Chapter 23

1K 26 0
                                    

I need you is all that I can say. But deep inside of me I know, I want you more each day.

"But time won't let me have my chance... So I got to see you even at a glance..." mahinang pagsabay ni Madi sa kantang nanggagaling sa naka-park na jeepney sa tapat nila. She was tapping her fingers on the table.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang open bar sa may Adriatico at umiinom ng pinapangarap na softdrinks. Pero hindi naman iyon nakatulong para mawala ang mga alalahanin niya. Sa tapat niya kasi ay tahimik lang na nakaupo si Phil at walang tigil sa pag-inom ng beer. To think na hindi naman umiinom si Phil ng beer.

"What's that song?"

Dahil iyon ang unang pagkakataon na nagsalita si Phil tatlumpung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa naintindihan ni Madi ang sinabi nito.

"What?"

Phil smiled slightly. Tumungga muna ulit ito sa baso. Bago itinuro ang jeep sa tapat nila.

"It's a nice song. I wonder where I first heard that."

"Kay Pitoy. Noong high school pa siya." Kumunot lang ang noo ni Phil. "Hindi mo naaalala? He sang that during their guitar recital. Kinulit pa nga niya tayong manood dalawa, 'di ba?"

"Ah. Now I remember. 'Yung palagi kong naririnig na in-e-ensayo niya gabi-gabi. He dedicated that song for you, didn't he?"

Naubo tuloy si Madi. Naalala kung gaanong kahihiyan ang inabot niya dahil sa harap ng entablado ay binanggit ng buong-buo ni Pol noon ang pangalan niya.

"Yeah, he did." He really did. And I don't know why I'm feeling sad all of a sudden that I didn't value it that much back then.

Phil chuckled slightly. Pero walang masaya sa tawa nito. "It's a little funny. Kapatid ko siya pero mas marami ka pang natatandaang mga bagay tungkol sa kanya kaysa sa'kin."

Hindi alam ni Madi ang sasabihin patungkol doon kaya nanahimik na lang siya. May hinala na siya kung bakit ganoon. Walong taon ang agwat ng edad ni Phil at Pol. Needless to say that by the time Pol knew how to think, Phil was already moving in a different circle. Ibang-iba ang mundo ng dalawang magkapatid.

Iyon din ang dahilan kung bakit noong mga bata pa sila ay hinahayaan lang niya si Pol na sumunod sa kanya. Nakikita niya kasi ang sarili niya dito. Pareho silang dalawa na humahabol sa taong kahit kailan ay hindi siguro nila maaabot.

"Kamusta kayong dalawa?" tanong ulit ni Phil. His voice sounded a little strained. "Are you getting steady or something?"

Napailing si Madi. "Nah. We weren't really... I mean, it didn't work out as planned." Nang napuno ng kalituhan ang mukha ni Phil ay iwinasiwas ni Madi ang kamay. "Mahabang kwento. I'll tell you some other time."

"Well, that's interesting. And yet, you're still letting him stay with you."

Hindi alam ni Madi kung ano ang nahimigan niya sa boses ni Phil. Pero pinalampas na lang iyon ni Madi. Hindi ito ang panahon para pag-usapan siya.

"Baka malasing ka niyan," pasimpleng puna niya kay Phil. "I didn't know you drink beer."

"Hmm?" Tumaas ang kilay ni Phil, pagkatapos ay tiningnan ang mga wala ng laman na mga bote sa lamesa. Ngumisi ito. "First timer here. Nakakaalis pala talaga ng stress."

"Work?"

Umiling si Phil. "I wish." Tumungga muna ulit ito, bago, "It's Ilea."

Biglang kinabahan si Madi. Naibaba niya ang hawak na baso. Alam na ba ni Phil?

"W-what about Ilea?"

"She's not answering my calls. Palagi siyang wala sa unit niya kapag pinupuntahan ko. I know she's okay. Nakausap ko ang manager niya at pumapasok pa daw siya sa trabaho. I don't know..." Phil then drank the whole bottle to Madi's alarm. Pagkatapos ay nagbuga ito nang malakas na hininga. "I get the feeling that she's deliberately ignoring me."

Si Ilea? Umiiwas? Eh parang inaaway-away pa niya ako kailan lang, ah.

"Nag-away ba kayo? Baka naman busy lang—"

"There's no such thing as 'busy' for the person you love, Madi."

Ano bang dapat pang i-kontesta doon?

"Kailan pa?"

"I don't know. Four days ago? A week ago? Basta na lang siya nawala at hindi ko mahagilap."

Panibagong bote ng beer na ang tinungga ni Phil. Pinigilan ni Madi ang sarili na dumukwang para kunin iyon mula sa kamay nito. Then Phil starting laughing hysterically.

"Damn but I miss her."

Ipinatong ni Phil ang mga braso sa lamesa. Isinubsob nito ang ulo doon sa pagkagulat ni Madi. Phil's shoulders were shaking, to Madi's horror. Bigla-bigla ay nag-umpisang humilik si Phil. Mahina sa umpisa. Pagkatapos ay palakas nang palakas.

"Phil!" Natatarantang niyugyog ni Madi ang balikat ng kaibigan. "Huy, Phil!"

Pero wala iyong silbi. Parang naupos na sigarilyo ang hitsura ni Phil habang naghihilik. It was pretty funny and pretty pathetic. Para lang siyang nakapanood ng isang romantic-comedy na pelikula kung saan ang bidang lalaki ay isang ulirang tanga sa pag-ibig. What was worse was that she wasn't expecting the stupid, pitiable guy to be the great Philip Gallego.

"Ilea, you little viper. Humanda ka talaga sa'kin sa ginawa mo sa kaibigan ko," nagpupuyos niyang turan.

Sa pagkakaalam ni Madi ay si Ilea ang nagtataksil. Kaya bakit si Phil ang naiwang nalulunod sa maraming katanungan?

At dahil nakakawala ng matitinong kaisipan ang galit, wala nang inaksayang panahon si Madi para protektahan ang dangal ng kaibigan. Kinuha niya ang cellphone ni Phil. May lock code man iyon ay alam naman ni Madi ang code ni Phil.

"I'm disappointed in you, Adeng." Madi could hear Pol's nagging voice inside her head.

"Say what you want. I won't leave your brother like this," naiiritang pagsagot ni Madi sa imaginary na boses.

Sa loob lang ng ilang minuto ay na-upload na ni Madi sa e-mail niya at na-download sa cellphone ni Phil ang litrato ni Ilea kasama ng lalaki nito. I-sinave niya iyon sa 'gallery' ni Phil.

I'm sorry, Phil. But you need to learn the truth the hard way.

Madi took a deep breath. Pagkatapos ay ang natutulog naman na pigura ni Phil ang binalingan niya. Ano nang gagawin niya ngayon dito?

Hindi nag-iisip na kinuha niya ang cellphone. Nagulat pa siya nang makita ang ilang missed calls galing kay Pol. Pinindot niya ang speed dial 1. Para lang ibaba ulit ang tawag nang matapos ang limang ring ay hindi pa rin iyon sinasagot ni Pol. Hindi niya alam kung saan siya mas naiinis: na hindi nya mahagilap si Pol, o na ito ang awtomatiko niyang naiisip hanapin kapag nangangailangan siya ng tulong.

Just when did she start relying on Pol's strength instead of her own?

"You're really such a good liar," maktol niya sa pangalan sa screen niya.

Pinatay ni Madi ang cellphone at isinilid sa bag. Pagkatapos ay sinenyasan niya ang lalaking siyang nagpapatakbo ng open bar.

"Manong, patulong naman pong buhatin ang kaibigan ko."

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon