"Higher, Madeline! Higher!" ani bading na art director na si Direk Gwen.
"Gaano ho ba kataas?" sigaw din ni Madi. Baka umabot na tayo sa langit nito.
Lumapit ang bading at tila naiiritang itinaas pa ang slit ng suot niyang Chinese-inspired gown. Hinawakan nito ang binti niya at ibinaluktot pataas. Kulang na lang ay mag-split si Madi sa hangin para kitang-kita na ang legs niya. Herbal drink ang ine-endorse niya kaya ewan niya kung bakit Calendar-girl mode ang gusto ng art director.
"Body scrub ho ba ang ine-endorse natin?" Hindi na nakatiis na tanong ni Madi. Binawi din niya ang sinabi nang tumaas ang kilay ng direktor. "Baka kulang pa ang taas ng slit."
"That's enough. A couple of centimeters more and you'd look like a slut," mataray na sabi nito.
Hindi pa ba?
Kinain na lang ni Madi lahat ng komento pang naiisip niya sa buong shoot ng commercial film. Hindi naman na bago sa kanya na maliitin ng mga staff at direktor ng mga commercial films.
Gabi na natapos ang shoot kaya pagod na pagod si Madi. Pero pagkatapos ng trabaho ay basta na lang kinuha ng staff ang mga gamit na hawak ni Madi at nag-umpisang mag-wrap-up ang lahat nang hindi man lang tinatanong kung nagugutom ba siya. Mag-isa tuloy siyang pumunta sa isang sulok ng location at sandaling nagpahinga. Wala si Janice kaya kailangan niyang asikasuhin ang sarili nang mag-isa dahil walang gagawa niyon para sa kanya. It was the loneliest part of the job - sitting alone while everyone had already moved on after using her.
Sa totoo lang ay ilang beses na niyang binalak mag-artista para naman masulit kahit paano ang pagod niya sa trabaho. Nagsusumite siya sa ABE ng mga VTRs kapag nalalaman niyang may bagong teledrama na gagawin - dahil sa mas malaking bayad, at dahil na rin naging pangarap na niya ang magkaroon ng teleserye. Pero kahit kailan ay hindi siya nakasungkit ng malaking role. Wala daw kasi siyang "masa" appeal. She was described as having a sexy and sultry face - too sexy and sultry to be put on television. May iba pang nagsabi na maliban sa legs niya ay wala naman siyang ibang appeal. Ni hindi siya pinaarte kahit subok lang. Madeline Puerto was a sexy star. Iyon ang status quo at walang maisip na dahilan ang lahat para baguhin pa iyon.
"At least, maganda ang legs ko." Masyado nang wala sa lugar at oras kapag nagself-pity pa siya sa edad niya ngayon.
Saktong umiinom ng carbonated water si Madi nang mag-ring ang cellphone niya. Si Tito Do Ha ang tumatawag. Naalala niya ang recent VTR na pinadala niya sa production team ng bagong teleserye na ngayon lalabas ang resulta. Baka magandang balita ang hatid ng tawag ni Tito Do Ha.
"Hello, Tito! Ano'ng bago?"
"Makinig ka muna sa'kin, Madeline!" Ang default na boses ni Tito Do Ha sa phone ay patili. "Hindi ka pumasa sa initial screening ng Iguhit sa Palad."
Hindi mapigilan ni Madi ang disappointment sa tinig niya. Promising ang teleserye dahil paborito niya ang direktor na gagawa niyon.
"Sinabi ho ba kung bakit, Tito?"
"Well, alam mo naman 'yung mga ipokritang 'yon. Hindi daw maganda ang image mo lately sabi ni Direk Obet. Hindi daw maganda sa maagang time slot na may artistang maraming sex scandals. Something to do with young viewers."
Ngumiwi si Madi. Sumasama na naman ang pakiramdam niya.
"Tito, hindi ba panahon na para pigilin natin ang mga naglalabasang balitang 'yan? Alam naman natin ang totoo. Frankly, nagsasawa na rin ako sa image na 'yan. Ano ho bang masama sa malinis na image?" And then she added a bitterly, "Yung kagaya ni Ilea."
"Be realistic, Madeline," matalas at walang kagatol-gatol na sabi ni Tito Do Ha. "Matanda ka na nang mag-umpisa sa showbiz. At sa edad mo, wala na ring maniniwala sa maganda mong imahe. Why do you think people talk about you, anyway? Sa tingin mo ba ay dahil gusto ka nila at talentado ka? No, no, hija. They talk about you because people like to gossip. May binabagayan ang pagiging television 'sweetheart' hija. Bagay kay Ilea iyon. Hindi 'yon bagay sa'yo."
