Chapter 11

1.4K 34 0
                                    

Pero naubos din kaagad ang charge ni Madi. Sa labas pa lang kasi ng pinto ng opisina ng RS ay nai-stress na kaagad siya sa sagutan ng dalawang nasa opisina. Maririnig doon ang mga boses ni Nanay Lily at Tito Do Ha. Si Nanay Lily ang head ng RS Talents.

"P—— ang ina!" bulalas ni Tito Do Ha. "Napaka-gwapo talagang bata!"

"Baka pwedeng isalang sa sexy shoots 'yan, Do Ha," ani naman ni Nanay Lily. "Paborito ng mga photographer 'yang ganyang angelic face pero hot... Ooh-la-la."

Oh no! Hindi kaya...?

Nang makapasok sa opisina ay nakita ni Madi si Tito Do Ha at Nanay Lily na nakatayo at nakapalibot sa lamesa. Nasapo ni Madi ang noo. May kutob na siya kung sino ang lalaking tinutukoy ni Janice kanina.

"Madeline! Jusmiyo!" Mataas ang boses ni Nanay Lily. "Saan ka ba naligaw? Sa Europa? Sa Abu Dhabi? Napakatagal mo!"

Hindi pa siya nakakasagot ay sumingit na kaagad ang manager niya.

"Sino ang lalaking 'to, Madi?" tili ni Tito Do Ha, sabay taas ng isang litrato. "This is fantastic, Madeline. You are fantastic!"

Wow. Talaga lang ha. "Ano ho ba 'yan?" pagmamaang-maangan pa niya.

Pero si Tito Do Ha ay bumaling na ulit kay Nanay Lily.

"'Nay, ito ang sinasabi kong potential ni Madeline noon pa. Alam niya kung paano gumawa ng balita. I trained her well is all I can say."

Sinipat ni Madi kung ano ang mga litrato. And her heart leaped from her chest when she saw dozens of stolen shots from the night of Phil's engagement. Hindi lang ang engagement, iyon pa talagang kuha ni Madi na hinahalikan si Pol. At sa iba't-iba pang anggulo.

May progression ang pagkaka-patong ng mga litrato sa lamesa. It was actually a cinematic scene. Simula noong naglakad siya papunta kay Pol hanggang sa hinalikan siya pabalik ni Pol ay nakuha ata ng camera ang lahat ng frame. Ang talagang nagtagal ang mga mata niya ay sa close-up na hinahalikan siya ni Pol na akala mo ay nasa isang pelikula sila ni Christopher de Leon at Vilma Santos.

And boy, oh, boy! From where she was standing, the kiss looked so damn erotic!

Pitoy! Ano bang ginawa mo sa buhay ko?!

"Sino ang lalaking ito, Madi?" ulit ni Tito Do Ha, mas demanding na. "He's got potential... way much potential! Hindi ko alam na may nakapaligid sa'yong Adonis na hindi ko kilala!"

"P-paano napunta sa inyo 'yan, Tito?"

Iwinasiwas lang ni Tito Do Ha ang kamay. "Hindi importante 'yan, Madeline. Ang importante ay ang publicity. Kailangan 'tong maipadala kay Ricky para maihabol sa balita mamaya." Si Ricky ay gossip columnist sa isang online showbiz newspaper.

Naramdaman ni Madi ang panic. "Ah, Tito. Ang totoo kasi niyan ay—"

Naputol ang sanang pag-mo-monologue ni Madi nang mag-ring ang cellphone niya. Pareho nang nakatingin ang dalawa sa kanya, pagkatapos ay sa bag niya kung saan maririnig ang tunog ng cellphone niya. Natataranta na tuloy si Madi na hinalughog ang bag niya. Para lang malito ulit nang makita ang caller sa screen.

Nakasulat sa screen ang 'Labs' na may katabing icon na puso. At hindi lang isa, tatlong puso pa!

Parang may hinala na si Madi kung sino ang nakialam ng cellphone niya. Tumalikod siya at sinagot niya ang tawag, aware na nakikiramdam si Nanay Lily at Tito Do Ha.

"Hello?"

"We look good together, don't you agree?"

Sinasabi na nga ba niya! Iisa lang naman ang makapal ang mukha sa mga tao sa paligid niya.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon