Sa may lounge area kung saan may iilan lang na mga batang naglalaro at iilang pasyente na mukhang nasa rehabilitation phase nakahanap ng pwesto si Madi at si Pol. Hindi alam ni Madi kung dahil matagal niyang hindi nakita si Pol kaya nag-o-overtime ang mga senses niya. Ilang pulgada ang layo ni Pol sa kanya pero naririnig niya ang marahan nitong paghinga at nararamdaman niya ang init ng mga bisig nito.
And for the life of her, she just wanted to throw her arms around him, hoping to thank him with all the fibers of her being. For today and for the bygone years in their lives.
Tumikhim si Madi, sinisikap na pakalmahin ang pagbugso ng napakaraming emosyon sa loob niya. Ang dami niyang gustong sabihin kay Pol at hindi niya alam kung saan mag-u-umpisa. Nag-umpisa siya sa pinakamadali. Iyong isa sa tingin niya ay mga naging accomplishments na ipinagmamalaki niya.
"Umalis na ako kay Tito Do Ha," she stated with a twang of happiness.
Doon pa lang tumingin si Pol sa kanya. Agad na nagningning ang mga mata nito. Light like the stars Madi was sure she wouldn't be able to find elsewhere no matter how much she tried and no matter how far she went.
"Talaga?!" Pumiyok pa ang boses ni Pol. "Kailan pa?"
"Kanina lang. Sinira ko muna ang buhay niya bago ko siya iniwan."
Pahapyaw na ikinwento ni Madi dito ang ginawa niya kay Direk Joey at kay Tito Do Ha. Si Pol naman ay tawa nang tawa.
Sa isang iglap ay nahiling ni Madi na maibalik sila ng oras sa panahon ng kabataan nila kung saan mas simple at mas masaya ang lahat. At ang gusto na lang niya ay patigilin ang oras at pakinggan ang tawang iyon hanggang sa dumating na ang katapusan ng mundo.
"What gives?"
"Wala lang. I just realized that for once, I want to be treated like a decent human being and not just a commodity."
Pol's smile was amazing in itself. "Good girl. Kamusta naman ang pakiramdam mo?"
"It feels good, actually. Parang ngayon ko lang ulit naramdaman na hawak ko ang manibela ng buhay ko." Nalukot ang ilong niya. "Although mukhang mangangapa na naman ako sa kangkungan sa mga susunod na araw. I screwed up bigtime."
"Nah. You did more than well." Hinaplos ni Pol ang likod niya kasabay ng kindat. "I wish I could have seen you doing it, though. That was such a cool move. Baka lalong nalaglag ang puso ko."
Lalo pang napanatag ang loob ni Madi nang marinig ang panunukso ni Pol. Wala pa rin palang masyadong nabago dito sa ilang linggo nilang hindi pagkikita.
Inihanda niya ang sarili sa susunod na tanong. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin, Pitoy?"
Nag-iwas ng tingin si Pol. Pero hindi ito nag-abalang magkunwang hindi nito alam kung ano ang tinutukoy niya.
Kapagkuwan ay, "What difference will it make?"
"Everything."
Kinagat ni Madi ang ibabang labi na nanginginig na rin ng mga sandaling iyon.
"Akala ko ay wala ka nang pakialam sa akin simula noong umalis ka maraming taon na ang lumipas. I thought that you'd already forgotten about me... about us. Inisip ko sa loob ng maraming panahon na iniwan mo ako. While all this time..." Bahagya siyang nasigok dahil sa dagling pamumuo ng tubig sa lalamunan niya. "All this time, you've been watching over me. Bakit hindi mo sinabi kaagad sa'kin? Kay tagal kong naniwala na kay Phil ko utang ang pangalawang pagkakataon sa buhay ko."
Lumabas na nagkamali si Madi sa mga akala niyang nangyari maraming taon na ang lumipas. Totoo naman na si Phil ang umasikaso ng mga bills, pero si Pol ang naunang naroon. Si Pol ang umayos ng lahat para masigurong magiging maalwan silang dalawa ni Becca. Hindi iyon nalaman ni Madi dahil hindi siya nag-abalang nagtanong, inakala lang niya. Ngayon lang niya napatunayan na mali lahat ng mga pinaniwalaan niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...