Pinigilan ni Madi ang magsalita nang hindi maganda. Wala namang katuturan ang makipagtalo pa kay Tito Do Ha.
"Ano hong balak niyo, Tito? Alam niyong kailangan ko ng mga projects para kumita. Sa pagkakaalam ko ay wala ng nakalinyang trabaho para sa'kin at marami pa akong babayaran—"
"Don't worry, hija. May nasagap akong tsismis na may nakalinyang major project si Direk Joey. Gagawan ko ng paraang maihabol ang VTR mo. Au revoir!"
Hindi pa nakakapalag si Madi ay nawala na sa kabilang linya si Tito Do Ha. Humugot siya ng malalim na hininga. Minsan, kapag ganitong mga pagkakataon, iniisip niya kung tama ba ang mga desisyong ginawa niya noon.
Hindi daw maganda ang image mo lately...
Napatingin si Madi sa isa pang crew na naglalakad at nilampasan sila. Kasabay din nilang nag-shoot ang naturang crew pero magkaiba ang theme ng photoshoot nila. Hindi niya mapigilang matitigan ang isang young star na may screen name na Janelle De Guzman. Buntot-buntot nito ang PA nito at apat na babaeng mukhang miyembro ng fans club nito. Kinse anyos lang si Janelle pero sumikat na kaagad ito dahil nakasama ito sa isang successful na noontime show. Ngayon ay may naka-linya na kaagad na project ang TV9 - ang isa sa tatlong naglalakihang television networks - para kay Janelle hindi pa man natatapos ang current teleserye nito.
Hindi maiwasan ni Madi na makadama ng inggit. Ang tagal na niya sa industriya pero wala pa rin siyang pang-matagalang kontrata sa tatlong malalaking TV networks. Janelle was still young and still have a lot of opportunities and potentials. Janelle had a choice. Hindi nito kailangang malunod sa napakaraming intriga para lang mapansin ng mga tao. Hindi katulad niya na mas interesante pa ang mga eskandalo kaysa sa personalidad niya.
"Hindi bagay sa'yo ang mag-self pity, Magdalena," minsan pa ay saway ni Madi sa sarili.
Inayos na niya ang gamit at taas-noong umalis sa set. Bantulot si Madi na lumingon para lang makita na walang pakialam ang kahit na sino kung naroon man siya sa set o wala. It really shouldn't hurt by now, so it was a little frustrating that it still did.
Disposable. Iyon lang ang tanging depinisyon ng kalagayan niya ngayon.
Doon naman tumunog ulit ang cellphone niya. It was Phil this time. Sandaling nagbalik sa kanya ang alaala nang nagdaang gabi. She tried to push it to the back of her mind and answered the call in the cheeriest tone she could muster.
"Hey, boss."
"Thank God you're okay."
"Bakit mo naman naisip na hindi?"
"Well, last night..." There was a slight pause on Phil's side. "I don't know. I just thought that you'd be sick or something." Sasagot sana si Madi doon pero inunahan siya ni Phil. "Anyway, are you free for dinner?"
Tiningnan ni Madi ang relo. Lampas alas-otso na.
"It's already past the normal dinner time, Phil. Ano na namang importanteng ginagawa mo at nagpapalipas ka ng pagkain? You know that it's not good for you."
Tumawa si Phil. Iyon ang kaparehong tawa na ibinigay sa kanya ni Phil - at tanging sa kanya lang - sa loob ng guidance office sa isang nakaraang matagal nang lumipas.
"Mas mahigpit ka pa kay Felix. Maybe I should just fire him and hire you instead."
Umingos si Madi. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ang boses ni Phil. "Hindi mo kaya ang talent fee ko."
"True, that. I won't be able to afford a superstar like you."
Patawa namang sinabi ni Phil iyon pero naramdaman pa rin ni Madi ang paninikip ng lalamunan. Lalo na at ang babaeng napili ni Phil na pag-alayan ng habambuhay ang totoong superstar.
Ako ang hindi kayang i-afford ka, Phil, gusto niyang sabihin. Instead, she cleared her throat to ward off depressing thoughts.
"Superstar ka diyan. Kailangan ko nga ng raket." And then she asked the dreaded question. "Kasama mo ang fiance mo?"
"Nope. It would just be the two of us. Just like the old times."
Gusto sanang tumanggi ni Madi dahil mine-maintain niya ang timbang niya. Habang tumatanda siya ay pahirap na nang pahirap ang magbawas ng timbang. Pero syempre, mahirap na kalaban kahit kailan si Phil. Sa huli ay humugot na lang siya nang malalim na hininga.
"Okay. See you in a bit."
BINABASA MO ANG
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap
RomanceMalaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong sc...