Chapter 18

1.1K 31 0
                                    

Wala nang ginawa si Pol kundi tingnan ang cellphone at baka makaligtaan niya ang text ni Madi. Na-e-excite siya sa ibabalita nito dahil witness siya kung paano ito nag-prepare sa audition. Hindi mapakali si Madi kahapon pa - halos hindi kumain at wala nang ginawa kundi i-brush nang i-brush ang semento ng banyo. In fact, sa sobrang linis na ng tiles ay pwede na siyang maglagay ng kutson at doon matulog.

Ganoon si Madi kapag natataranta at gustong magpa-distract. Natatandaan niyang ganoon din si Madi noong kolehiyo pa lang. Imbes na nag-aaral ay mas inaatupag nito ang pagkaskas sa banyo. Kaya alam ni Pol kung gaano ka-importante kay Madi na mabigyan ng oportunidad na makakuha ng lead role.

"Psst, Antipolo," Micky hissed, sabay siko sa tagiliran niya.

Mabilis na ibinulsa ni Pol ang cellphone. "Hmm? What?"

"'Wag mo naman masyadong ipahalata sa mga tao na maikli lang ang attention span mo." Micky had the guts to roll his eyes at him.

Kasalukuyan kasi silang nasa Lodge, ang paboritong tambayan ni Micky pagkatapos makipag-patintero sa mga businessmen. Nagpirmahan kasi kanina sa studio para sa gagawin niyang musical score sa animated movie na Radon kung saan isa din si Micky sa mga producers. Sa harap nila ay masugid na nag-uusap si Ramses at Eric, ang dalawa pa sa producers ng nasabing pelikula.

"That's why I told you not to drag me here," Pol hissed back. "Sumasakit ang ulo ko sa mga ingay sa paligid."

"Ikaw lang ang kilala kong music lover pero ayaw sa mga music-infested na lugar."

Napailing na lang si Pol dahil hindi naman siya mananalo ng argumento sa kaibigan. Hindi naman sa minamaliit niya ang pop music at RnB. Kaya lang, sa dami kasi ng kulturang nabisita niya ay hindi na niya ma-appreciate ang mga musika na may lyrics na "Your booty don't need explaining." Maaaring masarap nga sa tenga ang musika, pero wala itong nagagawa para sa puso niya.

"At ano ba 'yang source of distraction mo? Si Risha ba 'yan?" untag ulit ni Micky.

Agad na nalukot ang mukha ni Pol dito. "May utang ka pa sa'kin dahil diyan, Micks."

Mabilis nitong itinaas ang kamay. Alam na alam na ni Pol kapag naghuhugas-kamay ang kaibigan sa kasalan.

"Pare, sa natatandaan ko noong huli tayong nag-usap, ang sabi mo ay may kakatagpuin kang chicks. Being the bestest best friend ever that I am, inisip ko na si Risha ang tinutukoy mo. Para bang hindi ko natatandaan kung paano ka na-depress noong iniwan ka ni Risha."

"Medyo marami kang alam 'no?" matabang na komento ni Pol. "So being the bestest best friend that you are, bakit hindi pumasok sa isip mo na naka-move on na ako kay Risha? Na ibang babae ang itinitibok ng puso nitong kaibigan mo?"

May kinindatan muna si Micky sa kabilang table bago siya muling hinarap. "And who is that unlucky girl, pray tell me?"

"Si Adeng."

Dahil sa sinabi niya ay naibaba ni Micky ang hawak na bote ng beer. "Wow. Are you for real?"

Hindi pinansin ni Pol ang pang-aasar sa tono ni Micky. The reason they had maintained their friendship was that despite appearances, Micky was really an understanding guy, even if he was sometimes a jerk about it.

"After all these years, Pol?"

Tumango lang siya. Uminom siya sa hawak na bote ng alak. "Hindi ko ba nabanggit sa'yo? I'm staying with her."

"Ooh. Kaya naman pala."

"Don't you dare get the wrong idea," babala pa ulit ni Pol dahil kulay-green ang utak ng kaibigan.

Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon