Chapter 39

919 29 1
                                    

Napaiyak ulit si Madi nang makita si Becca na wala ng mga nakakabit na ventilator at kalilya. Sa tabi ng hospital bed ay lamesa na may plurera ng mga paboritong bulaklak ni Becca. The room also smelled of Becca, who looked so normal and alive after several years that Madi felt her whole body shaking from relief. Napausal siya ng panalangin ng pasasalamat na sa wakas ay dininig ng Diyos ang matagal na niyang dasal.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Becca at tumalungko sa sahig. Magiliw niyang hinaplos ang pisngi ni Becca. Mag-si-singkwenta na ang edad ni Becca pero hindi halata dahil wala pa itong masyadong wrinkles sa mukha. Noong kabataan nito ay maraming mga tambay sa kanto nila ang nagtangkang manligaw dito.

"Ang ganda mo pa rin talaga, Nanay."

Kinuha niya ang isang kamay ni Becca. Hinawakan niya iyon nang walang kasamang takot na masasaktan ang ina niya. Because Becca was definitely, perfectly okay again.

And before she knew it, another fresh set of tears welled up in her eyes. Sa dami ng gusto niyang maabot, sa layo ng gusto niyang marating, nakalimutan niya ang taong siyang dahilan kung bakit tiniis niya ang lahat. Lahat ng ginagawa niya ay para dapat sa nanay niya. Pero ni hindi niya ito mabigyan ng prayoridad sa mga araw niya. Wala siya sa tabi ng ina nang magising ito at ginustong muli na suungin ang mundo.

"Sorry, 'Nay. Sorry," bulong niya sa pagitan ng paghikbi.

"Ang ingay mo namang bata ka."

Mabilis na nag-angat ng ulo si Madi. Nakatingin sa kanya si Becca na may kunot pa sa noo. Bahagyang bumaba ang mata nito at nagtagal sa suot niyang blouse. Sa hitsura nito, halatang naimbyerna ito.

"At ano ba namang damit 'yan, Magdalena. Nakakahiya naman sa mga GRO sa Malate."

Napangisi si Madi sa pagitan ng malakas na pagiyak. Typical Rebecca Purisima. "Ba't kasi ang tagal mong natulog, 'Nay. Nalipasan ka na ng latest trend sa fashion."

Tinuktukan siya ni Becca sa noo. "Ano'ng fashion? Customer na lang ang kulang sa suot mo, Magdalena." Bahagya itong humikab. "Ang tagal ko nga daw natulog, sabi nung nurse. Pero inaantok pa rin ako."

"Tulog pa ulit kayo, 'Nay. Nandito pa rin ako paggising niyo."

Bahagyang tinapik ni Becca ang kamay niya bago ipinikit muli ang mata. Hinalikan ni Madi ang noo ng ina habang paulit-ulit ang pag-usal ng dasal na pasasalamat.

"Ganda pa rin ni Nanay Becca 'no?"

Napakislot si Madi sa pamilyar na boses na kay tagal niyang hindi narinig.

Pol...

Nang sa wakas ay makita ni Madi si Pol ay abot-abot ang pagpipigil niyang yakapin ito. The desire was too much she had a feeling it was seeping through her skin.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang lumapit si Pol sa bedside table para ibaba ang isang bouquet ng bulaklak. Iyong mga kaparehong bulaklak na nasa plorera.

"Salamat, Pitoy," ang nasabi lang niya.

Ngumiti lang si Pol. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na dumapo sa pisngi ni Becca.

"I already arranged everything so you don't need to worry. Ang sabi ng doctor ay pwede nang ilabas si Nanay in about a couple of weeks or so—"

"I know. I already talked to the doctors," agap ni Madi. Makahulugan ang tingin na iginawad niya kay Pol. "Sinabi na nila sa'kin ang lahat-lahat."

Doon tila nagulat si Pol. Alam ni Madi na alam ni Pol kung ano'ng ibig niyang sabihin.

"Oh. I see."

Then they both lapsed into a comfortable silence. Si Pol ay nakatitig sa kanya na wari ay hinahanap kung anong mga nagbago sa kanya sa loob ng ilang linggo na hindi sila nagkita. Ganoon din siya kay Pol. There were days-old stubbles around his face that made him look mature for his age. But the stubbles weren't able to hide the gentleness that was always engraved in Pol's face. Napaisip tuloy si Madi kung ano'ng ginagawa ni Pol nitong mga nakaraang araw at hindi nito naalagaan ang sarili.

God, but she missed him. It was so absurd because she thought that she might cry.

Sa maliit na boses ay, "Talk to me, Pitoy?"

Tila hinihintay iyon ni Pol na sabihin niya. Bahagya nitong ikiniling ang ulo at lumapad ang ngiti. She almost melted on the spot.

"Tara, Adeng."



Ikaw Hanggang Ngayon Ang PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon