niyang hinuhugasan ang mga napamiling prutas nang mag-ring ng doorbell. In two seconds flat, he was already opening up the door.
"Back so soon—"
Nabitin sa ere ang sasabihin ni Pol nang mapagsino ang babaeng malapad ang pagkakangiti.
"Hello, Pol."
"Risha..." Gasino na niyang naitago ang pagkalito. "Ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
Tumawa si Risha. "Tiningnan ko sa profile mo noong huli akong nagpunta sa Membrants. Don't worry, walang kinalaman si Micky. As if you don't know how resourceful I can be when I really want something."
Pinalampas ni Pol ang huling sinabi ni Risha. "Hindi ba at nag-usap na tayo—"
"Hep, hanggang diyan ka na lang," Risha said playfully. Sumilip-silip ito sa likuran niya. "Magluluto ka ba? Hindi mo ba ako papakainin? Kanina pa ako nagugutom."
"Risha..."
"Oh, come on, Pol. Don't be so cold. Hindi bagay sa'yo."
Bago pa napigilan ni Pol ay nagpatiuna na si Risha papasok sa unit. Nagningning ang mata nito nang mapagmasdan ang loob ng unit.
"This place is super nice. Mas okay pa 'to kaysa sa apartment ko noon sa California." Kapagkuwan ay hinawakan ni Risha ang mga papercuts na hanggang ngayon ay nakasabit pa sa dingding at ayaw tanggalin ni Madi. "And I see you still love doing these. Lagi akong nanghihingi sa'yo nito dati pero nakakalimutan mo akong gawan. Pwede bang hingin na lang 'to sayo?"
"Para 'yan kay Adeng, Risha."
Nakita ni Pol ang tila pagragasa ng napakaraming tanong sa mata nito. "Nagkikita pa kayo ni Ate Adeng?"
"Dito siya nakatira."
"Oh. And you're staying with her."
Pagkatapos noon ay hindi na nagkomento pa si Risha. Pero patuloy ito sa pag-i-ikot-ikot sa loob ng unit. Nang mapagtanto ni Pol na hindi niya mapapaalis basta-basta si Risha ay dumiretso na lang siya sa kusina.
"Sabi mo ay nagugutom ka na. Ano'ng gusto mong kainin?"
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...