Breaking News: Absent sa red carpet premiere ang lead star ng pelikulang Remember This Time na si Ilea Valencia. Ngayon ay nagkakagulo ang mga fans na dismayado dahil hindi dumating ang pinaka-aabangang superstar. Ayon sa ating mga sources ay wala pang eksaktong dahilan na inilalabas ang management. Ang Remember This Time ang official Valentine movie na inihahandog ng ABE Star Creatives...
"Lakas talaga ng loob ni Ilea, 'no Madam," puna ni Janice sa special scoop na lumabas pagkatapos ng segment sa Buzz of the Stars. Kasalukuyan silang nasa loob ng van at doon nanonood ng balita habang si Janice ay abala sa pag-aayos ng buhok niya. "Matindi eh. Sa Red Carpet Premiere pa. Tinalo ang segment mo, Madam."
Hindi na rin mapigilan ni Madi ang ma-amuse sa balita. "Expect Ilea to always steal the limelight." Yeah, some things just don't change. But she didn't mind it this time. "Plus, we all know where Ilea has gone to."
Halata din sa ngiti ni Janice na kinikilig ito.
"Pero congrats, Madam, ha. Hindi na tsismis ang numero-unong topic sa'yo sa Buzz of the Stars."
Ang taping sa Buzz of the Stars ay ginawa rin noong gabi paglapag niya ng Pilipinas galing Sweden para sa isang film seminar. Pero kagaya nga ng sinabi niya sa interview niya, naka-depende pa ang lahat sa mangyayari habang nasa Pilipinas siya. If there was one thing Madi had learned the past several years, it was to never underestimate the possibilities God was always ready to give to anyone. Kahit pa sa isang kagaya niya.
"Saka level-up na talaga ang alindog mo. To think na second day mo pa lang ito dito sa Pilipinas," dugtong pa ni Janice.
"It's because of you," Madi said warmly. "Simula no'ng ikaw ang naging manager ko, umayos na ang takbo ng career ko."
Namula ang mukha ni Janice habang humahagikhik. "Sobra ka, Madam. Wala naman akong kinalaman diyan. Sa'yo lahat ang credit. Pero salamat Madam, ha. Kahit nakakainis ang pagkasungit ni Jonson minsan, mas gusto ko na do'n kaysa kay Tito Do Ha."
Noon kasing umalis si Madi sa management ni Tito Do Ha ay umalis na rin si Janice. Nang malaman ito ni Madi isang taon matapos siyang umalis sa Pilipinas ay sinabi niya kay Jonson na ipasok si Janice sa Lima, ang production company kung saan affiliated si Jonson. Si Janice din ang umasikaso sa mga schedules niya ilang linggo bago siya umuwi ng Pilipinas.
"Okay na ba 'yang ayos mo na 'yan, madam?"
Sinipat ni Madi ang sarili sa hawak ni Janice na salamin. Inalis ni Janice lahat ng make-up niya maliban na lang sa kakarampot na face powder. That was one of the perks of not being a mainstream artist. Pwede siyang humarap sa publiko na hindi ino-okray ang hitsura kahit bagong gising lang.
"Okay na 'to, Janice. Saan pala ang lakad mo ngayon?"
"Sa'kin pina-pa-handle ni Jonson 'yung audition para doon sa isang five-part mini-series na balak isalang ng Lima sa cable."
"Are there any good candidates?"
Ngumisi si Janice. "The best ka pa rin syempre, Madam."
"Wala pa akong sweldo, Janice." Pero alam niyang hindi nakaligtas kay Janice ang pasasalamat sa tinig niya. "Anyway, I have to go now."
Sa pagbukas ni Madi ng van ay saktong nakatapat siya sa signage ng Mela's. Hindi niya napaghandaan ang biglang pagkatigagal niya nang makita ang pangalan. Noong huling nagpunta siya sa Mela's ay nagsimula ring mabago ang mundo niya.
"May problema, Madam?"
"Wala naman, Janice." It's just that everything still feels like a dream.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...