Hindi matigil sa pag-iyak si Adeng. Ang dilim-dilim ng paligid niya at wala siyang makita. Paulit-ulit siyang sumisigaw, tinatawag ang pangalan ni Becca pero walang lumalabas na tinig sa bibig niya.
Nasaan ba siya? Bakit ang lamig? Bakit ang ingay?
Basta na lang siya umupo sa kung saan siya nakatayo. Hindi pa rin maawat ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. Ang alam lang niya, gusto na niyang matigil ang sakit. Gusto lang niyang masilip kahit maliit na liwanag.
Habang umiiyak siya ay palakas din nang palakas ang mga tinig na naririnig niya. Tinakpan niya ang mga tenga. Sa isip niya ay paulit-ulit siyang sumisigaw. Tulong! Kahit sino, tulungan niyo po ako! Gusto ko na pong umuwi... Gusto ko nang maging masaya...
"Adeng..."
Napatuwid ang upo ni Adeng. Tila isang bolang araw ang boses ng nagsalita na pinuno ng init ang buong silid. Namalayan na lang ni Adeng na tumitigil na rin sa pagpatak ang iyak niya.
"S-sino ka?"
Imbes na sumagot ay nagkaroon ng maliit na liwanag sa dako pa roon. Sa una ay naglalakad lang si Adeng. Pagkatapos ay nanakbo siya, habol-habol ang mailap na ilaw. Sigurado siya na kung sino man ang nasa dulo ng ilaw ay ang siyang matagal na niyang hinihintay.
Habang nananakbo si Madi ay nagkakaroon ng mga korte ang paligid niya. Doon lang niya napagtanto na nasa hospital siya. Anong ginagawa niya sa hospital?
Nanay Becca?
Binilisan ni Madi ang pagtakbo. Pero sa loob niya ay alam niyang maayos ang kalagayan ni Nanay Becca. Hindi rin niya alam kung bakit alam niya. Basta lang kasabay ng liwanag ay pumayapa ang puso niya.
"Sorry, Adeng," wika ng tinig. "Hindi na kita ulit iiwan."
Nang makarating sa liwanag ay nagpalinga-linga si Adeng. Wala pa rin siyang makita.
"Nasaan ka?"
"Nandito sa tabi mo."
"Bakit hindi kita makita?"
Imbes na sumagot ay tumawa ang tinig. Pagkatapos ay naramdaman ni Adeng na may humawak sa kamay niya. Mainit ang palad. Malakas ang kamay nang humawak sa kanya. Ang unang pumasok sa isip ni Adeng ay ang nag-iisa niyang kaibigan.
"Phil? Ikaw ba 'yan, Phil?"
Naramdaman ni Adeng na unti-unting humuhulagpos ang kamay na nakakapit sa kamay niya. Agad niyang naramdaman ang panic.
"Sandali—"
"Sandali lang!"
Napabalikwas pa si Madi mula sa pagkakahiga. It was darkness that greeted her. Mahabang sandali pa ang lumipas bago niya napagtanto na nasa loob siya ng unit niya. Siguro ay sumisigaw siya habang natutulog. Pero ramdam na ramdam pa rin niya ang mabilis na pintig ng puso niya.
Bakit hindi gayong pamilyar sa kanya ang Medical City na siyang hospital sa panaginip niya dahil minsan na siyang na-confine sa hospital na iyon?
The Medical City in her dream was so vivid that she could still hear the stranger's voice several seconds after waking up. Alam niyang narinig na rin niya iyon sa hospital. Pero ang nakakapagtaka ay sigurado siya na hindi iyon boses ni Phil. Sa katunayan, ang boses na narinig niya ay kahawig na kahawig ng boses ng taong kilalang-kilala niya.
"Waaah!"
Napatili si Madi nang may maramdaman siyang mainit na bumagsak sa bandang hita niya. Noon lang din siya naging aware na may mainit na nakahawak sa kamay niya. Sa pagkaisip noon ay mabilis niyang hinila ang kamay. Pero nang gawin niya iyon ay mas lalong naipit ang kamay niya sa isa pang kamay.
Umayos siya nang upo, para lang magulat nang makita na ang bumagsak sa hita niya ay ang ulo ni Pol. Nakaupo ito sa sahig at nakasandal sa sofa. Napatingin si Madi sa relo. Alas tres na ng madaling araw. Nakatulog pala siya paghihintay kay Pol.
"Pitoy, gising ka," yugyog ni Madi sa balikat ni Pol.
Pero gumalaw lang nang bahagya si Pol sa kinauupuan nito. Nang tangkain ulit ni Madi na hilahin ang kamay niya ay doon nagmulat ng mata si Pol. Mukhang nananaginip pa ito nang ngumiti sa kanya.
"Hello there, my childhood dream," mahina at garalgal na sabi nito.
Kahit na inaantok pa rin si Madi ay natawa siya sa sinabi ni Pol. He really was unbelievable.
"Pitoy, may sasabihin ako sa'yo."
Umungot lang si Pol. "'Wag na. Tulog na lang tayo."
Pagkatapos noon ay walang habas nitong ipinalupot ang kamay sa baywang niya at isinubsob ang ulo sa may tiyan niya. Sanay na siya dapat sa paghawak-hawak ni Pol. But for some reason, she was reminded of what it felt like when Pol loomed over her. His physique didn't bother her before, so she couldn't understand why it fazed her now.
Well, 'fazed' was a bit of an understatement. Dahil sa presensya ni Pol at sa boses sa panaginip niya ay hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya. Alam niyang si Phil ang kasama niya magdamag sa hospital noong gabing iyon. Kaya bakit nasisira bigla-bigla ang mga alaala niya, at bakit napapasama sa memorya niya si Pol?
"Ang kulit mo kasi, Pitoy," angil niya. Baka sa kakulitan nito ay nasisira na ang mga importanteng alaala niya.
"Ha?"
Pinilit ni Madi na bumangon. Pagkatapos ay hinampas niya ang balikat ni Pol na tuluyan na ngang nagpaigtad dito.
"Bangon ka na, dali. Kailangan nating mag-usap."
"Ano ba 'yang sasabihin mo na mas importante pa sa mga yakap ko sa'yo?"
"Tungkol kay Phil."
Mas naramdaman kaysa narinig ni Madi ang malalim na buntong-hininga na ginawa ni Pol. Then, he groggily stood up and turned towards the kitchen.
"Fine. Kukuha lang ako nang makakakain."
"Itimpla mo rin ako ng kape!"
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...